Shiori's POV
FLASHBACK
"Good morning teacher!" I greeted my teacher na nadaanan ko papuntang classroom. Sabi kasi ng mommy ko dapat ka daw mag-greet ng maayos sa teachers mo.
"Good morning, Yuri. Oh, go to your classroom na so you can prepare with our class, later" sabi ng teacher ko pabalik. "Opo!! Bye bye po!!"
Agad akong pumunta sa classroom ko ng makita ko ang classmates kong boys na pinalilibutan ang isang batang lalaki. "Si Ken ba yun?" bulong ko.
"Totoo ba Ken na umalis ang mama nyo sa bahay nyo?" sigaw ng isang kaklase ko kay Ken.
"Tsaka sumama daw sa ibang lalaki ang mama nya!" sigaw ni Tambukekoy na si Kyle. Tinignan ko si Ken na nakasit down lang sa chair nya. Ang sasama talaga ng friends ni Kyle pati na rin sya.
"Hahahaha how sad.. Iniwan si Ken ng mama nya... Blee kawawa!!" sigaw ni Dondi na kasama rin sa nangbubully kay Ken. "Iniwan!! Iniwan!! Kawawa!!" sigaw nilang lahat kay Ken.
Nagpatuloy sila sa pagbully nang biglang tumayo si Ken. "Oh ano galit ka? Galit ka?" tanong ni Kyle.
"Guilty yan kasi nagagalit!!" sigaw ng iba. Ba't ba sila nangbubully? wala namang ginagawa si Ken ah. Naisip ko sanang tumawag kila teacher para sabihan na binubully si Ken kaso napatingin din ako sa kanila ng bigla silang nagsigawan.
"Tawagin nyo si teacher!!" Sigaw ni Dondi saka sila tumakbo ng biglang kumuha ng lapis si Ken at tinuturo sila.
"Tama na Ken!!" sigaw ko saka ko sya hinarangan sa harap. Kahit na may dala pa syang lapis, di ako natatakot. "Umalis ka nga dyan!"
Umiling ako sa sinabi nya. "Ayoko. Pabayaan mo sila. Bad sila eh. Ken, makinig ka ha." sabi ko saka ko sya pinaupo sa isang chair. "Simula ngayon friends na tayo! I will stay by your side no matter what!" sabi ko sabay kaming nagpinky swear.
"Promise yan ha" tanong nya tsaka ako tumango.
"PROMISE"
*END of FLASHBACK*
"Ganun ang nangyari ng first meet namin!" kwento ko kay Ayumi habang iniikot-ikot ang tinidor ko sa spaghetti. "Ba't di ka nalang umamin sa kanya?" biglaang tanong nya.
"Huh?"
"Masyado kang halata Yuri. Alam kong may gusto ka sa best--"
"WALA KAYA!!" wala naman kasi eh. Tsaka bestfriend ko yun eh.. Basta wala talaga..
"Lokohin mo na ang KFC Yuri wag lang ako" sabi nya nagpatuloy sa pagkain ng lunch nya. I pouted saka ding kumain.
I am Shiori Crosswell, Yuri for short. Isang 3rd year highschool ng Empire Highschool. And she is Ayumi Sasaki, isa sa mga close friends ko sa school at classmate ko. Close kami sa isa't-isa dahil na din siguro kasi sya ng kasama ko sa dorm. Inshort, sya ang dormmate, classmate, at closest friend ko.
*BLAAAAAAAAG*
Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ang isang tunog ng basag na plato na nanggaling dun sa di kalayuan ng pwesto namin ni Ayumi sa canteen.
"Ayy sorry Tsk pero di pa yan sayang!!" nakita ko ang tatlong lalaki na pinalilibutan ang isang estudyante na nakasalamin at mukhang naglulunch ng mag-isa. Yumuko nalang ang babae habang pinapanood ng dalawang lalaki na pulutin ng isang lalaki ang pasta at ipinatong sa plato na may rice nung babae.
Tsk Bullies..
"Diba classmate natin yan?" rinig kong tanong ni Ayumi. "Siguro, pamilyar sya sakin" sagot ko habang hindi ko maialis ang tingin ko sa binubully.
"Oh ayan Kym!! Kainin mo na. Napulot ko na lahat!!" sabi nung isang lalaki na pumulot nung pagkain. Tumawa lang ang kasama nya. Walang estudyante na nagtangkang pigilan sila dahil sila ang pinakamasasamang bully dito sa Empire High.
"Kym-Ber-Ly!!" sabay sabay silang sinisigaw ang pangalan nung babae na pilit pinapakain sa pasta na natapon na.
"Pwede ba tama na!" buong lakas akong sumigaw para tumigil na ang mga bullies. Nakuha ko ang atensyon ng tatlo dahil na rin sa lahat ng andito ako lang ang nasa gitnang parte ng canteen na tumayo at galit na tumitingin sa kanila.
"Ohh!! This ugly nerd has a friend who is willing to save her huh?!" sabi nung lalaking mukhang leader ng tatlo. "What a sweet friendship" pagpapatuloy nya habang unti-unting lumalapit sakin. Should I run now?
"Ano ba ang kasalanan ni Kym sa inyo?! Kumakain lang yung tao, binubully nyo? Ganyan ba kaliit ang mga utak nyo?!" matapang nasa sabi ko kahit na paunti ng paunti ang distance nya sa pwesto ko.
"Yan ang mga gusto ko sa babae, matatapang. Diba guys?" tanong nya na sinang-ayunan ng sigawan ng dalawang kasama nya. Habang si Ayumi pilit na akong kinakaladkad para maalis na ako sa pwesto ko. "Payag akong hindi na guluhin ang pangit na yun, basta ba ikaw ang papalit sa pwesto nya" He smirked.
"Lay a finger on her and you'll die stupid"
Napatingin ako sa bandang likuran ko kung saan nanggaling ang boses. "Ken!" I shouted. Habang sya naglalakad na parang walang nangyayari dala dala ang isang tray ng pagkain nya.
"Ano sabi mo?" inis na tanong ng lalaking nasa harapan ko.
No one dares to make a noise. Even a single move. Except Ken, deretso syang naglakad papunta sa pwesto ni Kym at hinawi ang dalawang lalaki na kasama ng hinayupak ng lalaking to sa harapan ko na para bang naghahawi lang sya ng kurtina.
"You are stupid, that is what I said" sagot ni Ken sabay lapag ng tray nya sa mesa at umupo sa katapat na pwesto ni Kym.
Akmang susugurin ng mga lalaki si Ken ng biglang dumating si Ms. Monarch, and head ng Prefect of Discipline ng Empire High, inshort ang pinakakinatatakutan ng buong school kasama ang mga guard na mas malala pa ang katawan sa bouncer. Agad na napamura ang mga lalaki.
"3 violations in one actions, sorry boys, you need to be under punishment for disciplinary purposes, IS THAT CLEAR?" sabi ni Ms. Monarch in a cold way pero nakakabali ng tuhod ng dahil sa napakaawtoridad na boses nya. Pinagdadampot ng mga guard ang tatlo na ikinapalakpak ng mga estudyante at ikinahinga ng maluwag ng puso ko.
Akala ko end of the world na.
"Gawd batman saved me for this day" I sighed saka ako muling umupo. Naistress ako dun ah.
"Eh sinungitan lang saved agad? Tsaka yung guard ang dumampot hindi si Ken, Yuri ha" pangbabara sakin ni Ayumi. "Support lang di mo maibigay? Ganun?"
"Supportive nga ako eh, kaya nga sasabihin ko to sayo na mukhang nagmomoment si Kym kay Ken ah" sabi nya. Syempre automatic nang lumingon ako sa dereksyon nya. Pagkakita ko, literal na nalaglag ang panga.
The hell!! After I saved her from those boys? Tuwang-tuwa sya na binigyan sya ng ulam ni Ken? Eh kung ipalipad ko ang spaghetti ko sa mukha nya?
YOU ARE READING
Vivid Of Sunset
RomansaNo one knows the real beauty of Sunset. Not everyone knows how special Sunset is for a day.. Sunset is unique... Sunset is special... But Vividness of a sunset is the most beautiful to all kind of the sunset.. A sunset that witness how they grew old...