***********Evan's POV
Cray Thompson
Azy Parker
Pinagmamasdan ko ang hawak kong dokumento na naglalaman ng detalye tungkol kay Cray Thompson at Azy Parker. Sino nga ba sila?
Walang iba kundi ang dalawang babaeng sumira ng pamilya ko.
"Maraming salamat sa impormasyong ibinigay mo Mr. Clinton" pagpapasalamat ko sa imbestigador na inutusan ko para sa paghahanap sa kanila.
"Ikinagagalak kong paglingkodan ka Mister, at kung hindi mo mamasain. Maaari bang ako'y tumuloy na at marami pa akong imbestigasyon na kailangang ayusin." Sambit niya sa akin sabay tayo at lahad ng kamay sa harap ko.
"Walang anuman. Maaari ka ng umalis." Sagot ko.
Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay ang magimpake para sa plano ko. Kailangan kong puntahan ang kinaroroonan ng dalawang iyon at ng sa ganun ay mapigilan ko sila sa mga binabalak nila.
******
Pinatay ko ang makina pagkarating ko sa bahay ng isang estranghero.
Magaalas-sais na ng hapon at tanaw na tanaw ko mula dito sa kinaroroonan ko ang pagpasok ng dalawang babae sa isang bahay. At kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga babaeng hinahanap ko. Tignan mo nga naman ang pagkakataon oh. Hindi ko aakalain na ganito pala kadali ang paghahanap ko sa kanila.
'Masaya ako't nagkita muli tayo' sambit ng aking isip kasabay ng pagkurba ng aking mga labi.
Muli kong tinignan ang impormasyong nakasulat sa papel na hawak ko.
Cray Thompson
Isang ulila at tanging sa kaibigang si Azy Parker na lang siya nakikitira.
Ayon sa mga nakakakilala sa kanya. Siya daw ay may komplikasyon sa pagiisip. At ayon narin sa ibang tao, ang dalawang magkaibigang ito ay laging magkasangkot sa mga krimen.Azy Parker
Isang ulila din at tanging ang kaibigang si Cray Thompson na lang ang kasa-kasam.
Halos parehas lang sila ni Azy Parker na may komplikasyon sa pagiisip at sangkot din sa iba't ibang krimen.Ha! Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ganun na lang ang itsura ng dalawang yun.
Nagtataka na ba kayo kung bakit ganun na lang ang galit ko sa kanila?Dalawang araw na wala ang aking mag-iina sa aking bahay. Walang pagaalinlangan ko silang pinapasok ng sila ay humingi ng tulong sa akin dahil wala daw silang masakyan at malakas din ang ulan noong gabing iyon.
Tinulungan ko sila, pero hindi ko ninais na ganoon ang mangyayari noong gabing iyon. Napapakuyom nalang ako ng aking kamao sa tuwing naaalala ko iyon.
Pinagsamantalahan nila ako. Pinaglaruan nila ang pagkalalake ko. Binaboy nila ang pagkatao ko. Nanginginig ako sa galit ng dahil sa ginawa nila sa akin. Wala akong kalaban laban dahil plinano nila ang lahat. Simula sa paghingi nila ng tulong sa akin. At ngayon, nandito ako para pagbayarin sila sa ginawa nila. Ng dahil sa kanila nawala ang asawa't mga anak ko. Dahil yun sa kanila!
Nalaman ko rin na marami na pala silang nabiktimang mga lalake at halos lahat sa amin ay mga pamilyado na.
At ngayon, sisiguraduhin ko na ito na ang huling pambibiktima nila sa amin. Sinisigurado ko yun. [>:( ]
********
BINABASA MO ANG
Ang Paghihiganti
Non-FictionNakatikim ka na ba ng napakapait na paghihiganti ng isang taong ginawan mo ng napakalaking kasalanan? Kasalanan na naging dahilan ng kanyang pangungulila sa kanyang mag-iina? Gaano nga ba kapait ang paghihiganting yan? Ito ay isang storya ng isang l...