Si Crush

189 19 8
                                    

Lumipas ang ilang araw at unti-unti na ring nasanay si Maymay sa magkakapatid. Tinulungan sya ni Jerome na maging palagay ang loob kina Tanner at Edward. Samantala, madali naman syang naging close kay Cora dahil gusto sya laging isama nito sa pagsa-shopping. Nakaplano na rin ang pagkikita ni Cora at ng chatmate nito, at si Maymay ang magiging chaperone.

Isang malamig na hapon, tumambay ang magkakapatid kasama si Maymay sa clubhouse ng village. Hindi nakasama si Yong noon dahil sinamahan nito si Jerome mag-groceries. Naiwan naman sa bahay si Tatay Nonong.

I think, maeenjoy ko talagang magstay dito sa Pilipinas. Ang wa-warm ng mga tao. Nakangiting sabi ni Cora na parang may iniisip.

You only want to stay here because of your boyfriend. What's his name again? Cutie pie? pang-aasar naman ni Edward.

Hey!

Sorry Cora...I heard you last night talking on the phone and saying cutie pie.

Edward, I was talking to my friend Aura. We're talking about her boyfriend. Tinanong ko sya if he's a cutie pie.

Nagpatuloy ang dalawa sa usapan habang kausap naman ni Tanner si Maymay.

I've been here in the Philippines 2 years ago for a photoshoot.

Why we never see you? Bakit di ka, you know, went home?

That was just a quick visit. We spent our entire week having photoshoots in 4 different places here. Boracay...El Nido...Baguio and Nasugbu.

Wow? All beautiful places...pero di pa ako nakakarating dun.

Napapikit si Maymay at inisip na nandun sya sa mga lugar na nabanggit ni Tanner. Napapangiti syang nagdi-daydream at gusto nyang isiping may someone special syang kasama sa pamamasyal.

Sa kanyang imahinasyon, naglalakad sya along the beach na may kahawak-kamay. Palubog na ang araw at kulay pink ang paligid. Unti-unti, humarap sa kanya ang Prince Charming sa panaginip nya.

Maymay!! Maymay!! Enough with daydreaming! At inalog-alog sya ni Edward.

Huh? Sir Edward? Nakupo pasensya na kayo...naisip ko lang kase yung mga sinabi ni Sir Tanner. Sorry po.

Ano bang ini-imagine mo, ha, Maymay? tanong ni Cora.

Naku wala po Ate Cora...uhhmmm...parang naglalakad lang sa beach...ganun...

Natawa na rin si Maymay sa sarili nya sa nangyari. Pero nanghinayang sya na hindi nya nakita ang mukha ng Prince Charming nya.

Maymay! Andito ka pala!

Ate Elisse?

Andaya mo, nagpunta ka rito, di mo ako dinaanan sa bahay. Asan si Yong? May kasama ka?

Sila...Ate Elisse...sila yung mga anak nina Sir at Ma'am. Si Ate Cora...Sir Tanner at Sir Edward.

Kinamayan si Elisse ng magkakapatid.

Asan si Kuya McCoy?

Nag-cr lang...

Maya-maya pa ay dumating na si McCoy. Ipinakilala muli ni Maymay sa magkakapatid ang bagong dating.

Gagamit kami ng pool. Di ba kayo magsu-swimming? sabi ni McCoy.

Next time na lang. Sagot naman ni Cora.

Maiwan na muna namin kayo ha? Gimik tayo next time.

At nagpaalam na ang dalawa.

So...sya yung girl na crush ni Yong? Tanong ni Cora.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Can't Hurry LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon