Chapter One: TransfereeAngela's POV:
"Bilisan mo naman!" Pagmamadali sakin ng sister kong si Erin.
"Eh di mauna ka na! Bakit ba kailangan mo ako isabay? Andyan naman si Kuya Kevin!" Sigaw ko habang nagsusuot ng medyas.
Ako nga pala si Angela Marie Reyes, isang normal na babae at isang no one. At itong babaeng ito ay ang kapatid ko na si Erin Marithe Reyes. At ang Kuya ko naman ay si Kevin Angelo Reyes.
Oh. Ang galing diba? Angelo at Angela? Si Erin lang talaga naiiba. Pero maganda naman name niya diba?
Nakasanayan na ni Erin na isabay ako papuntang school kaya ito, todo madali mode nanaman ako.
"Tara na!" Pagmamadali ko naman. Kala niya siya lang may karapatan ah!
"Teka, di ba tayo kakain?" Tanong niya.
"Sus, edi sa canteen! Ikaw nagmamadali diyan, ikaw magyaya kumain." Eh may point naman ako eh.
Hindi nalang siya umimik at lumabas na kami ng bahay.
Pambihira naman! Nauna nanaman si Kuya Kevin! Haist! Kahit kelan talaga!
Pumara kami ng jeep. Nung huminto na yung jeep, sumakay kami. Si Erin sa kabilang side, ako naman sa isang kabila.
"Oh." Sabi ko sabay abot sa kaniya ng barya "Ibayad mo na."
Ang bait ko no? De joke lang. Barya lang talaga binabayad namin sa umaga.
"Manong, bayad po. Dalawang estudyante po." Sabi ni Erin kay manong driver.
Makalipas ang ilang minuto, nandito na kami sa tapat ng School. Wala pa namang masyadong tao kasi maaga- aga kami pumasok.
6:30 am pa lang kaya! 7: 30 pa pasok namin.
Sabay na kami pumasok sa loob. Siguro, mga 20 plus palang ang mga estudyante.
"Psst. Si kuya oh!" Bulong sakin ni Erin sabay turo kay Kuya na nakasandal sa pader, na may kausap na babae.
What's new nga naman?
"Hay nako, Erin! Masanay ka na kay Kuya Kev! Lagi naman may kausap na babae yan eh!" Sabi ko sabay halaghak.
Napansin ko namang napatingin samin si kuya kasi napa- kaway Siya samin.
"Psst. Pupunta lang ako ng canteen. Ikaw kasi eh, ayaw kumain sa bahay!" Eh sa hindi ako gutom eh! At tsaka bakit ba ang hilig niya mag 'psst'?
Tumango na lamang ako. Grabe lang? Kala mo nakikipag- karerahan tong si Erin sa bilis ng takbo niya.
Actually, kasali siya sa Track and Field dahil isa siya sa mga mabibilis tumakbo sa section nila. Section A ako, Section B si Erin, at Section C naman si kuya, pero mas matanda ng isang year si kuya samin. So bale second year kami, siya third.
Magkakasunod-sunod talaga eh no? Sa bagay, magkakapatid nga naman.
Biglang may kumalabit sa akin.
"Ay kalabaw!!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. Sobrang nagulat ako dun ah!
Ah, si Hailly lang pala, ang best friend ko -_-.
"Bakla ka! Ako lang naman to! Kung maka-react ka naman diyan, wagas!" Sabi niya at tinawanan ako.
Tss. Patawa-tawa pa siya diyan.
"Oh bakit ka nga nandito?" Tanong ko sa kaniya.
"Itatanong lang kita kung nagawa mo yung assignment sa MSEP?" Tanong niya habang nakataas kilay niya.
BINABASA MO ANG
Long Distance
Teen Fiction(TAGALOG LOVE STORY). Siya si Angela Reyes, ang isang inosente at mabait ma dalaga. Paano kung isang araw ay ma-inlove siya sa isang lalaking may pagka- bad boy? Let's say na naging sila, at kakailanganin niyang mag-aral sa Korea dahil yun ang pan...