Twenty Four

40.4K 813 18
                                    

           

"Tomorrow, I want you to come with me sa family house. Darating daw kasi si lola and I want you to meet her." Ferris said as he drives. Ihahatid na niya kasi ako pauwi. I looked at him for a while, I stred at the man who gives me rallying butterflies all the time, the man who gives me uncontrollable jitters and the likes.

"B-bukas?"

Tumango siya bago inabot ang kamay ko at hinalikan. It has really become a habit of his. "Yes, bukas. I want them to meet you."

"M-masyado ka naman atang nagmamadali Ferris." I commented, partially distracted because of his warm palms. He snickered before leaving small pecks on the back of my hand again. Nakalimutan ko tuloy na ayaw kong sumama sa kanya bukas. "If not tomorrow, when? Wala namang pinagkaiba kung bukas man kita ipakilala sa kanila o sa makalawa. It's still going to be you and no one else."

Alright! So maybe what he said is enough to make me go gaga and just agrreing with him. Napakagat ako sa labi ko at basta na lang tumango sa mga sinabi niya. He flashed a triumphant smile before stopping by near the carinderia. My bliss with Ferris was cut short when I saw Bryce's car parked outside. Now's not really the best time for them to be in one place. Hindi pa kami okay ni Bryce at hindi ko alam kung kaya ko siyang pigilan lalo na't mainit ang dugo niya kay Ferris.

"Ferris, okay lang ba kung 'di ka na magpakita kila mama? Nandito kasi si Bryce baka magkainitan lang kayo." Mahinang tugon ko sabay turo sa sasakyan ni Bryce. Ferris pursed his lips before I earned a shake of disapproval from him. "No can do sunshine. Hindi ko sisirain ang imahe ko sa magulang mo dahil lang sa taong 'yon."

"Pero Ferris..." Then my voice trailed off. Not really sure what I have to say. Basta alam ko hindi sila pwedeng magkita at magkalapit. Baka mapatay nila ang isa't-isa. He sighed before he placed his hands on the back of my head and pulled me close just so he could plant a soft kiss on my forehead. "I promise I won't make a scene." He murmured. Wala na akong nagawa kundi tumango na lang at sumang-ayon sa kanya. Besides, this is Ferris and Earl Ferris Pedrialva doesn't take a 'no' for an anwer.

Wala akong ibang naramdaman kundi kaba habang naglalakad kami sa eskinita papunta sa bahay. Maaga kasing nagsasara si mama tuwing Friday dahil wala siyang kasama nag-aayos tuwing gabi, madalas kasi ang overtime ni papa tuwing Biyernes. Pagkabukas ko sa pinto ng bahay agad namang lumabas si Bryce mula sa kusina na may hawak na plato, mukhang tinutulungan niya si mama maghugas nang mga ginamit ngayong araw. May malaking ngiti sa mukha niya na mabilis na nawala nang nakita niya si Ferris sa tabi ko. Buti na lang sinundan siya agad ni mama. She saved me form the awkward atmosphere. Truth to be told, I really don't know how to face Bryce yet. Hindi ko pa alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob harapin siya pagkatapos ng pag-amin niya sa akin at pagkatapos ng pag-reject ko sa mga sinabi niya. He's still my bestfriend, hindi nagbago sa'kin 'yon kahit nagkakalabuan na kami. But to see him past that, I'm afraid that is deemed impossible.

"Ferris, Aya. Saktong-sakto, naghanda na ako ng makakain." Tugon ni mama pagkatapos naming magmano sa kanya. "Hindi na nagpapahintay ang papa mo dahil gagabihin daw." Dagdag pa niya. I nodded my head before I looked at Ferris who's still staring sharply at Bryce. I nudged him by the elbow and murmured his name. Nilingon niya ako saka siya umakbay at humalik sa gilid ng ulo ko. Clearly sending signals that I am his and I am off limits to Bryce. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Bryce saka bumalik sa kusina. Sinundan namin sya ng tingin, si mama naman napailing.

We sat by table, me and Ferris sitting across mama and Bryce. Hindi ko alam kung bakit tinitiis pa ni Bryce ang umupo sa harap namin ni Ferris. Si Ferris na walang ibang ginawa kundi ipakita kay Bryce ang mga bagay na hindi niya magagawa. Panay ang halik niya sa kamay at gilid ng ulo ko kahit wala namang rason. Si mama nga patay malisya na lang pero ang tensyon sa pagitan nilang dalawa mas mataas pa sa Mt. Everest.

"Tita Judy, ipapaalam ko po pala si Diamond bukas. Darating po kasi ang lola ko galing US and I want her to meet Aya." Ferris formally said, ignoring Bryce's piercing stare. Mama nodded her head and swallowed before replying. "Oh sige, basta hindi naman kayo aabot ng alas-nuebe ng gabi okay lang."

Nilingon ako ni Ferris saka ngumisi ng napakalaki bago niya hinalikan ang kamay ko. Pasimple akong tumingin kay Bryce na tahimik sa tabi ni mama. He's not touching his food while he blatantly stares at me. I wonder what he's thinking.

Natapos ang dinner na puro si Ferris at mama lang ang nagkwekwentuhan. Nagaalala kasi ako sa pananahimik ni Bryce, baka kasi may iniinda siyang sakit o ano. He's a workaholic and sometimes he disregards important symptoms. One time he was rushed to the hospital because of his shrimp allergy. Hindi niya raw kasi alam na may shrimp pala ang inihandang pagkain sa meeting nila, nanikip na ang dibdib niya unang kagat palang daw pero hindi niya pinansin dahil on-going daw ang meeting hangga't sa tuluyan na siyang namantal. I was scared to death then.

"Aya, ikaw na bahalang maghatid sa kanila at mag-aayos pa ako rito." Ani ni mama habang nililinis ang hapag. My heart suddenly raced at the thought of being alone with the two of them. Pero syempre wala naman akong takas.

"Tita, mauna na po ako." Sabay nilang tugon. Natawa si mama samantalang nagkatitigan nanaman silang dalawa. Naunang bumawi ng tingin si Bryce at nagsimulang magtungo sa pinto.

"Sige ingat kayong parehas." Narinig naming sagot ni mama mula sa kusina.

I was dreading every minute while I walk them out to the street where they parked their cars. Akala ko tuluyan ng magiging parte ng peace party ang mga pangyayari pero nawala lahat ng pinagdadadasal ko nang bigla humarap si Bryce sa amin at nagsalita. "Ferris mag-usap nga tayo." Seryosong tugon niya.

His face gave nothing away. He was just glaring at Ferris who has a smug look on his face. "Bakit? Magmamakaawa ka ba sa'kin? Sorry, but you're just the bestfriend and I'm soon to be the boyfriend." He said arrogantly, thrusting his chin up.

"Ferris!" I hissed in a reprimanding tone. Sabi niya hindi siya gagawa ng gulo. He looked at me before holding my hand tight. "Sinasabihan ko lang siya sunshine para alam niya ang lugar niya. Hindi siya-" Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang bigla siyang sapakin ni Bryce. Nagulat ako kaya napabitaw ako sa magkahawak naming kamay.

Ferris immediately fell on the concrete ground, he wiped the blood on the corner of his lips before standing up. "You asked for this!" He said in a deadly manner before he charged towards Bryce who's taunting him. He pushed Bryce until his back was on flat on his car before he hit him hard on the face too.

"Itigil niyo na 'yan!" I tried keeping them apart pero ako ang naitulak palayo sa kanila. I lost my balance, my feet not able to catch me. Nauntog pa muna ako sa headlight ng sasakyan ni Bryce bago ako napaupo sa daan. Hindi naman nila napansin ang nangyari dahil panay ang tulak at sapak nila sa isa't-isa hanggang sa may isang mataas na tono ng boses ang sumigaw. "Hoy! 'Wag kayo sa labas ng bahay ko gumawa ng gulo!" Napalingon sila at nakita si papa na papalapit kung nasaan kami. Saka tumama ang tingin nila sa akin habang hawak ko ang ulo ko na humampas sa sasakyan. Wala ni isa sa kanila ang nakalapit dahil naunhan na sila ni papa. He helped me up before drowning the two guys in death glare.

"Umalis na kayo rito at ituloy niyo kung saan man ang kagaguhan niyo!" Pirmadong tugon ni papa na nanggagalaiti sa galit. "Paano kung naitulak niyo saka nasagasaan ang anak ko, may magagawa ba kayo? Dalhin niyo sa ibang lugar ang init ng ulo niyo sa isa't-isa at 'wag na 'wag niyong idadamay ang anak ko!" Papa screamed before he escorted me back to the house.

Stonehearts 4: DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon