PROLOGUE

68 6 1
                                    

Guys.. bago niyo po basahin to, please be open minded😂
Sorry sa mga errors and wrong grammars😂
Huwag din po kayong maghesitate na magcomment if may problema😊✌

Thankies😙

*****

"Walang hiya ka! Nakakadiri kang lalake ka! Ano bang nangyari sayo ha? Napakalibog mong hayop ka! Hindi ko lubusang maisip na nagpakasal ako sa isang katulad mong tao..."

Sigaw ng asawa ni Evan na si Karen.

"Mahal.. hindi ko ginusto ang nangyari.. alam mong mahal kita at hindi ko magagawang magtaksil sayo. Maniwala ka naman sa akin." Sagot ni Evan.

"Pero nagawa mo na eh! Kitang kita ko yung video Evan. Parang awa mo na! Huwag ka ng magsinungaling! Mabuti siguro kung maghiwalay na lang tayo. Isasama ko ang mga bata sa akin. Hintayin mo na lang ang Divorce papers." Untag ni Karen bago pumunta sa harap ng asawa niya

Nabato sa kanyang kinatatayuan si Evan ng dahil sa narinig niya. Ano nga bang magagawa niya kung maabutan ka sa ganoong sitwasyon.

Ikaw ba?
Ano nga bang gagawin mo kapag naabutan mo ang inyong bahay na magulo at ang asawa mo naman ay nasa likod bahay at nakabaon ang buong katawan sa lupa at ang ulo lang ang nakalabas. Sabayan pa na may pinapanood na video. At ang videong iyon ay ang video nila ng kanyang babae na nakikipagtalik sa kanilang kama. At hindi lang yan, dalawang babae pa.

"Arrgh! Sinisigurado ko sa sarili ko na hahanapin ko ang dalawang baliw na babaeng yun at matitikman nila ang pait ng paghihiganti ko."

Untag ni Evan sa kanyang sarili. Nasuntok na lang niya ang pader na malapit sa kanya ng dahil sa galit niya. Sa tuwing naiisip niya ang ginawa sa kanya ng dalawang babaeng iyon ay hindi na lang niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya. Sila ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang asawa, kaya hindi niya maiwasan isipan na maghiganti sa kanila. At sinisigurado niya sa sarili niya na matitikman nilang dalawa ang pait ng paghihiganti niya.
'Masama na kung masama. Pero sila ang naging dahilan para maging miserable ang buhay ko! Kaya gagawin ko ring miserable ang buhay nilang dalawa.( *insert* nakasusuklam na ngiti >;D)

******

Ang PaghihigantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon