Chapter 18

21 2 0
                                    

Chapter 18

(Warning: May scene na SPG)

Wifey

Ang buong akala ko ay ihahatid ako ni Renz sa Casa pero ibang daan ang tinatahak namin ngayon.

Nilingon ko siya, seryoso at diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Renz?"

"Yes baby." Matamis niyang wika.

"Saan tayo? Duty ko ngayon, diba?"

Nilingon niya ako saka ngumiti nang nakakatunaw.

"Ayokong dumuty kang malungkot. Nasasaktan ako pag sad ang baby ko."

Nalusaw ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Dapat ang Casa ang inaatupag niya ngayon keysa sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Sorry Renz, dahil sa akin naabala ka pa. Dapat inaasikaso mo ang-"

"Ssh.. Llenni, always remember this.. Your my first priority." Kinuha niya ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan niya ang ibabaw ng palad ko.

Napangiti ako. Gusto ko ng umiyak sa mga pinaggagawa niya. Ayoko nang matapos ang araw na 'to.

Natatakot ako na baka isang araw bawiin sa akin ang kaligayahang ito.

Gusto ko ganito lang, masaya kami.

Hindi nagtagal ay narating namin ang Star City. Naunang lumabas si Renz sa kotse at pinagbuksan ako.

Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa akin, inabot ko naman ito at ngayon ay magka-holding hands kaming naglalakad papasok sa Star City.

Pansin ko lang ang daming nakatitig na mga kababaehan kay Renz. Tumingin ako sa kanya, hindi ko naman siya masisisi sobrang gwapo niya. Nakakamatay ang kagwapohan niya.

Dumungaw siya sa akin at inilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.

"Sana pala hindi kita dinala dito." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Nagulat ako nang hinalikan niya ang noo ko. For cheese cake's sake! We're in the freaking public place.

"Maraming nakatingin sa'yo. Ang lagkit ng mga titig nila. Naiinis ako. Sana sa Condo na lang tayo para solo kita." Bulong niya.

Uminit ang pisngi ko. Inaakit ba niya akong pumunta sa Condo niya at makipaglaro sa kanya?

Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Pilyo ka talaga!" Utas ko.

He snaked his arms around my waist. Tumindig lahat ng balahibo ko. Alam kong ilang beses na niya akong nahaplos pero iba pa rin pag nasa public kami at pinapakita niya ang mga galawang hokage niya.

Hay! All hail to the King Lorenzo dela Luisa.

Buong araw kaming namasyal ni Renz. Totoo nga ang sabi-sabi, pag kasama mo ang taong mahal mo mabilis lang ang oras niyong dalawa kaya di ko namalayan hapon na pala.

"Ayan! Happy na ang baby ko. Pero mas lalu kitang papasayahin sa condo ko." Kindat niya.

Uminit ang pisngi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Gusto kong hawakan ang flower ko at itago sa kanya.

Ano na naman kaya ang kabalbalan ang iniisip niya?

Tumawa siya ng makita niya ang reaksyon ko.

"Hooh! Pagkasama talaga kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na angkinin ka ng buo." Aniya.

Fall For You (Casa Española Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon