" Min-min, bilisan mo naman! Dali't may papakita ako sayo!" sabi ng batang babae sa kanyang kaibigan habang naka pamewang sa tabi ng puno.
" Oo! Teka lang naman, eh. Ano ba meron at atat na atat ka ng ipakita sakin yang anuman yang bagay na yan?" sabi ng batang lalaki.
" Ang tagal naman, oh! Mauuna na ako sayo. Bahala ka na lang sumunod sa akin."
Habang tumatawid, may narinig siyang bumusina. Pag harap, nakita niya ang truck na palapit ng palapit sa kanya. Hindi makagalaw ang bata hanggang ito'y matamaan.
" Rika! Rika! Ri-" ito na lang ang huli niyang narinig at ang mukha ng kanyang kaibigan.
" Rika! "
Hindi niya pinansin ang tumatawag sa kanya at nag patuloy na lang sa kanyang pag tulog.
" Rika! "
Hindi niya uli ito pinansin hanggang sa may kumakalabit na sa kanya.
" Anu ba! Hindi mo ba nakikita na natutulog yung tao at maka--" bigla na lang ako napatigil at naramdaman ko na umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil nakita ko si Ma'am Sungit na masama ang tingin sakin. May dahilan ako kung bakit Ma'am Sungit ang tawag ko sa kanya at ito ay dahil--
" Sino nag bigay sayo ng karapatan na matulog sa klase ko Ms. Salvador? At sinigawan mo pa ako. " o diba, sabi ko sa inyo masungit siya eh.
" Gusto mo bang dalhin kita ngayon sa Principal's Office?" sabi niya sa akin habang naka taas ang isa niyang kilay.
" Ma'am wag naman po. Hindi na po mauulit." syempre, may paawa effect pa ako para effective.
"Okay. But the next time you sleep again in my class, I wont hesitate to send you to the Principal's Office. Do I make myself clear?" sabi ni Ma'am Sungit.
Tumango na lang ako at umupo kagad dahil dudugo na ang ilong ko sa kaka english ni Ma'am Sungit sa akin.
>>>>Fast Forward
"Yehey! Uwian na!" Sabi ko habang nag lalakad kasama ng aking mga BFF. Mamaya ko na ipapakilala sa inyo kung sino 'tong mga baliw na ito.
"Hindi halatang atat umuwi ha." sabi ni Rin.
"Syempre naman noh! Magkikita na kaya uli kami ng kama ko."
"Aray ko naman!" binatukan naman kasi ako ni Ran.
"Hindi ka namin papayagan na umuwi kagad. Diba, sasamahan mo kami ngayon sa mall?" sabay sabi nitong dalawang ito.
BINABASA MO ANG
R-teen
Novela JuvenilMeet Rika Salvador who lives a normal life like every other teens out there pero meron siyang isang sekreto.