C1: KRISTIN

89 2 0
                                    

(It's Kristin ----------------------------------------->)

--------------------------------------------------------------------------------------------

< Kristin's POV >

"Boredom!" Sabi ko habang nakaupo at nakapalumbaba sa study table dito sa kwarto ko

Lunes na lunes, bored na bored ako.

Summer pa kasi..

Wala pa akong kasama dito!

Nasa work pa si tita..

Gustong gusto ko ng pumasok!

Nakakaboring lang kayang tumunganga!

6 weeks na din akong nakatira dito sa Tita Glaiza ko. Dito muna ko titira pansamantala kasi malapit lang dito ang university na papasukan ko. Sa Concordia University. Napaka-sosyal ng school na to sabi ng kuya ko. Puro richkids lang naman po ang nag-aaral dun. Pero di ako kasali dun. Hahaha. Nakapasa kasi ako sa scholarship exam nila. Kaya ayun, free ang tuition fee ko. Haha.

Sa isang subdivision nakatira si tita. Well, siya talaga ang may kaya sa buhay. Ang ganda ganda ng bahay niya. At siya lang ang nakatira dito. Kaya tuwang tuwa yun ng malaman niyang binabalak kong tumira sa kanya. We're very close talaga. At dahil bata pa si tita, nakakasabay siya sa mga trip ko.

At sa loob ng six weeks na pagtira ko dito, alam ko na kung sino sino ang nakatira dito sa subdivision. Panay kwento kasi si tita. Kaya kahit di ko close yung mga tao dito, eh alam ko ang mga family names nila at family background. Halos lahat kasi sila, malapit kay tita. Napaka-socialite kasi niya

By the way, I'm Kristin Grace Ocampo..

Di ako sobrang maganda. Pero sadyang maappeal lang. Hahahaha.

I'm 15 and turning 16 five months from now.

Yeah, matagal pa nga pero ngayon pa lang nagpaplano na si tita kung anong klaseng party ang gagawin namin. Di nga ako excited sa birthday ko eh. Si tita nga ang pa ang mas naeexcite. Di ko naman ma-invite yung mga friends ko kasi mga taga-Rizal pa yun. Eh hello.. nandito po ako sa Mandaluyong.

Kaya for sure.. mga invited sa party eh mga residente din ng subdivsion na to. Hayyy.

"KRISTIN!!!!!"

Si Joanna to malamang. Ang nag-iisang kaibigan ko dito.

Sabay dungaw ko sa bintana. Siya nga.

"WAIT LANG BAKLA!!!!"

Di talaga siya bakla.. tawagan lang namin yan.

Hahahaha.

So lumabas na ako ng bahay.

"Tara Bi, libot tayo!" Ayan agad ang bungad sakin ng bruhang to.

"Na naman??"

"Dali na!!!"

"Letse! Di ka pa ba nagsasawang umikot ikot dito??"

Well.. Alam ko naman talaga ang main reason ng lokang ito sa paglilibot. Gusto na naman niyang abangan yung crush niya. Si David Mendoza. Ang model ng Penshoppe. Hahaha. At sabi niya, dun daw to nag-aaral sa Concordia kaya dun na rin siya mag-aaral.

Close ko na talaga to noon pa. Kasi lagi kaming pumupunta dito kay tita. At lagi ko siyang nakikitang nakatambay sa labas. Siya ang unang um-approach sakin. at nakipagfriends na din ako.

"Oh tara na nga! Nakabusangot ka na dyan."

(^___________^) siya yan!

Napangiti naman ang gaga at kumapit pa talaga sa braso ko.

Contract Lovers [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon