Tadhana 6

758 18 0
                                    

Adie's POV

I'm so excited na to go to school! Yay!

*BEEP BEEP*

"Adie! Andyan na si John sa baba! Dalian mo na!" Sigaw ni mommy

Hala! Kala ko kasabay ko si Kyle.

"ATE! FIRST DAY NA FIRST DAY ANATAGAL MO KUMILOS!" Sigaw na ni Elijah

"Oo na pababa na ako!!" Sigaw ko

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Elijah sa may hagdan nag aantay. Piningot ko yung tenga nya.

"Ikaw first day na first day sumisigaw!" Sabay tawa ko.

Lumapit ba ako kay John na nasa may sala.

"Good morning love!" Sabi nya habang naka ngiti saakin. Hay bakit kase hindi na lang ikaw yung minahal ko? Sana hindi na ako nasasaktan ng ganito.

I smiled bitterly.

"Good morning!" Sabi ko

"Mommy aalis na po kami ni John!" Sigaw ko.

"Sige anak ingat kayo! Ang allowance mo nasa atm mo na mag withdraw ka na lang mamaya wala akong cash dito!" Habang lumalapit sakin si Elijah na may hawak na card.

Umalis na kami sa bahay.

"Ay love nga pala wag mo na muna akong ihatid sa room ha? Sina Bree na daw bahala sakin pati mag kakaklase naman kami." Sabi ko habang pinakikita ko yung convo namin ni Bree kagabi

"Sige. Basta wag kang mag papa gutom ha? Alagaan mo lagi yung sarili mo. Ayokong magkakasakit ka ha?" Sabi nya.

"O love nandito na tayo sa school mamaya na lang ulit dismissal ha? Love you po!" Sabi ulit nya habang pinagbubuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya.

"Sige na bye!" Sabi ko habang nag lalakad na ako palayo sa kanya.

Hayy I'm so lucky to have John. He has all the qualities of the man I'm dreaming of. But why can't I love him? Why do we fall for people that are impossible to be ours?

Hayy ito na naman ako. Wag ka na namang umiyak Adie! Sawa na akong umiyak! 3 years Adie! Di ka pa rin ba tapos dun sa walang kwentang lalakeng yon? He is not worthy of your tears Adie kelangan mong maging matapang.

I walked towards the gate of our school with poise and confidence.

"Oh Bi ang tagal mo namang mag lakad eh!" Sabi ni Bree.

"O bat ka umiiyak?" Tanong nya.

"Wala to Bree lika na."

Hindi pa rin pala talaga nag babago ng ugali si Bree maaalalahanin pa rin sya lalo na kapag nakikita nya yung mga kaibigan nyang umiiyak. She will do everything for her friends. Kahit makipag sabunutan pa sya mapag tanggol nya lang kami.

Hindi pa rin pala nag babago ang turing dito sa amin sa school.

Everyone who sees us greet us. Nung grade 6 nga kami ang tawag saamin ay "QUEENS OF THE GRADE SCHOOL DEPARTMENT." Bongga! Kase may queens pa sa HS Dept. Puro kamag anak lang din naman namin yun eh!
Kaya kami ang tinawag na QUEENS dahil kilala kami dito sa school bilang mga anak ng mga makakapangyarihang pamilya sa bansa and specially we are GORGEOUS! Hahahahaha

"Hala! Bree! Brianna! Yuhoo! Brianna Cortez!" tawag ko kay Bree nakatulala eh!

Tiningnan ko kung san nakatingin. nanlaki yung mata ko nung nakita ko kung san sya nakatingin. Kay CALEB! HAHAHAHA Di pa rin talaga nagbabago tong kaibigan kong to!

"HAY! Bree natulo na yung laway mo uy!" sabi ko Joke lang naman yung natulo yung laway eh!

Tiningnan nga naman eh!

"Ikaw talaga Adie!" sabi nya

"Sino yung tinitingnan mo?!" asar ko.

"Wala yun!" sabi ni Bree

"Wag ako Brianna Cortez! Si Caleb Xian Sy parin ba?" sabi ko.

"Uhhm oo?"

"Bakit?" tanong ko

"Sabi nga nila diba first love never dies diba? Mahirap syang kalimutan Adie. Diba sya yung naging first boyfriend ko? Sa kanya ko naranasan lahat ang unang saya lungkot kilig at pag mamahal na galing sa taong hindi ko naman ka ano ano. I tried to date some other guys pagka tapos ng relationship namin pero wala eh sya pa rin ang hanap nito eh" sabay turo sa puso nya.

Di namin na malayan na nasa tapat na kami ng room.

Ang drama ng love life ni ate gurl!

phone vibrates....

from: Love

Love, nandito na ako sa room ko. tandaan mo yung bilin ko sayo ha? love you!

to: Love

okay po!

Tinago ko na yung phone ko inside my pocket. I looked at Bree and gave her a look pumasok-na-tayo-sa-loob-ng-room.

Binati kami nina Kadi. Then pumasok na teacher sa loob ng room.

"Good Morning." She greeted us
"I am Christine Villanueva. You can call me Ms Chris for short. And I am your adviser for this academic year."

"Now I'll be distributing your locker numbers and please immediately put your things inside it." Sabi ni Ms. Chris tapos nag smile sya yung sweet.

Ginala ko yung mata ko paligid ng classroom nakita ko yung mga kaklase kong lalaki nakatingin kay Ms Chris HAHAHAHA!

Maganda kase si Ms Chris eh! Siguro nasa mid twenty palang sya tapos maganda yung shape ng body nya pero halata sa kanya pag kumilos pang sosyal! Anak mayaman yata to.

"Kadi kaano ano mo si Ms Chris?" Tanong ko.

"Porket Villanueva kamag anak ko?!" Sagot nya.

"Sungit ah!" Sagot ko sabay lumabas na sa classroom at pinuntahan ang
Locker area

Pagbukas ko nung door ng locker ko ang bumungad saakin ay FLOWERS AND LETTER

Dear Adie,
       Hope you'll like these simple gifts.

P.S. You'll know me soon
P.P.S. Three words eight letters
                                     -MB

Hala sino kaya to? Wala naman akong kilalang MB ang initial. Teka anong meaning nung nasa letter yung huli? Matanong nga. Pag balik ko sa loob ng room.

"Wowwwww! First day na first day may pa flowers!" Sabi ni Riri

"Ang shweet nemen ni Jehn!" Sabi ni Drea. Pabebe talaga.

"Hindi to galing kay John." Sabi ko.

"Kanino?! Pinagpalit mo na si John?!" Sabi ni Gail.

"Hindi no! Hindi ko nga alam kung kanino galing to!" Depensa ko.

"Basahin mo nga yung letter!" Sabi ni Bree

"Dear Adie, hope you'll like these simple gifts. Ps you'll know me soon
Pps three words eight letters." Basa ni Kadi sa letter.

"MB?!" Sigaw ni Riri

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Hindi eh." Sagot ni Riri

"Jusko po." Tapos tawa naming lahat

"Pero wait anong meaning ng three words eight letters?" Tanong ko.

"I LOVE YOU! Tanga!" Sabay tawa nila.

"Pero pwede rin namang I hate you ah?!" Sabi ni Gail.

"Hay nako Gail panira ka talaga!" Sabi ni Drea.

Sino kaya si MB?

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon