Pasukan na naman. Nag lalakad ako ngayon sa school. kakarating ko lang. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa classroom. Nagtatago nga lang ako ngayon dahil sa nangyari nung Friday. Hindi talaga ako mapakali kasi malalaman na nila ang aking iniingatan kong sikreto.
"Uy! May nabalitaan ako tungkol kay R--" napatigil yung dalawang babae na nag uusap nung nakita nila akong nakatingin sa kanila. Eh, sino ba ang hindi mapapatigil, pag tumingin kasi ako kala mo papatayin ko sila. bale ganito:
++( >.>)-------(?_? ) (?_? )
Medyo lumayo sila ng kaunti sakin at hindi uli nag salita. Ganun ba talaga nakakatakot ang tingin at presensya ko ngayon? Parang hindi naman eh. Sa totoo nga niyan eh, kinakabahan ako kasi baka nga alam na nila na ako si R.
Umalis na din ako dun. Alangan namang nakatayo lang ako dun mag damag diba. Pag pasok ko ng classroom, may biglang humila sa akin. Halos 'di na ako huminga ng makita ko kung sino ang humihila sa aking ngayon.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
<Rin>
"Ran!! Nakita mo ba si Rika? Mang hihiram lang sana ako ng notes sa Physics natin eh." tanung ko sa aking kakambal.
"Aba ewan ko! Kanina ko pa nga siya hinihintay eh. Pipilitin ko pa sana ulit si Rika na sumama sa atin mamaya sa booksigning." sabi nman ni Ran, ang aking kakambal.
Ako nga pala si Maria Rin Velasquez at ang kausap ko naman kanina ay ang aking makulit na kakambal na si Mary Ran Velasquez. Oo, ang babaduy ng pangalan namin noh. Eh, sa wala na akong magagawa dyan dahil yan ang ipinangalan sa amin ng mga magulang namin. Kaya nga mas prefer namin na tawagin na lang kami by our second name, which is Rin and Ran. Ako na nga pala ang nag pakilala sa inyo tungkol sa amin ng aking kambal kasi for sure nakalimutan kami ni Rika ipakilala sa inyo.
And speaking of that girl, na saan na kaya yu--
"Aaahh! ang hot naman ni kuya!!!" girl 1
"Oh my god.. Ang gwapo niya, super!" girl 2
Napatingin naman ako sa labas ng room namin at nakita ko ang pinag uusapan ng mga kaklase kong malalandi. Pero hindi ko sya masyadong makita yung itsura nung lalaki dahil nakatalikod sa akin at ni Ran.
"Kyaaa!! papunta siya dito."
" 'wag na kayong mag pantasya sa kanya dahil ako ang ipinunta niya dahil boyfriend ko siya!"
"Hindi noh! Boyfriend ko kaya yan kaya siya papunta dito."
"Hindi, ako!"
"Ako!"
"Ako nga sabi eh!"
Haayy nako... Kailan pa kaya titigil 'tong mga kaklase ko. --_--'
* psst psst *
Tumingin naman ako sa harap ko kung saan galing yung sumisitsit sa akin.
"Bakit Ran?" oo, si Ran ang sumisitsit. Baliw nga 'tong babaeng 'to eh. Kailangan ba niyang sumitsit, eh na sa harapan ko lang naman siya eh.
May tinuturo naman si Ran pagka tanong ko sa kanya. Wala bang bibig 'tong babaeng 'to at hindi makapagsalita? Tumingin na lang ako sa tinuturo niya at ayun, nakita ko si Rika na papasok na ng room.
Pupuntahan ko na sana siya kaso tinawag naman ako ng isa kong kaklase kaya lumingon ako dito.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
Rinig kong sigaw galing sa labas. Teka, boses ni Rika yun ha...
Nagkatinginan kami ni Ran at sabay kaming tumakbo papunta sa labas. Nakita namin si Rika na hawak siya nung lalaki na kanina pa nandito. Pero, parang namumukhaan ko siya eh. Kaso lang, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Kambal, hindi ba't si Min San Andres yan? Yung sikat na author ngayon?"
Tinitigan ko naman ng mabuti yung lalaki, pagkatapos sabihin sa akin ni Ran yun. At tama nga siya, siya si Min San Andres, yung pinakasikat na pinakabatang author ngayon. Akalain mo yun, kilala pala siya ni Rika.
"Bakit? Masama na bang pumunta dito? Hindi mo ba ako na mimiss?"
"OO! Dahil una, hindi ka estudyante dito at pangalawa, hinding hindi kita mamimiss kasi 'di kita kilala. So kung p-pwede lang, umalis ka na dito!"
Pagkasabing pagkasabi ni Rika yuna ay bigla na lang nag walk-out. Anu kaya nakain nito at ganito kasungit ngayon? Baka naman meron siya ngayon. Pero bakit nga ba nandito si Min sa school namin?
<Ran>
Oh My God! Waahh! nandito si Min! at kilala pa siya ni Rika. Oh Em Gee.. nag lilihim na si Rika sa amin ni Rin! This can't be!
( Ang OA mo.. Wag kang mag drama dyan at baka isipin ng mga readers na baliw ka )
( Eh, ano naman ngayon kung OA? Hindi mo ba ako naiintindihan na nag lilihim na sa amin si best Rika at ang inililihim pa niya yung tungkol doon kay Min San Andres?! Yung pinaka sikat at pinaka bata na Author ngayon. And take note lang ha, ang gwapo din niya *Q* )
( Ops ops ops... Wait muna ha? Hinga muna ng malalim then buga. Ulitin mo 'to ng dalawang beses... Oh ano? Okay ka na? )
( Okay na. Sorry... (_ _ )' )
( Mabuti naman... )
San na nga ba ako? Ay oo nga pala. Ito kasi si Rika eh... She's so G-R-R-R!! De joke lang (^_^)V
San na ba kasi pumunta si Rika? Eh, si kambal na wawala na din? Hala ako na lang ang naiwan dito?! Waahh!! TTOTT Iniwan ako ni best at ni kambal dito..
Teka hahanapin ko muna sila ha. Iwan ko na muna kayo dyan.
BINABASA MO ANG
R-teen
Teen FictionMeet Rika Salvador who lives a normal life like every other teens out there pero meron siyang isang sekreto.