“Dito na ako titira.” deklarasyon ng babae.
Siniklat nya ang braso nito at matalim na tinitigan. “Dont play games out of me. Di ka pwedeng tumira dito. Di kita kilala at di ko-”
“ummmm...” anas bigla ng babae. “Wanna...” mapang-akit pa nitong kinagat ang kuko sa hinlalaki. “...repeat the hot session we did last night?”
Napalunok si Aaron at muling kumulo ang dugo nya. Di sya nakaimik lalo pa ng bigla nitong abutin ang towel nya at inalis.
He was eaten by lust kaya hinila na nya ang babae at ibinuwal sa kama. Doon, inulit nila ang kaluwalhatiang pinagsaluhan nila nung isang gabi. Kapwa pagod at humahangon matapos nilang maapot ang ikapitong langit.
“Seriously, di ka pwede dito. We barely know each other. Ni hindi ko nga alam kung saan ka galing.” biglang sabi ni Aaron.
“Ang dami mong reklamo, samantalang sa pagtatalik e wala kang palag...sarap na sarap ka pa. Yun na nga e di tayo magkakilala pero di ka manlang nangiming galawin ako. So please lang, pagpahingahin mo na ako. Okay?” sabi ng babae at patagilid na humiga, nakatalikod sa kanya.
Di na nito pinag-aksayahan pang hilain ang kumot upang takpan ang kahubaran. She sleep silently and peacefuly. Napahawak sa noo si Aaron. Di nya akalain malaking gulo ang pinasok nya.
He wants to live independently, kaya nga bumili sa ng condo unit malapit sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Di nya ininda ang pagsusumamo ng ina at kapatid nang iwan nya ang dating tahanan dahil nais talaga nyang tumayo at mamuhay sa sariling paa. Pero paano nya itataboy ang babaeng ito? Marahas syang napabuga ng hangin at tumayo na. Nagbihis sya at kinuha ang susi ng puti nyang van-truck.
Mabilis nya itong pinaharurot sa kahabaan ng NLEX. Magdamag lang syang nagdrive...nag-iisip ng susunod na hakbang. Sumandali syang huminto sa may Manila bay. Hatinggabi na kaya mangilan-ngilan nalang ang tao. Masarap ang hanging dagat kaya di na nya namalayan ng sya ay mapatulog.
Naalimpungatan sya dahil sa mahapding sikat ng araw na tumatagos sa binta ng kanyang sasakyan.
“Ungh...” agad nyang inapuhap ang cellphone.
38 Misscalls. 45 Text messages. Pasado alas-onse na pala ng tanghali. Saglit syang nag-unat-unat. Karamihan ng text at tawag ay galìng kay Yohann, ang ilan naman ay kay Alice.
Humikab sya at nag-return call. “Aaron! God, buti tumawag ka. We had a problem sa site. Di namin alam ang pasikot-sikot sa blueprint ng project since ikaw yung in-charge dun. You need to be here in a minute bago sumabog sa galit si boss.” paliwanag ni Jared na syang tinawagan nya.
Di kasi sya dumirekta kay Yohann dahil tiyak nyang sesermunan sya nun. Isama pa ang bunganga ni Alice- tiyak kasi nyang nandoon ang babae. Di naman kasi ito lumalayo sa nobyo, lalo pat bakasyon nito sa unibersidad. “Sige, sige.” aniya at pinarebulusyon na ang sasakya. “In lessthan five minutes, nandyan na ako sa field.”
***
Gabi na syang umuwi. Maraming trabaho sa site at talagang paguran ang lahat. Dapat kasi ay maging perpekto ang museum na itatayonila. Tahimik ang buong kabahay nung makapasok sya. Patay ang mga ilaw, dumiretso na sya sa kwarto para makapagpalit.
Walang tao. Mukhang umalis na yung babae.
“Buti naman...” pero napangiwi sya nung buksan nya ang kabinet, yung kalahati kasi ay ukupado ng mga gamit nya na maayos nang nakasalansan, habang yung kalahati ay naglalaman ng mga damit nung babae.
Napabuntong hininga nalang sya, mukhang di nya maitataboy ang babae dahil halata dito ang sagad na kakulitan. Matapos makapaligo at makapagbihis ay tumungo sya ng kusina. Kumakalam na ang sikmura nya.