2nd Fate

14 4 0
                                    

Puno ang upuan pagpasok ko. At ang tanging bakante ay ang upuan sa bandang likuran sa kaliwa. Natatangi ito sa ibang upuan dahil luma na at punong-puno ng vandal. Wala akong tanging choice kundi umupo kesa naman umupo ako sa sahig e mas mainam na dito.


Nilagay ko na ang gamit ko sa upuan at akmang uupo nang tawagin ako ni titser.


Badtrip!


Ang sakit ng paa ko...Kakahanap ko lang ng classroom nato!Paupuin niyo naman ako!


Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay ma'am na nasa harap. Nagmukha pa tuloy akong model.


"Introduce yourself" aniya


Walang bahid ng takot at kaba akong pumunta sa unahan. Ewan ko kung bakit di na ako kinakabahan kapag haharap ako sa maraming di pamilyar na mukha gaya ng dati. It's a good sign.


Tinignan ko isa-isa ang mga makakasalamuha ko sa buong taon gamit ang matamlay kong mga mata. At ang kabuuan ng classroom bago magsalita.


"I'm Rhestyl..." I trailed. Tinignan ko ulit sila na para bang nag-aabang ng susunod kong sasabihin.


"....Mhae" dugtong ko


Tahimik na aura ulit ang namutawi sa buong bulwagan. Nilingon ko si ma'am na nakakunot ang noo para bang nagtataka.


"Nice to meet you" sabi ko at walang lingon-likod na lumakad patungong upuan.

Panay kwento si Ma'am Sena kasunod niyon. Siya daw si Ms. Sena. Marami siyang sinabi kaya lang wala ako sa mood makinig. Ang tanging natandaan ko lamg ay 'class dismissed'.


Tumunog ang bell hudyat na recess time na. Kanya-kanyang tayo at labas ang mga kaklase ko. Nag aalinlangan pa ako kung lalabas o hindi.


'Ayokong lumabas, sayang ang pera!' Sabi ng isip ko


'Nagugutom ako!' Reklamo naman ng tiyan ko.


Sa tinagal-tagal na pagtatalo, gutom parin ang nanaig kaya napagdesisyunan kong lumabas at kumain.


Napakaingay ng canteen nang madatnan ko. Maliit ito kumpara sa canteen ng dati kong school. May sheds sa harap ng canteen kung saan pweding tumambay at kumain.


Nakipagsiksikan ako saga taong bumibili.


Ano kayang bibilhin ko?Mahigit limang minuto din akong nag-isip at sa huli kwek-kwek at isang bote ng cola-cola mismo ang nahawakan ko.


Ewan ko kung bakit nagbebenta ng streetfoods dito sa canteen pero ayos natin naman at least may pampalipas gutom. Tipid pa ng 10 pesos sa baon ko.


Pumwesto ako sa shed na malayo sa karamihan. Tahimik at madalang din na may tumambay rito.Agad kong nilantakan ang kwek-kwek nang mapansin kong hindi na pala ako nag-iisa rito. May tao na rin pala sa isa pang shed sa harap ko. Nakaupo siya sa shed na may dalawang upuan ang pagitan. Bawat shed kasi rito ay may upuang magkabilaan. Pinapagitnaan ng isang round table.


Kumakain siya ng lasagna. Sobrang seryoso ang mukha. Nag-angat siya ng tingin kaya nagtama ang aming tingin.Gaya ng una ko siyang makita... Walang emosyon ang kanyang mukaha ngunit pagkakita sakin ay agad ngumiti at balik ulit sa dating ekspresyon.


Kinuha niya ng puting panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang natitirang pagkain sa kanyang bibig.


"Pare!" anang malakas na sigaw ng lalaking papalapitLumapit sa kanya ang lalaki at maybinulong na kung ano na siyang nagpataranta sa kanya at agad tumakbo kasama ang lalaking lumapit sa kanya kanina.


Pagkatapos kong kumain napagdesisyunan kong bumalik. 3 minuto nalang mgsisimula na ulit ang panibagong klase.Napadaan ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina. Nakalagay sa mesa ang puti kong tela.Wala akong pakealam sa mga bagay na hindi naman akin pero kinuha ko pa rin ito. Isusuli ko nalang ito pagnagkita ulit kami.


Nagpatuloy ang klase. Nakakapagod na makinig, sinabayan pa ng teacher na badtrip. Kaya ayoko ng English e. Tinagurian pa namang English teacher pero napakahirap mag pronounce ng tama. Kahit naman lang 'up' nilagyan pa ng 't' sa hulihan. Kaya siguro maraming zero sa english spelling kanina.


"Class(t) dismissed(t)" sabi ni ma'am T.



Hay salamat! Finally makakauwi na rinNakarating ako ng bahay na may dalang matamlay na mukha.Palagi naman e


"Pa!"


Tawag ko kay papa nang makauwi ako. Naabutan ko sila sa kusina na nagkukumpulan kasama yung dalawa ko pang kapatid.


"Kinakausap si mama, ate" sabi ni Reign


"Kausapin ka daw niya"


"Sandali lang, bihis lang ako'" sabi ko saka umakyat para magbihis.



Simpleng T-shirt at jogging pants lang ang suot ko pagbaba. Naabutan kong naghahabulan na naman sina Reign at Rhincel. Siguro inasar na naman ni Rhincel si Reign. Ito namang si Reign sobrang pikon.


"Ma!" Bati ko kay mama pagharap ko sa screen


"Kamusta? Kailan ka ulit magbabakasyon?" Tanong ko


"Ewan ko nak.. Di pa sure e" malungkot niyang tugon


"O kamusta naman first day mo sa bagong school?" Pag-iiba niya ng topic


"Okay lang" kibit balikat ko


Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin ni mama hanggang sa magpaalam siya. Isang OFW si mama kaya madalang lang kami magkita. Isa sa isang taon. Hanggang facebook at skype lang kami madalas. Kaya nga ako nagtransfer dahil yun ang gusto niya. Mabuti na raw dito sa Tacloban mababantayan kami ng mga tito't tita namin kahit wala siya.


Sumalampak ako sa kama, wala namang masyadong espesyal sa araw na ito. Maliban langdoon sa lalaki. Yung panyo niya pala! Di ko pa naisusuli. Nakalimutan ko.


Mahigit isang oras din akong nakahiga sa kama habang nagmumuni muni, di na namalayang nakaidlip na pala...


ZzzzzZzzzzzzzzzzz


Trade of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon