"GOOD MORNING 'MA!" bati niya sa Mama niya na nasa kusina. Her mother was just a simple woman. Kahit na ang kinagisnan nitong pamilya ay sobrang mayaman pero ang Mama niya ay walang arte. Sobrang masipag mag-alaga ito sa kanila. Ayaw nito na ibang tao ang magluluto para sa kanilang pamilya. At sa Mama rin niya nakuha ang hilig sa pagluluto.
She smiled while walking towards to her mother and gave her a quick kiss on cheeks. "Magtoothbrush ka nga muna Jaye at nakakahiya sa bisita natin. Ang baho-baho ng hininga mo," nakangusong sambit ng Mama niya. Alam niyang nagbibiro lang ito sa kanya pero tumalikod muna siya at nagbuga ng hininga sa palad niya. Just to check my breath.
"'Ma! Good breath naman ako ah! Hindi ako bad breath!" pagmumuktol niyang sabi at nagsimula ng magtoothbrush.
"Anong good breath pinagsasabi mo? Ang baho-baho nga eh," sagot ng Mama niya habang naghahanda ng agahan sa mesa.
"Sino ba kasi ang bisita natin at bakit sobra ng isang plato to nasa mesa, 'Ma?" sabay upo at kumuha ng isang hotdog.
Her mother slapped her hand. "Stop it! Hintayin natin ang Papa at Kuya Century mo. First rule sa bahay: Kahit anong mangyari, sabay kakain ..."
"Ang lahat," pagtatapos niya sa sasabihin nito. "Isang hotdog lang 'Ma. Please?" nagbeautiful eyes pa siya.
Pinanlakihan na lamang siya ng mata ng Mama niya. Wala siyang nagawa kundi ang sumimangot na lamang.
"'Wag mo akong bigyan ng ganyang mukha Jaye, ang aga-aga."
"Oo na po," sunod niyang sabi. "'Ma, sino nga ulit iyong bisita? Iyong girlfriend ba ni Kuya?" pagtatanong niya ulit.
"Ano ka ba Jaye may amnesia ka ba o kaya Alzheimer's disease? Ang bilis mong makalimot." Tinungo ng Mama niya ang kitchen cabinet at inilabas ang Memory Plus Gold na gamot ng Papa niya. "Oh ayan, Jaye, sayo na iyan. Tutal, iyong Papa mo bihira na iyong pagiging pagkalimotin niya. Gamitin mo iyan at ng hindi masayang," sabay abot sa gamot sa kanya at humahalakhak.
Bago pa siya nakaangal sa hirit na Mama niya ay may isang tao ng pumasok sa kusina nila.
"Good morning Tita," sabay halik sa pisngi ng Mama niya.
"Good morning, hijo," masiglang tugon ng Mama niya sa lalaki. "Nasaan ang Tito mo at si Century? Tawagin mo nga sila at ng makapagbreakfast na tayo."
"Sige po Tita."
Tumingin ito sa direksyon niya. "Oh, hi Jaye! Good morning."
And there it went, ladies and gentlemen – his sweet smile.
Ang aga-aga at nawindang na naman itong sistema ko. Diyos ko, tulungan niyo ako.
Oo nga pala. Muntik na niya talagang nakalimutan na may bisita nga pala sila. Ang gwapong nilalang na ito ang bisita sa bahay nila.
Ngumiti siya ng tipid. "'Morning din."
"May eyebags ka ata Jaye. Di ka nakatulog ng maayos kagabi?" concerned nitong tanong.
Umiwas siya ng tingin dito. "I'm fine. May nilalaro lang ako kagabi."
You stalked him last night gerl! Haler! Sigaw ng isip niya.
I am playing. Playing as a FBI Agent! Haler ka din. Depensa naman ng isang parte ng utak niya.
Izaack just simply shrugged his shoulders. "Okay."
Bumaling ulit ito sa Mama niya. "I'll go check Tito and Century. We'll be back and let's have breakfast then."
"'Ma, bakit ang hot niya?" nakanganga niyang tanong sa Mama niya habang sinusundan ng tingin si Izaack. Maybe he went for an early jog because he was wearing a sleeveless shirt and jogging pants that really suited his body and muscles.

YOU ARE READING
U.N.I. (Just Say You Won't Let Go)
RomanceSi Jaye na ata ang Presidente ng mga bitter. Dalawang beses siyang nabigo sa ngalan ng pag-ibig that lead her mag-isip na wala talagang forever. Just when she already decided to stop believing the word "forever" ay siya naman pagdating sa buhay niy...