Unending Trade of Fate

15 4 0
                                    

  Kagaya ng isang natural na estudyante, narito na naman ako.. Tinatahak ang daan patungo sa classroom. Bawat hakbang ay tila mga bloke ng semento. Napakabigat. Nakakabagal ng aking usad.


 'Hayys late na naman ako' mungkahi ng isip ko 


 Ewan ko ba kung bakit 'di na maalis alis sa sistema ko ang pagiging late. Sa isang buwan kong pag-aaral rito, kung hindi ako nagkakamali, limang beses lang yata ako pumasok on time. 


Mahigit 30 minutes na akong late sa first period. Gayunpaman naging mabuti pa rjn ang lakad at mga hakbang ko na di alintana ang oras.


 Bakit pa ako magmamadali diba? Kung alam kong late na ako. Wala na ako g magagawa kahit pa magtakbo pa ako. Imbis na mataranta, mahinahon akong naglalakad sa tahimik na hallway patungo sa maingay na classroom.


 Hindi man lang natinag ang mga tao pagpasok ko. Mabuti na rin yun at least walang nakapansing late ako.


 Panay basa ni Sir Tuballas ng kanyang topic kahit parang walang nakikinig. Ewan ko ba kung bakit di niya iyon sinasaway o pinapagalitan man lang. Sabi nila, ganyan lang daw talaga mag observe si sir.


 Agad na umupo ako sa luma kong pwesto. Nakaramdam agad ako ng pagod at antok kaya agad akong sumalampak sa armchair. Siguradong wala namang pakealam si sir kahit mag tulog sa klase.


 "A soulmate is a person with whom one has a feeling of deep or natural affinity. This may involve similarity, love, romance, comfort, intimacy, sexuality, sexual activity or compatibility and trust..."Pilit na paintindi ni sir kahit alam niyang lampake ang nasa paligid. 


"....Each human would then only have one set of genetalie and would forever long for his/her other half; the other half of his/her soul. It is said that when two find each other, there is an unspoken understanding of one another that they feel united and would lie with each other in unity and would know greater joy than that...." Dugtong niya


 "....soulmate usually refers to a romantic partner with the implication of an exclusive lifelong bond....


 Hindi ko na pinakinggan mga sinasabi ni sir. Agad kong niyakap ang aking bag at pinatong ko ito sa armchair saka humilig para matulog.


 Soulmate? Trade of fate? 

 Tss kalokohan 


 Bakit naman napunta doon si sir? Nasa EsP ba yang ganyang topic?

 Baka naman naniniwala pa si sir sa soulmates. Palibhasa walang lovelife. Naniniwalang may para sa kanya.Sus! Ang tumanda na si sir kakaantay sa soulmate niya. Di na nga nagpang abot sa buhok niyang nawawala na. 


 A soulmate exists specifically for a person is an unrealistic expectation. Ayon sa mga eksperto. 


Natapos ang first period ng walang pumasok sa utak ko kundi soulmates. Mukha namang walang nakuha yung mga kaklase ko lampake sa mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trade of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon