Napasinghap sya at napabalikwas ng bangon ng bigla syang maalimpungatan dahil sya mga mumunting ingay sa sala- kaluskos at bagsakan ng mga gamit.
Baka magnanakaw! Pasado alas nwebe na ng gabi at halos kakauwi lang nung mag-jowa. Dala ang baseball bat ay maraham at tahimik nyang pinihit ang seradura ng kwarto nya.
Walang magnanakaw...di magnanakaw ang nakapasok kundi isang lasing na lasing na babae.
“Hheloooowww... Haaaaaneyyyyy....hik!” bati nito sa kanya saka tumimbwang sa sofa.
“Shit!” Tangi nalang nyang nasabi at binuhat na ang babae papasok sa kwarto.
Napakabaho nito. Matapos nya itong maihiga sa kama ay kumuha sya ng isang plangganitang maligamgam na tubig at towel. Nilagyan pa nya yung tubig ng alcohol saka pinunasan ang babae. Syempre kailangan nya itong hubaran...at yun ang expertise nya.
Una nyang inalis ang pang-itaas nitong blouse, saka nya tinanggal ang pantalon nito. Napalunok sya.
The woman is a true goddess. Napakaperpekto ng hubog ng katawan nito na animo’y nililok ni Micheal Angelo.
Dahan-dahan nyang inalis ang bra at underwear nito at matagal munang pinagsawa ang mga mata sa magandang tanawin.
Tawagin na syang maniac...but he can’t help but stare.
Napakaganda talaga nito. Mabagal ang bawat galaw ng kanyang kamay sa twing pupunasan nya ito.
“Ummmmmhhhh...” bahayang ungol ng babae.
Bigla naman syang nakadama ng pagsikdo ng kalamnan at nang lingunin nya pang ibaba ay sya nyang nakita ang animo’y ilang palapag na gusaling nakatayo sa loob ng kanyang baggy shorts.
Agad syang napatayo at tinungo ang closet. Kumuha sya ng mga damit at binihisan na ito. Dumiretso agad sya sa banyo upang maligo. Nag-iinit nanaman sya at maling pagsamantalahan nya ito gayong wala itong malay. Mali ring pagnasahan nya ang babae gayong di nya talaga ito kilala.
Kulang nalang ay maligo sya ng may yelo upang mapawi ang kanyang nadadama. Di na nga sa pumasok pa ng kwarto at sa sala nalang nya itinuloy ang pagtulog.
***
Mabango ang naaamoy na. Bacon? Sinangag? Kape? at......mabangong sabon? Kasama ba yun sa menu? Alam nyo...parang mas masarap yung amoy mabangong sabon!
“Morning...” nakangiting bati nya sa akin.
Mataman ko lang syang tinitigan. Nakaupo sya sa sahig sa may baba ko, nakasandal sa sofang kinahihigaan ko. She wears an off-shoulder t-shirt. Napakabango na...bagong ligo.
Yung bacon, sinangag at kape? Nasa center table ang mga iyon nakahain.
“Bakit ka dito natulog?” muli nyang tanong.
Umupo na ako at humikab.
“Maghilamos ka na at ipatitimpla kita ng kape nang makapag-almusal ka na.” anito at tumayo na.
Tinungo na rin nya ang banyo. Nagsipilyo, nag-ahit at naghilamos.
“Ay, di ko pala alam ang timpla mo...” dinig nyang sabi ng babae at dumukwang pa ito sa c.r.
“two scoop of coffee... No cream...no sugar...pero lagyan mo ng isang sachet ng swiss chocolate.” aniya at nagpunan na.
“Ahhh.. Okay. MOcha pala ang trip mo. Ako, coffee with two scoop of cream at two scoop of sugar...tapos kalahati lang ang mainit na tubig.” pagdadaldal nito sabay hagikgik.
Habang kumakain ay bigla nanaman itong nagsalita. “Siguro, masakit ang katawan mo. Bakit kasi dito ka sa sofa natulog?”
‘Para di ako magkasala...’ Yun sana ang gusto nyang isagot, but that statement make him back to reality. Naalala nya ang sitwasyon nila. “Ehem...amm...ano...” putol-putol nyang sabi. Pano ba nya sisimulan? “Seryoso ka ba talagang dito ka titira?”