Paano nga ba mag move on take two ( andyan ka nanaman ....)

551 5 0
                                    

Habang patulog ka at nakikinig ng radyo bigla ka makakarinig ng song na ..

Paminsan-minsan

Naaalala pa rin kita

Kahit ngayon mayr’ong nagmamahal na ngang iba

Tuwing maiisip mong damdamin nagbabalik

At para bang nar’yan ka pa sa aking tabi

Muling nadarama ang yakap ko

Matitikmang muli ang halik mo

Naririnig sinusumpang

Ako ay mahal mo..

TOINKS! erase erase! hanuu ba yan nakikinig pa kasi ng love songs eh.. tumigil ka , nataon lang na yan ang music sa radyo. Tapos maya maya inaayos mo na sarili mo para matulog bigla nanaman patutugtugin ang ganitong lyrics…

I’d still do anything for you

In spite of it all

I’ve learned so much from you

You made me strong

Don’t you ever think that I don’t love you

That for one minute I forgot you

But sometimes things don’t work out right

And you just have to say goodbye

Stop it! nakakabago ng mood itong mga songs nato.. patayin mo nalang kaya ang radyo … Sya pinatay na ang radyo.. bigla naman mapipikit ang mga mata mo tapos.. tapos.. mukha ng mokong na yun ang makikita mo.. Ano ba talaga????

Okey… so watcha gonna do when you thought you’ve already moved on from that (*^&_(^*+_ ##@@@ of yours? Then suddenly biglang mag aappear sa existence mo. Hello ??? Bakit ? Nang aano ka?

Nag text lang sayo ng hi.. wazzup? pa fall ka nanaman?? Wala kang kadala dala.. pa fall ka ha ? pa fall?!

Sasabihin mo na naka moved on na ko eh.. nag text lang nababahala ka na? So naka move on ka na non sa tingin mo? Well well… ganon talaga ang tao kasi mahilig mag emote eh.. nadadala ka lang ng sitwasyon kasi iniisip mo, bini big deal mo yun pag pansin nya sayo.. Oweno naman ngayon kung nag text ? text lang? Gusto ka lang i add sa  facebook eh assuming ka na agad.

Mag hunos dili ka… kelangan mong panindigan ang pag momove on mo dahil diba sinabi mo sa sarili mo na tama na … owver na ayon kay melai ng PBB, as in owver na owver ka na sa kamartiran. Ano ba ang dahilan mo bakit mo sinabi sa sarili mo na dapat mag move on ka na? Dahil nasasaktan ka na ng bonggang bongga diba?

Masokista ka ba? Gusto mo nanaman maramdaman yun pakiramdam na para kang sinasaksak ng punyal, yun halos ayaw mo huminga dahil sa tuwing hihinga ka eh kasabay nun yun hindi maipaliwanag na sakit..

O common.. i know its really hard to move on.. lalo na at talaga namang minahal mo ng bonggang bongga si ex. Pero heto.. konting konti nalang eh makakalimutan mo na wala nang sakit, tapos bigla mag aappear watahecks na yan.

Tingin ko tinetest lang yung selfcontrol mo nyan, kung kaya mo pa panindigan yun sinabi mo sa sarili mo na mag momove on ka na nga. Pero paano ba ka ba naman mapapanatag nyan kung hanggang ngayon eh single ka pa rin at walang lablayp hindi ba nakakainis yun?

Oweno naman ulit ngayon? Tigilan mo na ang pagseself pity, wag ka nang mag ampalaya pa dyan.. let’s just accept the truth that nothing in this world is permanent.. people change.. hndi ka na nya mahal, mahal ka man o minahal ka man nya minsan may mga pangyayaring hindi natin kontrolado.. lahat ng magagandang bagay may katapusan din.. masakit ba?

Oo naman masakit lalo na kung isa kang sensitive na tao.. konting sakit iniinda mo ano ka baby? Konting pitik lang eh magngangawa ka na? Minsan kasi kelangan din nating turuan yun sarili natin na maging manhid para naman di tayo gaano nasasaktan.

At tigilan mo na ang pag iisip ng ano kaya? Naiintindihan mo ako? Gusto mo ng panibagong chance? Baka naman maging kontrabida ako sa tingin mo nyan dahil ang alam kong gusto mong marinig eh ang simpatya ko sa nararamdaman mo, ang makakapag pasaya ng puso mo sa tingin mo kakampihan kita?

Bahala ka sa buhay mo! Buhay mo kaya yan.. at ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo sa pagtupad ng bonggang bonggang pag momove on dyan sa ex mo. Pero may tip ako sayo..

Paano ba mag move on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon