Chapter 09 - Canon

17 1 0
                                    

Papasok ba ako? Teka teka Chelsea, hindi mo naman yan room e!

Pero andun si Lyndon? Alone. Playing with his violin. And I want to hear it. So bad.

Pano ba? Pano ba ako papasok? Malamang sa pintuan.

Pero I mean, tatanungin ko ba sya kung pwedeng pumasok sa room nila?

Waah! Nababaliw na ata ako. Bahala na

Dahil sa hindi ko alam kung anong gagawin ko, bigla ko nalang kinatok yung pintuan sa room nila at binuksan ko ng konti sabay tinanong ko sya "can I enter?"

Sabay napatigil sya sa pagtugtog ng violin. "sure."

Sabay tugtog ulit.

At pagpasok ko sa room nila, napansin ko na sarado lahat ng ilaw sa room nila maliban dun 

sa isang ilaw kung saan sya nakapwesto. At yung ibang liwanag, galing nalang sa bintana.

Kaya inopen ko lahat ng ilaw sa classroom nila para hindi naman awkward tignan na ako at si Lyndon nasa isang madilim na room. Yucks. lol

At habang palapit na ako sakanya, hindi ko mapigilang kiligin ng konti. Though palagi naman kaming magkasama, pero ngayon lang talaga yung time na ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya para mapigilan yun, ti-nap ko sya ng malakas sa balikat. Tapos mag-sisigasigaan ako. Katulad ng palaging kong ginagawa sakanya para mapigilan ko yung pagkakilig ko. 

"Oh, bakit ang aga mo ata ngayon?" masiga kong tanong sakanya

"May choir practice kasi ngayon e. Sabi nila 6:30 daw nasa school na. So I came here early. Pero Imba, wala pa namang masyadong tao."  and then he smiled.

"Ahh. Nice naman! Instant choir ka na ngayon ah...." and then I pause for a while "..can you play a violin for me?"

"Sure. What do you want? Church songs ba?"

"Kahit anong gusto mo, basta kanta."

And then he started palying. he first song he played for me was a Michael Jackson hit. I forgot the title. And even the tune.

and after that, bigla syang nagstop sa pagtugtog and I asked him why.

"did you know the song Fall for you?"

Fall for you. Sounds familliar. Ahh! Naalala ko na. Ayun yung palaging tinutugtog ng bestfriend ko sa phone nya. Pero I don't pay too much attention to that song. 

Kaya I just shook my head.

"Well, better listen to this"

And then he started to play. At habang tinutugtog na nya yung "Fall for you" hindi ko ulit mapigilang kiligin. Again and again.

Yung feeling ba kapag naririnig mo yung tunog na lumalabas kapag nagdikit yung mga violin strings at yung mahabang shits na gawa sa buntot ng kabayo na sinabayan

pa ng mga mahuhusay nyang daliri. Ay grabe, nakakaheaven ang tunog. Kung naririrnig nyo lang ngayon.

Nasa kalagitnaan na kami ng kanta ng bigla syang napatigil sa pagtugtog kasi biglang may pumasok sa room nila. 

Si Kay. Classmate nya.

Pero lumabas narin sya agad-agad nung nilagay nya yung bag nya sa upuan nya.

At nung lumabas na si Kaye, bigla ulit syang tumugtog. Pero this time, hindi na sya Fall for you. 

Instrumental sya na ang ganda ng tunog. Nakakainlove. 

Naririnig ko rin sya sa mga OST ng mga palabas. Kalimitan, sa mga korean movies. Ah alam ko na, sa My Sassy Girl ko syang unang narinig. Kaya I aked him:

"What's the title of that?"

"Canon" he said habang tumutugtog sya.

"Canon" I repeated.

At habang tinutugtog nya na yung Canon, eto na naman si unpredictable feeling habang nakikinig sa violin version nya ng canon. 

Yung tipong mapapangiti na ako hanggang langit.

Hindi naman siguro hanggang langit. Hanggang ceiling lang ata siguro ng room na yun. Ay ang corny ko na naman. Haha.

At natapos na sya sa pagtugtog at pinalakpakan ko sya syempre para sa effort.

"Bravo! Bravo! Nakakainlove...... yung mga tinutugtog mo. Lalo na yung Canon." sabay palakpak

Totoo naman. Sobrang nainlove ako nung tinugtog nya yung Canon. At kung hindi nyo pa naririnig yung Canon, eto po yung tunog nya. Look at the right side of the screen. ----->

"Hehe. Thank you." sabi nya

Tapos nagtawanan kami. At ang cute nya kapag tumatawa.

Kaya eto lang yung tanong na paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ngayon oras na yon. San ba ako naiinlove; sa tugtog o sa natugtog?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The confessions of being bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon