Playlist:
*Say you wont let go by James Arthur.
❤Say You Won't Let Go ( 5 )❤
( The Finale Part 3 )
By:My_King777
Naimulat ko ang mata ko dahil sa sinag ng araw, di ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako kagabi sa kakamomment ko dito sa kwarto. Napagod siguro ako sa kakaiyak kaya ayon nakatulog ako.~~ Blurgg ~~
And another thing pala hindi ako nakakain kagabi kaya eto dinalaw ako ng gutom. Tiningnan ko ang oras sa wall clock, and 8:00 AM na pala. Hindi pa ako tapos sa pag-aayos ng damit kaya mas mabuti sigurong tapusin ko na muna ito bago kumain.
Habang nag-aayos ako bumukas ang pinto at nakita ko si mama na good na good ang morning, ngiti pa lang niya kita mo na kung gaano siya ka good mood. May naalala ako bigla, di kaya nandiyan na si papa. Siguro.
"Good morning mama" bati ko kay mama, na ngayon ay naka-upo sa kama.
"Good Morning din anak, kakain na tayo handa na ang pagkain doon sa may restaurant na malapit dito, doon daw tayo kakain sabi ng papa mo. At oo nga pala dumating siya mga gabi di ka na namin ginising kasi kita sayo kagabi kung gaano kahimbing ang tulog mo" natatawang sabi ni mama.
"Ah.. Sige po susunod lang ako tapusin ko na lang po ito" sabay ngiti ko sakanya.
Tumayo na ito at aaktong lalabas na si mama, pero bago pa ito makalabas may sinabi muna siya.
"This is your best week anak" sabay ngiti, at tuluyan na siyang umalis.
Ano daw? Best week? Napa-iling na lang ako sa ugali ni mama ngayon. Nagpatuloy lang ako sa pag-ayos ng damit at ng matapos ako, inayos ko muna ang kama ko, at naligo at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na. May biglang nag-text sa akin at nakita ko kay mama ito.
From: Mama
Sa Max's Restaurant anak... Sa may harap ng hotel.
Pumunta na ako doon, di naman malayo kasi nasa harapan lang talaga ng hotel. Pagkapasok ko agad kong natanaw sila mama at papa, parang nagkakatuwaan sila tumatawa kasi si mama eh, kaya pala good na good ang morning kanina.
Lumapit na ako sa kanila at narinig ko pa talaga ang joke ni papa.
"Knock knock" sabi ni papa.
"Who's there?" Natatawang sabi rin ni mama.
"What can be"
"What can be who?"
"What can be bitiw bigla, what can be bitiw bigla ah~~, higpitan lang ang iyong kapit, maglalayag patungong langit~!" Birit ni papa.
Kahit corny sinakayan parin ni mama ng tawa, ang cute talaga nilang tingnan parang mga teenagers lang na mag-jowa. Sweet rin sila sa isat-isa kahit twice in a year lang uuwi si papa hindi nawawala sa vocabulary nila ang sweetness.
Tuluyan na akong lumapit sa kanila at agad naman napansin ako ni papa, tumayo ito kaagad at lumapit sa akin at yumakap. Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ni papa, ganito talaga siya emosyonal pagdating sa pamilya.

YOU ARE READING
❤ Say You Won't Let Go ❤
Teen Fiction"I believe no problems or challenges can destroy our relationship as long as we are both willing to fight for each other" -Jade Kyle Casser Completed. Say You Wont Let Go. Written By: My_King777. All rights reserved 2017. A/N: Hi Guys! First short s...