Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang.
Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” . T___T
At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko.
Paano ba mag move on?
Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.
Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.
Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.
Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.
STAY AWAY FROM HIM – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.
Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.
Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo.
Eto muna mashashare ko. Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready kana mag move on!
” The sand taught me one thing, you cant hold too many things, no matter what you do to make them stay, The wind will always blow them away… So learn to LET GO & choose carefully which you want to stay. Because like the sand, only those which in the center of our palm will last.. “
to be continued............