Isipin mo nalang ham yan… na gets mo? (medyo ginugutom lang..) Kapag daw iniisip mo ang isang bagay lalo mo ito maiisip. Tama naman yun. Kaya nga mas mataas utak natin sa puso kaya dapat gamitin mo utak mo hindi puro puso. Gusto mo sya makalimutan? May nabasa ako eh.. Para daw yang gripo.. pag binuksan mo ang gripo tatagas ang napakaraming tubig bumubulusok.. iyon ang mga memories nyo ni ex.. tulad ng walang katapusang sweetness sa isat isa at kung ano ano pa . At wag kanang mag ano ano pa dyan hinaan mo yun gripo hangang sa patak nalang ang matira.. Gawin mo yun self control lang ang katapat nyan.
It is finished - Tapos na. Past is past. At kapag ang isang pilikula ay tapos na tapos na. Pwera nalang kung nagustuhan mo talaga yun movie at gusto mo ulit ulitin, pero ulitin mo man ganon pa din ang ending diba? May movie ba na nabago ang ending pag inulit mo? Pwera nalang kung may part II o may saga katulad ng twilight yun. Pero tapos na nga diba?? Tapos na. End. Isaksak mo sa kukote mo yun.
ACCEPTANCE – Oweno naman ngayon kung talo ka? Naloko ka? Pinagtaksilan ka? Kahit ginawa mo na lahat para sa kanya pero sa huli sasaktan ka lang? Tanggapin mo na sa sarili mo ganon talaga ang life parang buhay, ang tao may kanya kanyang kapal ng balat.. kung ipinanganak na insensitive talaga yan ex mo.. wala ka na magagawa.. hindi nya maiisip yun … nabalutan na nga ng makapal na apog yun self nya kaya tama na. Walang mawawala kung tatanggapin mo sa sarili mo na naisahan ka. Gusto mong gumanti? Magpanganda / magpagwapo ka na lang.. smile ulet.. kahit mapait pa.. masasanay ka din nyan.
Dont hate your ex - Bakit eh_______ (bahala kung ano gusto mo sabihin sa ex mo) si ex bakit di ko sya kakamuhian? The more na kamumuhian mo sya the more na maiisip mo sya. At diba nakakalamang lalo sya.. habang si ex nagpapakasaya ikaw ito iniisip mo sya sa kung paanong paraan mo sya gustong isipin.. talo ka , alipin ka pa rin nya kahit nasaktan ka nya noon hanggang ngayon ba naman na wala na kayo pinapayagan mo pa rin masaktan ka nya? Tama na. At kahit paano may pinagsamahan din kayo.. wag mo nang ibulgar kung anong klaseng tao si ex. minahal mo yun eh… tapos sisirain mo? Kung sa tingin mo __________ (insert your emotions here) si ex tantanan mo na sya, wag ka nang mag bitter bitteran sa kanya magmumukha ka lang desperate non.
Forgive and forget– Patawarin mo na. Tingin ko kahit ganon si ex gaano ka man nya nasaktan dun sa isang bahagi ng puso nya hindi nya sinasadya yun. May mga bagay lang talaga na hinde na pwede. Masisira lang ulo mo sa kakaisip ng kakaisip, nakakapanget yun… patawarin mo na at kalimutan mo na unti unti. Sasabihin mo nanaman hindi madaling lumimot.. madali lang yan.. refer to number 1. Isipin mo nalang ham yan .
Kaya next time na ma fall ka ulet.. hmmm mas mahalin mo naman yun sarili mo kaysa sa kanya . Tamang balance lang kapatid.. para di masakit pag bagsak . Sa ngayon hugs hugs na lang kita muna ^___^
*END*