Huling Kabanata

30 4 0
                                    


******

Napaupo ako sa upuan dahil sa pagod, at dahil na rin sa nasisiyahan ako sa nakikita ko ngayon.

"Oh my! Parang awa muna! Huwag mong gawin sa akin to! Masakit!" Ngawa ni Azy sa kanyang kinatatayuan. Bakit?

Hindi parin kasi niya nararating ang kasukdulan XD. At alam kong masakit iyon para sa mga babae.

"Ano? Tapos ka na ba?" Napatingin naman ako kay Mr. Bolton ng umupo siya sa tabing upuan ko at iabot sa akin ang isang bote ng beer.

"Oo, tapos na ako. Ikaw ayos ba?" Tanong ko.
"Oo naman hahaha."

Wala kaming ginawa doon kundi ang magkwentuhan at panoorin sila Cray at Azy.

Hindi kalaunan, nakaisip na naman ako ng kalokohan.
Tumayo ako at kumuha ng isang bote ng Chivas.

"Gusto niyo?" Tanong ko sa kanila dahil kanina pa sila naglalaway sa amin.

Lumapit ako kay Cray at ibinuka ang bunganga niya sabay buhos ng alak.

"Ano?! Masarap ba? Sige lang. Laklakin mo!"
"Ughh! Hmm! Argghhh!"

Ipinaubos ko sa kanya ang kalahati ng alak at lumapit naman ako kay Azy.

"Hi Azy. Ang ganda mo sana kaso, masyado kang higad! Kayong dalawa. Dapat lang na mapunta kayo sa impyerno!" Bulyaw ko direkta sa mukha niya kasabay ng paglapat ng palad ko sa pisngi niya. At gaya kay Cray, ipinalaklak ko rin sa kanya ang alak hanggang sa maubusan na siya ng hininga.

"Pare! May isa bang bote dito kung gusto mo! Hahahaha!" Sigaw ni Bolton sa akin na nakaupo lang habang tumatawa.

Ibinato ko kay Azy ang bote ng alak ng maubos na ito. Pumunta ako kay Bolton at ipinagpatuloy ulit ang pagiinuman namin.

Third Person's POV

Nagpatuloy sa paglasing ang dalawa at hindi nila napansin na naparami na ang kanilang nainom at kalaunan ay nakatulog na sila.

****

"Uhmm" ungol ni Evan ng makaidlip siya mula sa pagkakatulog. Sinubukan niyang igalaw ang mga kamay niya ngunit nabigo siya ng hindi niya nagawa iyon.

"Ugh! Mr. Bolton. Ang kamay ko..." sambit niya kay Mr. Bolton ng hindi pa nagmumulat ng mata.

"Ugh! Ano ba! Ang ingay mo!" Bulyaw ni Mr. Bolton ng magising siya dahil sa ingay ni Evan.

"Yung kamay ko. Dinaganan mo!" Sigaw pabalik ni Evan.
"Ano?! Eh ang layo layo ko sayo!" -Mr. Bolton

"Ha?! Eh ano tong--" Naputol ang sasabihin ni Evan ng makita niya kung nasaan siya.
"Mr. Bolton! Gising! Bilis!"

Nagmulat naman ng mata si Mr. Bolton. At ganun na lang rin ang gulat niya ng makitang nakagapos si Evan sa isang upuan at wala pang saplot ni isa.

"HAHAHAHAHAHA!" Pinuno ng halakhak ni Mr. Bolton ang isang kwarto.

"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong ni Evan.
"Eh kasi nakatali ka sa isang upuan at nakahubad pa hahahaha! Para kang ewan! Bakit mo tinali sarili mo?" Tanong naman ni Mr. Bolton.

"Eh pati rin naman ikaw ha!" Inis na bulyaw ni Evan.
Napatingin naman si Mr. Bolton sa kanyang sarili. At laking gulat na lang niya ng makitang parehas pala sila ng sitwasyon ni Evan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Napuno ulit ng nakakatakot na halakhak ang buong silid, ngunit ngayon.... nanggagaling na ito sa dalawang babae. Sina Cray at Azy.
Napatingin naman ang dalawang lalake sa pinang galingan ng tawa.

"Tapos na ba kayo? HAHAHAHA!"

Nakangising malademonyo at nakatayo sa harapan nila sina Cray at Azy.
Nagkatinginan na lang sina Evan at si Mr. Bolton kasabay ng paglunok nila.








THE END

********
At Dyan nagtatapos ang Paghihiganti ni Evan at Mr. Bolton.

Okay ba?!
Comment kung nabitin kayo 😂😆 please vote narin po.

Hi Ma'am Ordinaryo 👋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PaghihigantiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon