This Is A Hate Letter

28 1 0
                                    

~ Nakalkal ko lang sa mga notes ko. Lol. May ginawa pala akong ganito? HAHAHAHA oh well ~

Dear you,

Do you still remember me? No? Oh well, hindi nga pala ako espesyal para sa iyo. Isa lang ako sa mga babaeng pinaglaruan mo!

Naaalala ko pa nga na noong nagpaparamdam ka sa akin-- na gusto mo raw ako, umiiwas ako noon dahil ayokong mahulog sa iyo. Ayokong mahulog sa isang lalaking kilala na mapaglaro sa babae. Nakakainis nga eh dahil ayaw mong tumigil! Iritang-irita ako sa tuwing hinahawakan mo ang kamay ko. Sino ka para gawin iyon? Napaka bastos mo at akala mo lahat ng babae magkakagusto sa iyo. Huh! Wag ka masyadong feelingero dahil hindi ka naman gwapo sa paningin ko.

Noong third year, di ka pa rin tumigil kahit ilang taon na kitang iniiwasan. Napakatindi mo rin eh ano? Pinangako ko sa sarili ko simula nung araw na nagparamdam ka sa akin na hinding hindi ako mahuhulog sa iyo. Ever!

Pero dumating ang isang araw na kinain ko lahat ng sinabi ko..

Sabi ko, hinding hindi ako mahuhulog sa iyo pero ano itong ginawa mo sa puso ko na napakabilis ng tibok sa tuwing nakikita ka. Ang ginawa mo lang naman ay binuhat ang bag ko nang hindi ako makatayo dahil sa sobrang lagnat ko at pinilit ko lang naman na pumasok noon. Ikaw ang umalalay sa akin.

Nang hindi ko na talaga kaya at bumabagsak na ako, binigyan mo ako ng piggy back ride at hinayaang makatulog sa balikat mo.

Naiinis ako nung araw na un hindi dahil sa ayaw kong magkaroon ng utang na loob da iyo kundi dahil ayaw ko nitong nararamdaman ko.

Btw, salamat pala. Di ko na nasabi dahil bigla bigla ka na lang hindi nagpaalam na umalis ka pala.. Na pumunta ka ng Canada.. Na pinaasa mo ako..

This is a hate letter! Kita naman sa title di ba?

Ginawa ko ang sulat na ito dahil sa galit. Oo galit. Galit sa sarili ko..

Nagagalit ako kasi pinalampas ko ang pagkakataon na magkaroon ng kaibigan, o minamahal siguro? na katulad mo.

Madaya ka kasi eh. Kung sinabi mo sa akin na mahal mo ako eh di sana, may TAYO ngayon..

Kaso wala eh..

(February 25, 2017 2:19A.M)
(lalunacherrybem♡)

What's Inside My Heart (Compilation Of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon