Sinisipag ako magupdate ngayon a :) Inspired ata si Author <3
This story is based from my experience.
Wag kayo matatakot. Kilabutan lang kayo :P
- - - - - - - -
FOURTH STORY:
January 2013
Kakauwi lang namin galing Baguio dahil dun kami nagnew year. Apparently, pag punta ko ng Baguio sinisipon na ko at ubo hanggang makabalik ng Manila ganun pa din.
Paguwi ng Manila, kinabukasan may pasok na agad ako. Nagaaral pala ko sa medyo di kasikatang university dito sa Manila. Sa di inaasahang pangyayari nagkalagnat ako. Tuwing gabe lang ako nilalagnat. Kinaumagahan sinat na lang at agad mawawala.
Parating ganun ang nangyayari kaya my parents decided na ipacheck-up na ko sa Doctor.
Pumunta ko ng hospital around 6 pm nilalagnat pa din ako. Masakit ulo ko. Ang dami pang tests na ginawa saken. Mga 9 pm na nang matapos at nakauwi na kami.
Pag uwi ko ang daming bisita sa bahay. May handaan. Dumating din ang Lola't Lolo ko sa side ni Mommy.
Dahil nga dumating sila, dun na sila pinatulog sa kwarto ko kase di na nila kayang umakyat pa sa attic dahil dun ang guest room.
Kaya ako na ang natulog sa attic. Dumeretso agad ako dun. Di na ko kumain dahil baka isuka ko lang. Gustong-gusto ko na din magpahinga kase masama ang pakiramdam ko.
Pagdating ko sa attic nahiga agad ako. Nagdasal at pumikit na. Pero di ako makatulog.
Nanuod na lang ako ng TV pero patay pa din yung ilaw at saka magisa lang ako sa attic.
Around 11 pm, nagdecide na ko na matulog. On going pa din yung inuman nila Dad sa sala at si Lola gising pa.
Pumikit na ko. Pero sabay sa pagpikit ko. May di kaaya-aya akong narinig.
May sumitsit saken. Isang beses. Di ko na pinansin dahil sa sobrang antok na ko.
Nagulat ako ng sumitsit ulet siya sa ikalawang pagkakataon.
Hanggang sa sumitsit ulet sa ikatlo.
At naging apat na.
Napaupo ako sa kama. Nanggagaling yung sitsit sa right side ko.
Pero ang nasa right side ko lang naman ay mga libro at mga gamit na kung anu-ano.
At dahil sa attic nga yun. Wala namang pedeng sumitsit saken dahil magisa lang ako dun. Masyadong mataas na ang attic at wala na din naman kaming kapitbahay na ganun kataas ang bahay.
Kaya imposibleng may sumitsit saken. Pumikit na lang ulet ako pero sumitsit ulet siya.
Lalaki siya. Mapapansin mo ang boses niya pag sumisitsit siya. Natakot na ko kaya nagpasya ko na bumaba muna at pumunta sa kusina para kumain.
Namumutla na ko pagbaba ko. Sabe ni Lola ano daw nangyari. Kinuwento ko, naniwala naman siya.
Parating may nagpaparamdam saken pag may sakit ako. Kahit saan ako pumunta basta may sakit ako nagpaparamdam sila.
Nalaman ni Dad yung nangyari sa attic kaya pinatulog niya ko sa kwarto nila ni Mommy. Kasama ko si Mom na matulog.
Sabe ni Dad wag na daw muna ko aakyat dun kase may sakit pa ko. Lalo lang silang lalapit at gagambalain ako.
Naniniwala naman ako kay Dad dahil kaya niyang kumausap ng spirits.
Naginsenso sila kinabukasan. Marami talagang tao na hindi namin nakikita sa bahay namin na to. Lalo na sa kwarto ko at sa attic namin.
Dahil nang ipablessed ito, nandito na talaga sila. Nakita ko sila na mabilis na bumababa sa hagdan namin galing attic nung ipablessed ito.
Kahit nung ginagawa pa lang tong gusali na to nagpaparamdam na sila. May pagkakataon na wala namang trabahador pero may nagpupukpok pa din kahit disoras na ng gabe.
Masasabi kong tahanan namin eto pero may mga bagay na di namin nakikita na nakatira din dito sa aming bahay.
-
Ayos ba ? HAHA. Totoo po lahat ng yan mga readers. Pavote and comment na din po :)
BINABASA MO ANG
Misteryo at Hiwaga
HorreurMay mga bagay na di natin nakikita ngunit kung tayo'y magmamasid ating marramdaman. Di maipaliwanag na elemento na bumabalot sa marahas at mapanakot na mundo ng mga nilalang. Tara't ating tuklasin ang mga kwento na bumabalot sa kababalaghan at kahin...