LUXANNA CROWNGUARD
———Sa tabi ng lawa, isang batang babae ang umuupong mag-isa sa malaking bato. Malamig na hangin ang dumadampi sa maputing balat nito. Nag kukulay kahel ang kalangitan at nagrerepleksyon ito sa tubig ng lawa.
Diretso ang tingin nito— makikita ang anyong buwaya ang isla. Dyan sya nakatira, dyan sya lumaki kasama ang lola nya ngunit ilang linggo na ang kumipas ng pumanaw ito. Ngayon ay mag-isa na lang sya. Sa islang yun sila lang ang tao roon, malayo ang kabahayan at malayo sa syudad.
Walong taong gulang pa lang sya pero pakiramdam nya may dinadala na syang problema. Ang bigat sa balikat ang nakaatang sa kanya ngayon, may tatlong armadong lalaki ang pumaroon sa kanilang isla tatlong araw lumipas pagkatapos mamatay ang lola. Hindi nya mawari kung paano ito nawala ng parang bula lang, bigla na lang itong nawala pagkagising ng umaga. At nakakagulat pa ay nagkakulay ang balat nito na animo'y nagtransform muli sa pagkadalaga. Kuminis ang balat ngunit may nakakasilaw na liwanag.
Tumakas sya sa islang yun, hindi nya kilala ang tatlong lalaki pero wari nya'y hinahanap nito ang lola nya at ang bata daw na nawawala walong taon na nakaraan.
At ang nakakagulat pa ang marinig nyang nag-uusap ito tungkol sa bata kung saan may kapangyarihan ito na pinagbabawal sa loob ng Emperyo.
Iniisip nyang sya ang batang yun pero wala syang kapangyarihan, isa lang syang simpleng bata. Ngunit ang huling habilin ng lola nya ang nagpalakas pa ng loob nya, "H'wag mong iwawala ang kwintas na bigay ng iyong ina sapagkat ito lamang ang magsisilbing proteksyon mo hanggang sa dumating ang iyong ikalabing walong taon kaarawan mo. Pag dumating ang araw na 'yon, hanapin mo ang iyong ina. Nasa loob sya ng kastilyo. At tulungan mong makalabas sya sa kulungan nyon."
Hindi nya maiintindihan, nakadepende ang buhay nya sa lola nya pero wala na ito, sya na lang mag-isa.
Kung totoong buhay pa ang nanay nya, kailangan nya itong hanapin. Wala syang sama ng loob dito kung pinamigay sya o hinabilin sya sa kanyang lola.
Tumayo ang batang babae, pinagpagan ang damit nito at saka pumasok sa loob ng kagubatan. Tahimik syang naglalakad ng may nahulog sakanyang harapan— isang batang lalaki.
"A– aray!"
"Anong ginagawa mo?! Sino ka?!" Bigla syang kinabahan sapagkat isang batang lalaki lang ito pero hindi sya marunong makisalamuha sa iba. Lumaki syang si lola nya lang nakakausap at kilala nya.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?"
"Ba't? Saan ka galing?"
"Syempre sa ibabaw ng puno saka nahulog. 'di mo man lang ba nakita?"
Tumayo ang batang lalaki at saka hinawi ang mga lantang dahon na nasa damit nito."Ako pala si Ezreal." Inilahad ng batang lalaki ang kamay nito. "Ikaw? Ano pangalan mo?"
Tinitigan nya ang kamay ng lalaking nakalahad sa harapan nya. Hinihintay na tanggapi nya ito.
"A-ako si..."
"Ikaw si?"
"Ako si Lux." Sabay tanggap sa kamay ng batang lalaki.
041820
BINABASA MO ANG
The Life Of Ahrache
FantasyThe story of a girl who has a magic. A lady of luminosity and an elementalist. 04/18/20