C6.2 - My First Kiss... TT__TT (Continuation of Chapter Six)

35 0 0
                                    

 (Si Kent Rodriguez yung nasa kanan ^____^ ------------------------->)

"T-thanks. Sino ka nga pala?"

"I'm Kent. Kent Rodriguez." Sabi nung stranger na tumulong sakin.

"O-oh. Salamat ulit ha?" 

"Okay lang yun. Tayo ka na dyan.." Sabi nya habang nakangiti.

Tumayo na nga ako habang inaalalayan nya ko. Tinignan ko ang facial features nya. He's sooooo cute! Maamo, mapungay ang mata, may dimples at mapula ang lips. Good boy ang dating nya. Pero kung ipagkukumpara silang dalawa ni Dee, mas prefer ko pa rin ang mukha nung kumag na Dee na yun.

"Salamat talaga ha? S-sige punta na ko sa klase ko.."

"Wag na!"

"Bakit naman?"

"Ano ka ba?! Punit punit na nga yang damit mo eh papasok ka pa din?!"

Oo nga naman. Tatanga tanga ka talagang Kristin ka!

"S-sabi ko nga eh."

"Tara.." Hinigit nya ang braso ko at hinila ako palayo.

"T-teka Kent.. san tayo pupunta?"

"Sa condo."

*Dub dub*

Anong gagawin namin dun?!

"H-hey! A-anong g-gagawin natin s-sa condo mo?" Kinakabahan kong sabi. Eh syempre, mamaya gahasain ako ng lalaking to dibaaa?! Gutay-gutay pa naman yung suot ko.

"Tss. Sa tono mong yan, napaghahalataang may iniisip kang di maganda. Tsk. Basta! Walang mangyayari sayong masama." Naiiritang sabi nya. Haha. Sorry naman.

Pumunta kami sa parking lot ng school. 

"Oh!" Sabay abot sakin nung helmet nya. Sinuot ko naman yun. "Sakay!" At sumunod nga ako. Sumakay ako sa motor nya. Medyo kabado ako dahil first time kong sasakay sa motor.

*10 minutes later*

"HOOOOOOOOOOY!!! BAAGAALAAAAN MOOO NAAMAAAAAN!!! ANG BILIIIIS NG PATAKBOOO MOOOOOO!!!!" Naghi-hysterical na ko habang sakay ako ng motor nya. Ang bilis nya magpatakbo! Feeling ko, humihiwalay yung kaluluwa ko eh!

"Pwede ba?! Wag ka na lang maingay dyan!!"

Pagkapunta namin sa condo nya, pumasok agad sya sa isang kwarto. Tinignan ko ang place nya, lalaking lalaki ang style. Puro dark blue ang gamit. Maganda sya actually.

"Suot mo to!" Sabay hagis sakin ng... ano to?! Purple dress na sleeveless at backless?!!!

"B-bakit naman to?"

"Pwede na yan! Wala na kasing ibang damit dito. Sa ate ko pa yan. Okay na yan, kesa sa wala ka namang maisuot."

"Sabi ko nga. S-san yung CR?"

Tinuro naman nya sa akin. And then, nagbihis na ko.

"Bagay sayo. Lalo kang pumuti." Nginitian nya ko. "Kumain ka na ba? Tara kain tayo."

"Sige."

Nag-order sya ng pizza para makakain kami. Nagugutom na din ako. Di pa ko kumakain eh.

Contract Lovers [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon