Say You Won't Let Go

297 36 16
                                    

A/N: Guys bago niyo po basahin please paki-download po ng mga sumusunod na music para mas maganda at maramdaman niyo po yong story. Pwede po sa www.mp3juices.com. Salamat! :)

Playlist:

* Say you wont let go by James Arthur.

*BTS Spring Day (Eng. Cover by Ysabelle Cuevas).

*If you by Jeon Jungkook

*Thousand Years by Christina Perri.

CAST:

Jeon Jungkook - Flute Abejero
BTS Jimin - Marcos Kenth Tyler
Park Ji Yeon - Jade Kyle Casser

Dedicated to my bestfriend Yeobo_ni_Jungkook.



Say You Won't Let Go❤

By: My_King777

Kasalukuyan akong nandito sa SB (StarBucks) para makapagisip-isip, gulong gulo na talaga ako sa nararamdaman ko kay Flute bestfriend ko siya at aaminin kong hindi ko siya gusto, kasi mas gusto ko si Marcos.

Sabihin niyo na gusto niyong sabihin, pero puso ang nagdedesisyon ko hindi utak ko.

Pero masaklap lang na yung pinakagusto ko ay hindi ako gusto, masakit para sa part kong ako lang ang nagmamahal at patago pa talaga ang nararamdaman ko, pero parang tanga lang... na yong mahal ako hindi ko pa talagang kayang mahalin si Flute, nakakalito na talaga.

Ang hirap isipin na may gustong iba si Marcos, pero ito parin ako nagpapakatanga. Haysssss buhay nga talaga.

Ako nga pala si Jade Kyle Casser 18 years old...course ko? BS biology at nag-aaral sa King University.

Kailangan kong makapag-desisyon ngayon, bago pa mahuli ang lahat...at alam kong pagsisihan ko iyon pag di pa ako nag confess sa nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

Sino ba talaga ang gusto ko? Si Marcos o si Flute.

Si flute na umaasa parin na makuha ang puso ko, pero mahirap magpaasa sa isang tao. O si Marcos na gusto ko pero di ako gusto.

❤ Say You Won't Let Go ❤Where stories live. Discover now