Prediction ♥

57 1 2
                                    

August 15, 2011

Nakita ko siya sa harap ng school nakatingin saakin. Bigla siyang ngumiti. Tinawag siya ng kabarkada niya at sumunod siya pero bago siya umalis tinawag niya ang pangalan ko at nagpaalam.

Sumunod ako sa kanya pero biglang nagblack ang paningin ko kaya hindi ko na siya nakita kaya umuwi nalang ako.

 Umuwi akong abot langit ang ngiti. Simula first year highschool palang ako ay crush ko na siya. Ngayon, Hindi na to crush. Love na talaga at alam ko na hindi infatuation ang nararamdaman ko.

Hanggang matulog hindi mabura bura ang ngiti ko sa mukha. Ngayon ko lang nalaman na kilala niya pala ako. Dedmahan lang kami dati eh. 

sunod na araw...

Nakita ko ulit siya sa harap ng school. Lumapit siya saakin at nagpakilala.

" Hello ako si Kevin. Ikaw si Andrea diba?" sabi niya.

" Hello. Ako si Andrea bakit? "

" Wala gusto kasi kita " binigyan niya ako ng isang pula na rose at isang white rose.

"Salamat"  Kinuha ko at inamoy ang rose.

Ako na yata ang pinakalucky na girl sa mundo! WAAAAH! Mababaliw na ako!  Naghahyperventilate na ako dito! >//<

" Sumama ka please saakin? " 

" Saan ba? " sabi ko

" sa 7-11 lang naman. Sige na! "

" Ahh akala ko sa puso mo " sabi ko.

Tumawa siya bigla. Ang cute cute niya naman tingnan na tumatawa >//<

"  Ang cute cute mo talaga! " sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

" sasama ka ba? " dagdag niya pa

" Sige na nga " sabi ko na parang pilit. Para naman hindi niya sabihin na easy to get ako hahaha :))

Nasa 7-11 na kami ngayon. Nilibre niya ako ng slurpee at donuts. 

Nagkwentuhan, Nagtawanan, Mas lalong naging close kami sa isa't isa.

After Ilang months naging kami. The relationship is perfect! Wala pa kaming away ngayon kaya happy ako. Nagkakasundo naman kami sa lahat ng bagay. Masarap talaga sa feeling na naging kayo ng crush mo <3

Matutulog muna nga ako! Masaya yung date namin kanina eh kaya nakakapagod :))

" Andrea " 

Narinig ko ang pangalan ko. 

" Andrea "

Narinig ko ulit kaya nagising ako. Pagkagising ko nakita nasa isang maliit na kwarto ako kasama si bestfriend ko ( michelle ). Kulay puti lahat. Heaven ba? Hindi eh. May TV eh may TV ba sa langit? Ewan =_____= 

" asan ako? Anong nangyari? " tinanong ko si Michelle

" Naaksidente ka. nabunggo ka ng kotse Noong August 15 na hapon. 2 weeks ka dito na natutulog! Buti nga nagising ka pa! " niyakap ako ni Michelle habang umiiyak siya. " Kala ko nga mamamatay ka na " dagdag niya pa.

Umiyak ako bigla. Panaginip lang pala ang nangyari saamin ni Kevin. Sayang naman akala ko kami na talaga pero hindi naman pala. Ang sakit sakit sakit. 

Biglang may pumasok sa kwarto. Nakita ko si Kevin... May hawak ng white rose at red rose.

" Hi Andrea " ngumiti siya at lumapit siya saakin

" Buti nalang buhay ka pa. Papakasalan pa kita eh " sabi niya at inabot ang 2 rose saakin.

THE END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories Compilation :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon