Dedicated to: cutiemab123
Lisa PoV
"Lisa! Lisa! Lisa!" Huminto ako sa kalalakad dahil may tumawag sakin. Agad akong lumingon sa likod at nakita ko si allison na tumatakbo patungo sakin.
Pagkahinto nya sa harap ko ay napahawak agad sya tuhod nya at noo. Napakunot noo naman ako, anong kailangan neto?
Napansin ko naman ang hawak nyang papel, na ngayon ay gusot-gusot na.
"Lisa, Hindi ka matutuwa sa sasabihin ko" Seryoso nyang sabi. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Paano ako hindi matutuwa kung hindi pa nya sinasabi, Ang labo rin e.
Napabuntong hininga muna sya nang malalim at diretsong tumingin sakin kaya hindi ko maiwasan makaramdam nang kaba.
Minsan lang sya nagseryoso kaya, posible na hindi talaga maganda ang balitang sasabihin nya.
Magsasalita nasana sya nang biglang tumunog ang speaker,
"Lisa Ruiz and Allison Kim, Come here in Studio Room, Lisa Ruiz and Jennie Kim, Come here in Studio Room"
Napabuntong hininga nalang ng malalim si Allison at lumapit sakin, "Mamaya nalang" Bulong nya. Napatango nalang ako at sumunod sa kanya patungo sa Studio Room.
Ang alam ko, kaya ako lumabas nang room ay para kumain? Hayy Wrong timing naman yan. Napahawak nalang ako sa tiyan ko na kumukulog na, nako sana mabilis lang matapos yun.
Pagkarating namin sa studio room ay binungad kami nang mga taong nakaupo sa kani-kanilang upuan. Agad akong umupo at kinausap ang katabi ko.
"Kanina pa kayo dito?" Bulong ko kay Kaila. Tumango naman sya. Ahh, kaya pala wala sila kanina pa sa classroom.
"So, Kumpleto na tayo.. ay sasabihin ko na ang dahilan kung bakit lahat tayo ay naririto" simula nang principal kaya tumahimik narin kaming lahat.
-
"Ano?!"
"Paano?"
"Hindi naman pwede iyon!"
"Bakit?!" Kahit ako ay napasigaw dahil sa sinabe nya. Alam kong hindi lang ako ang nagulat dahil sila rin mismo.
"Kung hindi tayo papayag, Ipagigiba nila itong Titiana Academy" Malungkot nyang sabi. Napayuko nalang ako.
Mayabang talaga ang nag aaral sa Stanford High! Pati ba naman ang paaralan namin sisirain nila. Nakakakainis, sino banaman ang taong hindi magagalit na ang bagay na iniingatan mo, sisirain nalang nang stanford high na iyon.
Baka yung may ari rin mismo nang paaralan hilig manir---
"Sino po ang May ari nang Stanford high?" Wala sa sarili kong tanong. Nagsitinginan ang mga tao dito sa loob, akmang magsasalita na ako ay biglang nagsalita si Ms. Rocamora.
"Hindi namin alam kung sino nang may ari" saad nya.
So ano to? Clueless kami dito? Huhulaan namin kung sino ang may ari na iyon? Galeng.
"Teka. teka lang, Wala na bang paraan para hindi gibain ang paaralan natin? Napatingin ang lahat dahil sa sinabi ni trisha. Oo nga no! Wala na nga bang paraan?
"Meron pa.. kaso Hindi ko alam kung papayag kayo" Bulong ni Ms. Hallena. Ang principal namin.
Para kaming nabuhayan dahil sa sinabe nya. Bakit naman kami hindi papayag? Gaaano ba kalala yon?
"Magsasama ang Stanford High At Titiana Academy, So Ngayon Year Mismo ay ipagsasama kayo. Lahat magbabago, Maski teachers,Staffs, At Kayo. *Turo samin* Pati Ang Supreme Students ay magbabago"
WHAT?!
-
Someone PoV
"Alam na nila" Ano? Ang bilis naman ata, paano agad nila nalaman?
"Christian, mamaya ka na magbasa" Sabi nang principal namin. Napatingin naman kaming lahat kay christian at nagbabasa nga sya, Napatampal nalang ako sa noo ko.
Nang mapansin nya ata na nakatingin kami sa kanya ay agad agad naman nyang binaba at sinara ang hawak nyang libro.
"Sir, Maitanong ko lang, bakit ba gusto nyong ipagiba ang titian---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko na tapunan nya ako nang matatalim na tingin, kinabahan naman ako sa asta nya kaya hindi ko na naituloy.
"Manahimik kanalang dyan" Napayuko nalang ako, Letse naman oh!
"Kung ayaw nilang ipagiba ang lintek na paaralan nila, ay wala na akong magagawa pa. Kundi ipag sama kayo"
Ano? Anong sama?! Litong-lito akong tumingin sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin kundi sa litratong hawak nya.
At anong pagsama?! Sa iisang classroom ba?
"Sir, ano'ng pagsama? Tungkol saan?" Taena! Buti nalang may nagtanong, napatingin naman si sir kay fran na seryosong nakatingin din sa kanya.
Sya ba ang president? Diba ako? Ako diba -_-.
"Magsasama ang stanford high at ang paaralan na iyon" Ano?! Anong klaseng magsama?! Ididkit ba? Napaisip naman ako, sobrang layo nang pagitan namin kaya paano ipagdidikit yon?
At isa pa, hindi nya binabangit ang paaralan na iyon, ang titiana academy, ano bang meron dun? Puro mga lalaki din ba? Napapikit naman ako sa naisip ko, Guh! Lalaki na nga kami dito, lalaki pa ang kasama namin? Wag naman.
At ano ulit ang sabi nya kanina?
"Magsasama ang stanford high at ang paaralan na iyon"
"Magsasama ang stanford high at ang paaralan na iyon"
A- ano?! "Ano? Okay kana brad, dalawang beses kong inulit yon" Ha? Napatingin naman ako at nakita ko nalang ang sarili ko na naglalakad pabalik sa dorm. Ngayon ko lang napansin.
"Anong pinagsasabe mo?" Saad ko. Napahinto naman sya kaya napahinto ako. Bumuntong hininga muna si winsley.
"Kanina ka pa kasi bulong nang bulong dyan, mukha kang tanga! kaya inulit ko ang sinabe ni sir kanina lang! Dyan ka na nga!"
Aalis nasana sya pero lumingon pa sya sakin.
"At ang slow mo.."
Pagkasabi nya nun ay umalis narin sya. Ako?! Slow hindi noh! Kailan ba ako naging slow.
"Magsasama ang stanford high at ang paaralan na iyon"
"Magsasama ang stanford high at ang paaralan na iyon"
Teka..
ANOOOO?!
-
Geez. Ngayon lang naka update haha!
BINABASA MO ANG
The Supreme Students
Novela JuvenilThe Two Different Squad. Different Personalities. And Different Academy. Meet Titiana Academy, Kung Saan Matatagpuan ang Girls Only Academy, Syempre gaya natin ay meron silang Mga Supreme Student. Titiana Academy - Girls Only. Kahit Staffs, Teachers...