Her POV
Kinakabahan pinihit ko ang pinto at dahan dahang binuksan. Bumungad agad sa akin ang masarap na amoy na nanggagaling sa kanya. Pinigilan ko na mapapikit at damhin ito. Nakakahiya naman. Nakita ko ang titig niyang tagus tagusan ata sa buto. Pakiramdam ko kita niya ang lahat sa akin. Pumasok ako ng dahan dahan
"Good afternoon, sir!" Nakayukong sabi ko.
Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya napaangat ako ng tingin. At nakita ko ang titig niya na sobrang intense. Lalo ako natense. Di ko alam kung paano ako magrereact.
Tumayo siya ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Lalo akong kinabahan. Para akong maiihi na ewan.
"Anne" malambing na tawag niya.
Nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti na siya. Shucks, patay na. Mukhang kilala na niya ako.
" please follow me!" Naglakad siya papunta sa isang pinto. Alangan akong sumunod. Ambilis ng heartbeat ko. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas.
Pagdating ko dun, nakita ko na pantry pala ang pinasukan namin. May nakahandang pagkain duon. Natakam ako sa nakita ko. Mas lalong kumalam ang sikmura ko.
" please be seated, let's eat first!" Sabi nito.
Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Kaya dahan dahan na akong lumapit dito. Ipinaghila niya ako ng upuan. Namula ako sa hiya.
Nang makaupo na ako, umupo na rin siya sa tabi ko.
Sinandukan niya ako ng pagkain sa aking panggigilalas.
"Sir, ako na po!" Awat ko sa kanya.
"Lenard" bulong nito.
"Po?"
Tumingin siya sa akin.
"Lenard, that's my name. Call me Lenard".Napalunok ako.
Binalik ko ang tingin sa pagkain at nagpatuloy.
Nakita kong nakatingin siya sa akin. Lalo akong nailang.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa pantry. Basta ang alam ko halos di ko malunok ang kinakain ko kasi nakatingin lang siya sa aking buong panahon ng pagkain ko.
Nang matapos akong kumain, dahil ako lang talaga ang kumain, tumayo na ako at akmang ililigpit ang pinagkainan ko ng magsalita siya.
"Leave it, may gagawa niyan" at lumabas na siya ng pantry.
Huminga ako ng malalim lumabas na rin ng pantry.
-----------------------------------------------------
Nakita ko siyang nakaupo sa isang sofa duon. Tumingin siya sa akin, at sinenyasan niya akong umupo. Nang akma akong uupo sa tapat niya ay hinila niya ako.
Nabigla ako kaya imbes na maglanding sa upuan ay napaupo ako sa kandungan niya.
Lalo akong namula, akmang aalis ng ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at bumulong,"Stay! And don't you dare move" matigas niyang sabi.
*********
Ang susunod na eksena ay sadyang pinalandi ng author
BINABASA MO ANG
POSSESIVE MINE (INC)
WerewolfGusto lang talaga niyang magbakasyon Broken hearted kasi siya Niloko siya ng taong pinagkatiwalaan niya ng puso. Kaya naisipan niyang umuwi sa baryo magubat para magrelax Pero akalain mo nga naman na sa lugar pang ito... Makikilala niya ang pinakaar...