********
"Hihihihihihi"
"Hahahahahahaha"
Rinig kong tawa ni Cray at ni Azy o di kaya tawagin na lang natin sa pangalang Crazy. Pinagdugtong na pangalan nila, Cray-Azy.
Ako pala'y nandito sa loob ng bahay na pinuntahan nila, at base sa narinig kong tawanan at hagigikan nila. Hindi na ako magtataka kung makikita kong nakatali sa upuan ang lalakeng bibiktimahin nila.
"Pakawalan niyo ako dito, mga walang hiya kayo!"- ani ng lalake. At kung hindi ako nagkakamali, siya si Mr. Bolton. Kilala siya sa larangan ng billard at isa rin siyang kilalang business man. At may masayang pamilya na sa ngayon.
"Oh?! Hahahahaha! Mamaya muna haha! Naglalaro pa kami oh. Tsaka... nage-enjoy pa kami eh hahahahahahaha" sambit ni Cray kasabay ng paghalak-halak niya. Nasa isang upuan si Mr. Bolton at nakatali ito doon, habang nakatayo naman sila Crazy sa harapan niya.
At ako naman ay nasa likod ng isang pinto, inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ko sila ng video habang pinapahirapan nila si Mr. Bolton. 'Maghintay ka lang ng ilang sandali at matatapos rin to.' Ani ko sa sarili.
**
Natapos na ang lahat lahat ng pagpapahirap nila kay Mr. Bolton pero nandito parin ako sa loob ng bahay nila at nangangalap parin ng ebidensiya.
Pero sa tingin ko ay patapos na rin sila. Paano ko nasabi? Dahil inilalagay na nila sa isang butas na hinukay nila si Mr. Bolton. Sa tingin ko ito na ang tamang tyempo para ako'y lumabas.
"Sa wakas at patapos na rin kayo sa pagpapahirap sa kanya." Sambit ko.
"Ahh!" Sigaw ng dalawang babae sa gulat. Nanlaki ang mata nila ng masilayan ako. Pero napalitan din agad ito ng malanding tingin.
"Ahh.. sinundan mo pala kami. Siguro.... gusto mo pang ulitin ang ginawa natin ano? Ha-ha-ha-ha pasensya na pero... sawa na kami sayo hahahahaha" sagot nila.
Pero imbis na mainis, sinuklian ko na lang sila ng isang ngiti. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi nila.
"Oo, pasensya na ha? Nahuli ba ako ng dating? Ayos lang naman sa akin yun. Gusto ko lang ulit kayong makasama." Sagot ko sa kanila at binigyan sila ng isang ngiti.. isang ngiting malademonyo. At mukhang nagtagumpay ako sa pananakot sa kanila, dahil kitang kita ko sa mukha nila ang paglandas ang takot.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ni Azy.
"Wala. Namiss ko lang kayo. Eh kayo? Hindi niyo man lang ba ako namiss?""Hindi! Kaya pwede ba! Umalis ka dito! Istorbo ka sa ginagawa namin! Panira ka pa sa plano!" Bulyaw sa akin ni Cray.
"Kayong dalawa ang tumigil. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Naninira kayo ng pamilya. Pinagdidiskitihan niyo ang mga lalake--"
"Hindi namin kasalanan iyon! Sa tingin mo? Hindi masisira ang isang relasyon kung sakaling naging tapat ka sa minamahal mo. Oo pinaglaruan ka namin, pero ano?! Nakipaglaro ka rin! Hindi lang kami ang naglaro. Pati ikaw! Huwag mong isisi sa amin kung bakit ka iniwan ng pamilya mo. Kasi kahit anong tanggi mo sa sarili mo, alam mong may kasalanan ka rin."
Tama siya. Alam kong may kasalanan ako doon pero..., pero kung hindi nila ginawa iyon edi sana walang mangyayaring ganito. Kaya kasalanan parin nila iyon.
"Hindi din mangyayari yun kung hindi kayo ganyan. Sa tingin niyo hindi ko alam? Alam ko na may problema kayo sa pagiisip. Alam ko lahat. Alam ko rin na nanggaling narin kayo sa isang mental hospital. Sa tingin niyo ba makakatakas pa kayo sa akin?"
Rumihistro ang takot sa kanilang mukha ng marinig nila ang sinabi ko."Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Azy.
Lumapit ako ng isang hakbang sa kanila at tinulak sila sa butas na hinukay nila. Mabuti na lang at nakaalis na si Mr. Bolton doon kanina.
"Ahhhh!" Sigaw nila.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Sumampa si Mr. Bolton sa kanila at pinaulanan sila ng suntok. Masama na kung masama pero hindi ko siya pinigilan at itinuon ang pansin sa telepono. Kailangan ko munang tawagan ang mga pulis.
*******
BINABASA MO ANG
Ang Paghihiganti
Non-FictionNakatikim ka na ba ng napakapait na paghihiganti ng isang taong ginawan mo ng napakalaking kasalanan? Kasalanan na naging dahilan ng kanyang pangungulila sa kanyang mag-iina? Gaano nga ba kapait ang paghihiganting yan? Ito ay isang storya ng isang l...