<Rika>
uugghh!! nakakainis! Bakit ba kasi nandito yang lalaking yan?! Kung kailan ko pa naman na pag desisyonan na umiwas na lang sa kanya kung magkita man kami eh. Kaso, mukhang ako ata paborito pag laruan ni tadhana ngayon =3=
"Miss, wait!"
'wag mo na lang siya pansinin Rika. Mawawala din yang lalaking yan.
(Anu kaya yun. Magic? Bigla na lang mawawala.)
(Ewan ko sayo miss author.)
Okay, back to the story. So ito nga sa kakalakad ko ay na karating ako dito sa garden ng school namin.
haayy... Ang ganda talaga ng garden ng school. Ang sarap talagang matulog dito. Ang tahimik din, walang maingay dahil na sa may likod ng school 'tong garden.
"Hoy, miss! Sabi ko wait lang diba? Bakit mo ba ako hindi pinapansin?"
Aarrgghh!! Kakasabi ko lang na tahimik dito eh. Tapos bigla na lang ito dumating at ginugulo na naman ako.
"Hoy! Umimik ka naman dyan oh. Nag mumukhang tanga na ako dito kakausap sayo. *'di man lang ako kausapin.*"
"Pwede bang tumahimik ka dyan! Ang ingay mo! At bakit mo ba ako sinusundan ha?! Wala naman akong ginawa sayo. Tsaka kung maka 'hoy' ka naman dyan. May pangngalan ako at hindi 'hoy' iyon."
tsk. Nakaka imbyerna na talaga. Bwisit na lalaking ito. Maka hoy naman ito. May pangngalan po ako, hello! Adik lang eh noh. Dalhin na kaya natin 'to sa mental?
"Sorry naman kung ganun. Eh sa hindi ko naman alam name mo. Alangan naman na tawagin kita as R. *smirk* Edi pinagkaguluhan ka na dyan ng mga fans mo."
"Anu ba talaga ang kailangan mo sa akin ha?! Kung nan dito ka lang para guluhin ang napaka tahimik kong buhay, edi umalis ka na lang." sigaw ko sa kanya. Hindi naman ako papagalitan dito eh. Ang layo kasi ng mga classroom.
"Huwag ka naman ganyan. Sa totoo nyan eh kaya ako pumunta dito ay para maki pag deal sayo."
Aaahhh... yun lang pa-- Wait, anu daw? Deal? As in DEAL?!
"Anung pinag sasabi mo dyan ha?! Anung deal yan?!"
"Syempre naman noh. Hindi ako papayag na walang kapalit ang pag tago ko dyan sa sikreto mong malupet. Paano kaya kung sabihin ko ito sa media? For sure akong madaming pera ang kikitain ko dito."
Grrr! Kainis! Mukhang na isahan ako ng lalaking ito ha. Bakit pa kasi niya nalaman?
"Subukan mo lang na sabihin yan kung ayaw mong mamatay ng maaga!"
"Edi pumayag ka na lang na makipag deal sa akin. Para wala ng gulo, diba."
"Ayaw ko nga! Bakit ako makikipag deal sa iyo kung hindi pa kita kilala. Ano ka, sinuswerte? Papayag lang ako dyan sa deal-kuno mong yan kung mag papakilala ka sa akin at kung sasabihin mo sa akin kung tungkol saan yang deal mo." sabi ko sa kanya habang naka pamewang. Aba, akala niya sinuswerte siya ha.. Baka gusto niyang mamatay ng maaga.
"Payag akong mag pakilala sayo pero hindi ko sasabihin yung tungkol sa deal. Sa tamang panahon malalaman mo rin. (^__^)" sabi ng mongoloid kong kasama.
"Aba kung ganun, 'di ako makikipag deal sa isang tulad mo noh." anong akala niya sa akin ha? shunga? mag papakamatay na lang ako kaysa makipag deal sa isang tulad niya.
Tumalikod na ako sa kanya at mag lalakad na sana ng bigla siyang mag salita. "Edi, wala lang sayo kung sabihin ko man sa mga taga media kung sino si R na kinikilala ng mga kabataang ka edad natin. Madali lang naman akong kausap eh."
Na pako naman ako sa kinakatayuan ko ngayon. Sh*t. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol sa bagay na yan?
"ah eh... teka! 'wag mong sasabihin!"
Hindi naman nakinig ang mongoloid na yun at patuloy pa rin sa pag lalakad palayo. Aaarrgghh!! I'm sure that I'm going to regret this.
"Oo na! Payag na ako! Kaya ba kung pwede bang 'wag mo ng sabihin yun?"
Bigla naman siya tumigil at humarap sa akin ng naka ngiti. Yung ngiting parang nanalo ka sa lotto ng jackpot nila. At nag sisimula na nga akong mag sisi sa naging desisyon ko ngayon.
" Edi mabuti naman. Madali ka naman pa lang kausap eh." sabi niya habang papalapit siya sa akin.
" Oo na. anu ba kasi yung deal na yan ha? Sabihin mo na dahil late na ako sa klase ko." Sabi ko. Eh, sa na iinip na ako dito at kailangan ko na talagang pumasok kung hindi malalate na talaga ako niyan. Top 1 pa naman ako dito tapos late. Edi, nasira lang yung naoaka ganda kong record dito sa school.
" Aahh! Oo nga pala. Hehe.. Sorry kasi nawala sa isip ko eh ^__^V"
A-ano?! Nawala sa isip niya?! Eh, kanina pa kami nag uusap dito tungkol lang diyan sa lintek na deal na yan eh. Mabatukan nga.
"Aray naman! Bakit mo ako binatukan?"
"Eh shunga ka pala eh! Anong nawala sa isip mo? Eh, kanina pa tayo nag uusap dito tungkol dyan sa bwiset na deal - kuno mong yan! Tapos tatanungin mo pa ako kung bakit kita binatukan!" Nakakainis na 'tong lalaking 'to ha.
"Oh eto na. Sasabihin na. 'Wag ka ng magalit baka ma highblood ka pa niyan. Ops! Eto na. Tss." Akmang babatukan ko sana siya. Sayang naman 'di natuloy.
(Oi! Sadista ka ha! Kinakawawa mo naman yung tao.)
(Aba! dapat lang yun author. Para matuto din yun. Sumosobra na eh)
(O sya! Bahala ka na dyan. Basta kung nalaman kong may ginawa kang 'di dapat.. mag babye ka na sa mga readers)
(Ano?! 'Wag naman ganyan author. Wala naman akong gagawin eh. Pramis, mag bebehave ako.)
(Oo na! 'Wag kang mag pramis basta gawin mo na lang.)
(Opo!)
Woohh! Lakas ko talaga kay Author! ^__^ Ay, oo nga pala! SI impakto pa pala. Kasi naman si Author eh..
(Hala! Ako pa talaga ang sinisi mo. 'Wag mo na lang akong pansinin. Ayan na oh.. sasabihin na niya.)
" *ehem* Eto na. Yung tungkol sa deal. Ito ay...
...maging girlfriend ko."

BINABASA MO ANG
R-teen
JugendliteraturMeet Rika Salvador who lives a normal life like every other teens out there pero meron siyang isang sekreto.