Kung ilang beses nag-hello ang tatlo kina Maymay at Yong ay hindi niya alam. Para syang na-hipnotismo sa mga bagong dating. Namalayan na lang niyang sinisiko sya ni Yong.
Ate May, bunganga mo papasukin na ng langaw, uy!
Hahahaha, ikaw talaga Maymay. Sila ang mga kapatid ko. Si Cora, Tanner, at Edward. Isa-isa niyang itinuro ang mga ito.
So ikaw si Yong, at ikaw si Maymay? Kuya Jerome always makes kwento about you two. Finally, nakilala na namin ang mga bida sa kwento nya. Si Cora yun. Magiliw syang nagsasalita at nakangiting parang anghel. At marunong managalog. At least hindi mahihirapan sina Maymay sa pakikipag-usap sa kanya.
Kami nga po yun, Ate Cora. Nice meeting you po.
I think we should eat na. Gutom na ako. Sabi ni Edward, sabay upo sa isang silya.
Join us. Yaya ni Tanner sa kanila ni Yong at kumindat pa kay Maymay.
Juskolord, ang gwapo nya! Tama si Kuya Jerome...sya si Superman! Inhale-exhale...
It's okay, thank you. We're finished. I mean, yeah...we're tapos na eating already early this morning. You know, waking early...breakfast early...yeah...
Ate May, labas na tayo. Parang hindi maganda pakinggan ang ingles mo. Bulong sa kanya ni Yong.
Naku, sumabay na kayo at lunch na...breakfast pa yung kinain nyo. Umupo na kayong dalawa dyan at tatawagin ko lang si Tatay Nonong.
Kuya Jerome, ako na lang. Pagpiprisinta ni Yong.
Yong...
Kuya, parang awa mo na...
Ha? Sus, sige na nga. Tawagin mo na yung tatay mo. Pag tumanggi hilahin mo dine.
Pagkaalis ni Yong, nagsiupo na ang lahat.
Maymay, wag ka na mahiya, kain na. Mukhang puro tuyo na naman ang kinakain mo. Buto't balat ka na naman.
Kuya naman...ganito talaga ang katawan ko. Parang di ka na nasanay sa skeletal beauty ko.
Nagtawanan ang magkakapatid sa sinabi ni Maymay.
Skeletal beauty huh? I kinda like that. Sabi ni Tanner.
Weh? Di ba your types are curvy chicks? Sabi ni Edward.
I meant the phrase "skeletal beauty" li'l bro. I didn't say I like her. Oh, no offense Maymay.
Tumango lang si Maymay at ayaw nya nang magsalita. Baka kase mali pa ang masabi nya ay mapahiya pa sya kay Superman. Huminga na lang nang malalim si Maymay at inumpisahan ang pagkain. Mayamaya pa ay dumating na ang mag-ama at nakisalo na rin sa kanila.
Tahimik na kumain ang lahat. Wala nang nagsalita isa man sa kanila. Gustuhin man ni Maymay dumaldal, nahihiya naman sya. Isa pa, masyadong mapapagod ang utak nya sa pag-iisip ng mga salitang ingles. Kaya nagpaka-busy na lang sya sa pagkain. Ganado ang lahat sa pagkain at mukhang nasarapan sa luto ni Tatay Nonong at Jerome. Kaya kahit busog na si Maymay, napilitan syang kumain pa dahil ayaw naman niyang sya lang ang hindi na kumakain at baka kausapin pa sya ng mga amo nya. Dinaan na lang nya sa buntong-hininga ang kabusugan at ang kaba sa pagkakaroon ng katapat sa mesa na saksakan nang gwapo.
Sa wakas natapos na silang kumain kaya nagsipunta na sa kanya-kanyang kwarto ang magkakapatid. Naiwan sa kusina sina Maymay at Yong para maghugas at magligpit ng mga pinagkainan, dahil tutulong si Tatay Nonong sa pag-aayos ng mga gamit ni Edward.
Whew! Akala ko ay hindi na matatapos ang tanghalian Ate May. Nabundat ata ako sa kakakain. Ayoko namang tumigil at baka kausapin pa nila ako.
Pareho tayo...
Halata ko nga Ate May. Sa unang pagkakataon, kumain ka nang marami. Aba! Aba! Tumaba ka na...yung tyan nga lang.
Heh! Ansakit na nga ng tyan ko Yong. Pwede na akong hindi kumain ng isang linggo nito.
OA mo naman Ate May. Isang linggo agad? Tingin ko naman panghanggang bukas lang yung kinain mo.
Kung para sayo, oo. Saken pang 1 week talaga. Kahit di na muna kami magpangita ng mga plato, kutsara at tinidor na ito, ayos lang.
Nagpatuloy sa paglilinis ang dalawa. Nang makatapos sila, nagpunta si Yong sa front garden at sinimulan itong linisin. Si Maymay naman ay nagpunta sa kwarto ni Cora. Binilinan sya ni Tatay Nonong na silipin si Cora at tanungin kung kailangan nito ng tulong.
Ate Cora, pwede po bang pumasok?
Oh yes Maymay, halika.
Tumingin si Maymay sa paligid ng kwarto at napagtanto nya na naayos na ni Cora ang mga gamit nya.
Ay, hindi nyo na po pala kailangan ang tulong ko Ate. Lalabas na po ako.
Naku, okay lang, dito ka lang muna. Tingin ko naman maayos na ang buong bahay. Pinaghandaan nyo talaga kami. Kaya pwede ka na mag-rest.
Pero kailangan nyo rin pong magrest Ate Cora. Pagod kayo sa byahe.
Yeah...but I want you to make kwento muna.
Tungkol saan po?
About Filipino men...
Naku Ate, NBSB din po ako...wala akong masyadong alam sa mga lalaki. Pero sa pagkakaalam ko po, mababait at malalambing ang mga pinoy.
I have this friend kase na na-meet ko lang sa isang chatroom. He seems okay naman. I want to meet him personally sana...pero di naman ako familiar sa mga place here in Manila.
May car naman po kayo dyan sa garahe. At si Tatay Nonong, hindi lang po sya hardinero, driver pa. Pwede nya kayong samahan mag-stroll.
That's good to hear! Pero siguro rest muna nga ako for 2 days and after that, pwede nang mamasyal. Sama ka saken minsan ha?
Sige po Ate...pero...hindi po ba nakakahiya?
At bakit ka mahihiya? Dad and Mom consider you family. So we are family!
Thank you po Ate Cora. You beautiful...and kind also.
Thank you Maymay. You're so sweet.
Maiwan ko na kayo Ate ha? Magpahinga na po kayo.
Sige...rest ka rin ha?
Opo.
Pagbaba ni Maymay sa hagdan, naramdaman nyang may tao sa kanyang likuran. Lumingon sya...at...
BOO!
Ay kabayong bakla!!!
What??? Do I look like one?
Naku sorry po Sir Edward. Ginulat nyo po kase ako. Sorry po...sorry po...
Hahahaha...okay lang Tintin...
Maymay po Sir...
Tintin...because you're so thin...
Pwede ko bang sabihan itong mokong na Edward na ito ng "bwiset ka"? Hay naku Maymay...inhale-exhale...amo mo yan.
Hehe...hehe...you're funny Sir...it's okay you call me Tintin no problem.
Good!
At nagpatuloy sa pagbuntot sa kanya si Edward. Kung saan sya pumunta, andun ito...kasunod nya.
Nananadya ang bwiset!
Sir, why always follow?
Is there a problem Tintin? I'm the amo di ba? I can do whatever I want, right Tintin? Nakangising sabi ni Edward.
Oh...it's alright Aw-aw...
Aw-aw? Who's Aw-aw?
You call me Tintin...I call you Aw-aw...like a dog always following...aw-aw-aw-aw!
Hangkulit! Cute pa naman! Inhale...exhale...