C5: WHO IS DRAKE?

39 0 0
                                    

One week after ng pag-uusap namin yon ni Dee, di na talaga kami nagkita.

Well. Okay na di yun para walang asungot sa buhay ko.

Nandito ako ngayon at nagmumukmok sa bahay.

Excited na nga ako eh!

Kasi bukas, pasukan naaaaaa! ^____^

BS Hospitality Management ang course na kinuha ko. Same as BS HRM pero ewan ko. Yan daw ata ang bagong curriculum eh.

Nakabili na din ako ng bagong bag, shoes at mga school supplies.

Ang cute ng uniform namin. Parang katulad sya sa mga nakikita ko sa mga japanese & korean movies. :) Ang cute talaga! Naeexcite akong isuot!

* DINGDONG*

Malamang si Joanna na to. Haayyyyyyyyy! I miss this girl  so much. Sinabi ko sa kanyang bibisitahin ko sya sa ospital pero ayaw niya. Babatuhin lang daw nya ako at ingungudngod sa sahig. Hahahaha.

Pagbukas ko ng gate. As expected.. sya nga.

"KYAAAAAAAAAAAAAAH!" Niyakap niya ako agad pagkakita nya sakin. ayiiieeee! Miss din niya ko. :">

"I miss you K! Nakakabagot dun sa ospital. Buti na lang at magaling na ako." Nakayakap pa din sya. "I guess, marami kang dapat ikwento sakin. Madaming nangyari nung wala ako no?" Then bumitaw na sya.

"Tara muna sa loob. Dun ko na lang ikkwento."

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Ginawan ko sya ng cookies at orange juice. After nun, kwinento ko na sa kanya yung mga nangyari. Simula sa di natuloy na date namin ni Michael hanggang sa contract namin ni Dee.

"WHAAAAT?! Edi may boyfie ka na ngayon?" Sigaw nya ng may napakalaking ngiti sa labi.

"I guess? Pero di naman seryoso yun."

"Kahit na! Atleast may boyfie ka na! eh ako nga wala eh! Kahit man lang fake  din gaya ng sa inyo nung Dee na yun." Bumusangot sya. haha. "I wonder kung sino ba yang Dee na yan. You should introduce me to him!"

"Sige next time na makita ko sya."

"Puntahan na lang kaya natin sa bahay nila ngayon?"

"Wag na bakla! Busy ata sya ngayon."

"K. Eh san ba nag-aaral yun?"

"Ewan?"

"Ewan mo?!! Boyfie mo di mo alam kung san nag-aaral??!"

Napaisip ako dun. Tama si Joanna. Isa pa palang stranger sakin si Dee. Ang tanging alam ko lang eh, sya si Dee Olivarez na saksakan ng yabang na anak ni Tita Claudine at apo naman ni Lola Gina. Bukod dun wala ng iba pa.

"Kahit na fake lang yang relasyon meron kayo, dapat  kilalanin mo yan! Mamaya drug addict pala yan? O, di kaya leader ng sindikato na nangunguha ng bata para kunin yung lamang loob. Tss."

"Adik! Nakilala ko na ang mom nya at lola nya. Mababait sila at mukha namang di mga kriminal ang pamilya nila."

"K fine! Basta ipakilala mo ko dun ha?"

"Oo na!"

** Kinabukasan..

Sabay kaming pumasok ni Joanna sa Concordia University. Pareho kami ng course at ang swerte namin dahil magkaklase kami.

Contract Lovers [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon