Chapter 05 - End of the elementary days

34 2 2
                                    

GRADUATION MASS.

                                              Altar

                  G                                                      B

___________________                ________________

________________O__                _______O________

Ganyan yun pwesto namin nung sa graduation mass. Ako yung nasa Left side and si Lyndon yung nasa right side.

So bigla akong tumingin sakanya.

And napatingin rin sya sakin.

Akala ko, mag-loloser sign sya sakin. 

And I was wrong. Dahil winave nya yung kamay nya at nag-Hi sya sakin.

First time! Oo first time.

Loser sign kasi yung batian namin ng mokong na yan. Kahit nasa harap kami ng mga teachers at nung principal pa namin, hala sige loser sign parin sa isa't-isa.

Ganyan kami ni Lyndon. Kaya nagulat ako nung nag-hi lang sya sakin. Tapos ngumiti. 

Oh, eto nanaman ako. Kinikilig. Haha!

Edi nag-start na yung mass,. Ang nakakainis pa dito, katabi ko yung bestfriend ni  Ruffa. Si Regine. Sya talaga yung pinaka-nagagalit sakin. Dahil akala nya, may something samin ni Daniel. E crush nya kasi si Daniel. E bestfriends lang kasi kami nun diba? Kaya ayun, na-misunderstood ata nya. Well, galit na sya sakin at wala na siguro akong magagawa.

Kaso nakakailang kasi katabi ko sya nun sa upuan. At dumating na sa part na "Ama Namin"

Grabe sya makahawak sa kamay ko. Parang diring-diri. Kaya gusto ko na talaga matapos yung mass kasi nasa simbahan kami tapos ganun parin inaasal nya.

And finally!  Tapos narin finally yung grad mass.

Recessional na. Kaso, pag lalabas daw kayo dapat holding hands daw kayo ng kapartner mo sa paglabas.

Holding hands?!

Kaya yung mga nauna samin, nagholding hands na.

Syempre babae't lalaki yun. Dahil nasa left nga yung girls at nasa right naman yng boys.

Tapos medyo napapaisip ako, sino kaya yung maswerteng kapartner ni Lyndon?!

Hanggang sa malapit na ako sa pila. 

At alam nyo kung sino yung katapat ko?

Walang iba kundi si Lyndon.

Shoot!

Edi it was our turn na. Our? Hmmm. My turn na lang siguro. Haha.

Edi naglalakad na kami ni Lyndon palabas. Pero hindi ko alam kung hahawakan ko ba yung kamay nya o sya ba yung hahawak kasi kailangan daw holding hands e.

Kaya ang ginawa ko, tinago ko nalang yung kmay ko. Nakakailang e.

At buti nalang di kami pinagalitan. =))

At dun nag-end yung grad mass namin.

~

GRADUATION DAY.

Mag-mamarch na kami. 

"Teng...teneneneng...teneneneng, teneng. teng. teneng. teneng. teneng. tenenenengnengneng"

Ewan ko ba, tumataas balahibo ko habang naririnig ko yung tunog nung graduation march.

Tapos bigla kong nakita si Lyndon.

The confessions of being bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon