Kabanata 1 - Unedited

130 5 1
                                    

Kabanata 1

Casa Española

"Llenni ano ba! Hindi ka pa ba tapos diyan? Mala-late ka na oh. First day ng internship mo. Tapos mala-late ka? Magpa-impress ka naman sa mga tao doon. Ipakita mo sa kanila na deserving ka sa trabaho na iyon. Kahit intern ka pa lang."

Nasa harap ako ng salamin habang inaayos ang sarili ko. Samantalang 'tong si Tiyang, napaka-exited. Kung anu-ano ang sinasabi.                

"Five minutes Tiyang, nagpapaganda nga ako e kahit walang maganda sa'kin. Diba gusto mo magpa-impress ako sa kanila? Heto na oh. Inaayos 'tong pagmumukha ko. At, tsaka may orientation pa po kasi ako. Haharap pa ako sa HR, kaya dapat ayos 'tong mukha ko." Turo ko pa sa sarili ko.

"Hay naku! Ang dami mo pang palusot bata ka. Basta bilis-bilisan mo ang kilos mo at mala-late ka na. Oh siya, aalis na 'ko at may duty pa ako sa Resto Bar. Uy, Millennia.. Wag kang mawawala mamaya, maraming costumer ngayon. Sige na, alis na ako." Aniya.

Napa-iling na lang ako. Mala-late daw ako. E, 10am pa lang ang schedule ko for orientation at sa pagkaka-alam ko ay 7:30am pa ng umaga.

Isang Chef si Tiyang sa isang Resto Bar na every night ay may mga gigs ako. Si Tiyang Genara, siya na ang nag-aruga sa'kin simula noong Elementary pa 'ko.

Si Papa at si Tiyang Genara ay magkapatid.

May dalawang anak na si Papa sa iba niyang asawa.

Si Mama naman, nag-asawa ng Hapon pero ni isang beses, hindi ko pa nakikita ang mga kapatid ko sa labas. Sa pagkaka-alam ko nasa probinsya ngayon si Papa na parang wala nang planong magpakita pa sa amin. At kung bakit, wala akong ideya. Si Mama naman, baka nasa Japan, siguro.

Naawa si Tiyang Genara sa akin kaya kinupkup niya ako. Dalawa ang anak ni Tiyang at ngayon ay may kanya-kanyang pamilya na ito. Si Tiyong Mio naman, ang asawa ni Tiyang ay sumalangit na ang kanyang kaluluwa.

Pumanaw ito noong nakaraang taon. Namatay ito dahil sa malubha niyang sakit at halos ikamatay rin ito ni Tiyang. Sa mga araw'ng malungkot si Tiyang ay hindi ko siya iniwan dahil tulad ko rin noon, hindi niya ako iniwan.

Minahal niya ako na parang tunay niya nang anak at gayun din ako sa kanya minahal ko na rin siya bilang tunay kong Ina.

"Good Morning, Ma'am."

Nakangiti kong bati sa kaharap ko .Nandito na ako ngayon sa opisina ng HR para sa orientation ko.

"Good Morning too, Miss?"

"I'm Millennia Castro, Ma'am." Ngiti kong sagot sa kanya.

"Okay Miss Castro, can I tell you something?"

"Yes po, Ma'am. Ano po iyon?"

Ang lawak pa rin ng ngiti ko. Handang gawin ang lahat niyang sasabihin.

"Can you use some light make ups? Let me tell you this, sa kusina ka mag e-intern at hindi sa bar club. Understood?"

Napawi ang malaki kong ngiti. Napayukom ako sa mga kamao ko sabay kagat sa ibabang labi ko, napayuko, tumingala sa kanya at ngumiti ulit nang pilit.

"Okay po Ma'am. Wala pong problema. Pasensya na po." Saad ko.

"Good. Okay, sit. And, we'll start our orientation."

Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa harap nang kanyang mesa kahit medyo nailang ako sa naging komento  niya, ngumingiti pa rin ako. Anong masama sa make-up ko, hindi naman siya gaanong ka kapal.

"First of all, Good morning. I'm Ms. Vilma Arwantes. Let's start with our rules and regulations and I know you're already aware Ms. Castro na sa lahat ng establisyamento ay may tuntunin at regulasyon." Tumango ako at ngumiti, "Good. Ms. Castro, every interns at pati na rin ang mga regular employees natin ay may libreng uniforms. All in all, mula sa ulo hanggang paa. So you must wear it everyday, neat and clean."

Fall For You (Casa Española Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon