chapter 5

38.2K 1.4K 92
                                    

Her POV

Hindi ko malaman kung lalabas ako o uupo. Kahit aircon ang boardroom, pinagpapawisan ako ng malapot. Panic filled my heart and I don't know what to do when I found out that the man infront of me is the same man that I met a week ago. The man that I slept with.

Ang unang naisip ko ay tumakbo palabas, pero bago ko pa magawa yun, I heard his voice saying:

"Please be seated Ms. Reyes"

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang matalim na nakatitig sa akin na parang sinasabing  'subukan mo lang lumabas'.

Kaya umupo na lang ako dahil mukhang mapapasama ako kapag tumakbo ako papalabas. Ansama na rin kasi ng tingin sa akin ng ibang department heads. Siguro iniisip nila kung ano ba ang problema ko at para akong praning.

Nanginginig na umupo ako sa bakanteng upuan na sa kamalas malasan ay katabi pa ni arthur. No choice ako kasi wala ng bakante.

Di ko alam kung paano ako kikilos knowing na kilala ako ng taong ito. Sana man lang di na niya ako matandaan kasi di naman katanda- tanda ang mukha ko.

I was praying when I heard him calling me.

"Ms. Reyes, I want you to explain about the financial statement for the past 5 years."

Para akong nagising ng marinig ko ang boses niya. Parang musika ito at ang sarap pakinggan. I felt hot all of a sudden. Napapikit ako para alisin ang kaisipan na iyon.

"Ahhh...yes sir". Taranta akong napatingin sa kanya at ng makita kong titig na titig siya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa report na ginawa ko. Tiniis ko ang hapdi ng tiyan na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Naalala ko na wala pa pala akong almusal at tanghalian. Napangiwi ako ng humapdi ang tiyan ko.

Mabilis kong binasa ang report ko. Siniguro kong di ko makakasalubong ang mata niya. Kung tumitingin man ako sa kanya, kung hindi sa noo ay sa tenga niya lang ako nakatingin para mukhang nakatingin ako.

Nakita kong napabuntong hininga siya. Nang matapos kong basahin ang report ko ay mabilis niyang sinara ang folder.

"Okey! We will resume the meeting tommorrow. I have important things to do. So you may leave now and be back tommorrow for the continuation of the meeting" sabi ni boss

Nakita kong nakahinga ang iba. Bakas ang saya sa kanilang mukha habang isa-isang tumatayo. Mabilis na rin akong tumayo para makaalis na ng office.

"Btw, Ms.Reyes, please proceed to my office now. I need to discuss something about your report" sabi ni boss.

Napangiwi ako. Akala ko ligtas na ko pero mukhang dito na ko magigisa. Kinabahan lalo ako ng makita ko siyang mariing nakatitig sa akin na parang sinasabi na wag akong magkamaling takasan siya.

"Yes boss!" Mahina kong sabi.

-----------------------------------------------------

Mabilis akong bumalik sa aking opisina para ibalik ang aking mga gamit. Di ko na hinintay si Adie kasi nanginginig na ko sa takot.

Mabilis akong pumunta sa aking computer at nagtype ng aking resignation letter. Naisip ko na ito kanina. Bahala na, kailangan kong makaalis sa lalong madaling panahon. Nang matapos ako ay prinint ko ito. At hinanda na ang lahat ng kailangan ko sa pagpunta ko sa office ng big boss.

Habang paakyat ay di ako mapalagay. Pinagpapawisan ata lahat ng singit ko sa sobrang tensyon.

Nang makarating ako sa 25th floor, lalo akong kinabahan.

Ang buong floor ay office lang ng big boss.

Nakita ko si VP Raffy at ang mga men in black. Nang makita nila ako, lahat sila ay yumuko. Maging si VP Raffy. Napanganga na naman ako. Anu bang klaseng trip ito.

Pinagbukas pa ako ng pintuan ng VP. Lalo akong napanganga. Vice president ng kompanya pinagbuksan ka ng pinto. Ano ba!!!

Nang makapasok kami ay pumunta kami sa pintuan na may nakalagay na office of the president.

Kumatok ang VP sa pintuan.

"Alpha, the Luna is here!" Imporma niya.

Napakunot ako ng noo. Sinong Luna. Baka akala niya Luna ang pangalan ko. So alpha ang pangalan ng president. Ang baduy naman!

"Please come in!"

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura.

---------------------------------------------------

Natutuwa naman ako kasi may nagbasa nito. Akalain mo, me nagtyaga. Salamat po sa pagpansin.

POSSESIVE MINE (INC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon