1st Fate

21 4 0
                                    

  Maingay na simula ang sumalubong sa'kin. Iba't - ibang mukha na may iba't - ibang nakapintang ekspresyon ang aking nakikita. Nagmamadali na tila hinahabol ng aso. Ang iba nama'y abala sa pagkukwento ng kani-kanilang karanasan sa nagdaang bakasyon.

Tila di mahulugang karayom ang lugar kung nasaan ako ngayon. Napakaraming mukhang di ko kilala. 


Paano kaya ako magsisimula? 


 Malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko. Bagong simula na naman. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko. Inayos ko ang aking salamin na nagpoprotekta sa malabo at walang buhay kong mata.


 Nagsimula akong humakbang para hanapin ang bago kong classroom. Sumalubong sa akin ang napakalawak na quadrangle kung saan naroon ang nagkukumpulang mga estudyante. Agad kong tinignan ang orasang nakadikit sa kaliwang kamay ko. 


 "8:37" mahina kong sambit 


 Kaya pala, yan na siguro ang sinasabi nilang program na ginagawa tuwing simula ng klase. Para daw malaman ng mag-aaral ang mga bagay-bagay tungkol sa paaralan. 

 Hindi naman siguro lahat required makinig ng program. Sayang lang ng oras yan. Tsaka 23 minutes late na. Wala na akong makukuha kung makikinig pa ako.Napakalaking oras ang lumipas, wala naman akong magawa kaya naisipan kong hanapin na ang room ko.Sabi ng principal hanapin ko nalang daw ang classroom ko. Hindi din naman daw ako mawawala kasi bawat room ay may nakasulat na sections. At section G ako. 

Inisa-isa ko ang classroom nanadadaanan ko. Mula doon sa canteen na siyang simula. Napakakumplikado naman talaga ang eskwelahang ito kaya tiyak akong napakahirap. 


Magkatabi ang guardhouse at ang canteen. Mayroon itong hallway na nagsisilbing daan patungo sa mga nakahilerang classroom ng mga model sections. Nasa harap ng mga model sections ang mga classroom na di ko alam kung ano... Ang mahalaga ay ang mahanap ko yung sa akin. 


 Nagkaroon ako ng pagkakataong mahanap ang section G nang may dalawang estudyanteng nag-uusap. Narinig ko ang section G mula sa kanila kaya walang anu-ano'y sinundan ko. 


Sumunod ako sa kanila. Pinasadhan ko sila ng tingin nag pumasok sila sa isa sa mga classroom na nagtatawanan, pany tili at patalon-talon pa.Sumunod sa kanila ang isang lalaki... Mas matangkad sa akin ng ilang inch. 


Bahagya siyang lumingon at tumingin sa akin... Walang emosyon ang kanyang mukhang nakatitig sakin. Hindi ako nakikialam sa mga hitsura ng ibang tao.. Hitsura ko nga wala akong pakealam sa kanila pa kaya? 


 Unang tingin mo palang alam mong di makabasag pinggan. Mabilis kabisaduhin ang kanyang mukha. Mahaba ang kanyang pilikmatang naangkop sa mata niyang kasinlamig ng yelo. Para siyang si Gray ng Fairytail. 


 Unti-unting namuo ang guhit sa kanyang labi. Ang kanyang mga malalamig na matang nakatutok sa akin ay unti-unting lumiliit at umaaliwalas. 


 Ngumiti siya...Nagtagal ito ng ilang segundo at bumalik ulit sa walang emosyong mukha. Agad din siyang pumasok sa classroom na pinasukan ng dalawang babae. 


 "Weirdo" Mahina kong sambit at sumunod na pumasok sa katabing classroom na pinasukan ng lalaki.  

Trade of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon