Playlist:
*Thousand Years by Christina Perri.
❤Say You Won't Let Go (2)❤
By: My_King777
Nagpasundo na lang ako sa driver namin, nakakapagod ang araw na ito, ang daming nangyari ngayon. Pero puro sakit ang dulot ng araw na ito, gusto ko ng matapos ang araw na ito. Masakit kasi masyado eh, ang lakas parin ng impact ng sinabi ni Marcos sa puso ko.
Parang hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit, gusto ko munang matulog ng mahabang panahon at gigising lang ako kapag wala na tong sakit na nararamdaman ko kay Marcos.
Giniginaw ako, magkakasakit yata ako nito bukas eh, almost one hour kasi akong nagbabad kanina sa ulan, masarap kasi sa pakiramdam ang bawat patak mg ulan. Yong parang pinapagaan ng ulan ang pakiramdam ko, feeling ko tuloy kanina, nasa tabi ko lang si Flute.
Namimiss ko na talaga siya...
Parang kanina lang umalis si Flute pero parang one year na siyang nawala. Hindi ko pala kaya kapag wala siya, bakit kasi aalis-alis pa siya? Pwede namang iiwasan niya lang ako. Pero mas mabuti sigurong doon muna siya sa States, para mas mapadali niya ang pagmomove-on niya at makauwi na siya agad.
Malakas ba talaga tama niya sa akin? Siguro, bakit pa siya aalis kung maliit lang tama niya sa akin. Pero parang naiinis ako ngayon sa puso ko o sabihin natin kay cupido, namali niya yata ang pagpana niya, mabuti pang kay Flute niya yon tinama, may lovelife pa siguro ako ngayon, pero bakit wala talaga akong nararamdaman kay Flute?
Na siya naman ang palagi kong kasama, siya ang nagpasasaya sa akin, nagpapangiti, at nagpapatawa pero wala parin eh.
Siguro di talaga kami tinadhana sa isa't isa...
Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon, gusto kong mawala ang lahat ng iniisip ko lalong lalo na sa nangyari kanina. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Flute, totoo ngang masakit mareject para bang isang milyong karayom o higit pa ang nakatusok sa puso ko.
I feel you Flute...
Nandito na ako sa tapat ng bahay namin, bumaba na ako at pumasok na ng bahay. Basang-basa parin ako, hindi kasi ako nagpalit ng damit kasi wala naman akong pampalit.
Pumasok na ako at nakita ko si mama nasa sala may ginagawa yata. Napansin niya ako at napakunot noo ang tingin sa akin. Para kasi akong bata na galing lang sa kakalaro sa gitna ng ulan.
"Balik bata nak?" Tanong sakin ni mama na pabiro.
Ngumisi lang ako sakanya. Si mama talaga mahilig magbiro pero wala ako sa mood ngayon kaya wala akong ganang tumawa. Gusto ko munang ipahinga ang utak ko ngayon.
"Anak, alam kong may problema ka kaya pag-usapan natin mamaya, magbihis ka muna, mukhang kailangan mo kasi ng advice" tama si mama, kailangan ko nga siguro ng taong mag-aadvice. Tumango lang ako sakanya at ngumiti. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at nagbihis ng damit. Bumaba na agad ako. Nakita ko na si mama sa may garden.
"Ma..." Lumapit na agad ako sakanya at niyakap ko siya. Tumutulo na naman ang luha ko ngayon, ok lang naman kay mama na magdrama ako sa kanya, close kasi kami ni mama. Palagi lang siyang nandyan para i comfort ako sa mga oras na katulad ng ganito.

YOU ARE READING
❤ Say You Won't Let Go ❤
Teen Fiction"I believe no problems or challenges can destroy our relationship as long as we are both willing to fight for each other" -Jade Kyle Casser Completed. Say You Wont Let Go. Written By: My_King777. All rights reserved 2017. A/N: Hi Guys! First short s...