Chapter Three: Party II
Ano ba yan! Ang tagal naman ng mga pagkain! Gutom na gutom na ko..
"Gutom na ako.." Sabi ko kay Ericka na ka-kwentuhan ko.
"Don't worry. Malapit na rin naman na tayo kumain."
Nagulat ako nang tumunog ang phone ko.
Di ka man lang nagyaya sa party!? How dare you!?
Hah. As if naman na isasama ma ko sya. Asa siya no.
May napansin akong maliit na crowd sa may pintuan kaya nagtaka ako.
"Psst. Anong meron dun?" Tanong ko kay Ericka.
"Ahh. Nandoon kasi yung gwapo. Yung transferee? Jason yata. Basta." Sagot niya.
Luh. Naks naman. Kaka-transfer pa lang may fans na? Try ko nga mag-transfer sa ibang school. Lol.
-After 10 mins-
Finally! The moment i've been waiting for. Kakain na.
Pagkadating na pagkadating ko sa table, napanganga ako.
Wow. As in wow. With capital W.
Ang daming pagkain! At syempre, dahil walang hiya ako, kumuha agad ako ng pagkain at kumain. Minsan lang to eh.
Umupo ako sa isang tabi at tumabi sa'kin si Ericka. Habang kumakain ako, napatingin ako sa mga kumakain at nakita doon si ericka.
Wait, si Ericka?! Nandito siya sa tabi ko ah! Tumingin ako sa tabi ko at hindi naman ako nabigo dahil andoon nga si Ericka. Tumingin uli ako sa crowd at nandoot pa din siya kaya napalaglag panga ko.
"E-ericka? Si-" At naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.
"Yong kamukha ko? Ate ko siya. We're twins, actually." Pagpapaliwanag niya.
Oh? Parang hindi pa niya nababanggit sa akin yun ah. Sa bagay, hindi ko naman tinanong.
"Anong name niya?" Nakaka-curious eh.
"Eurecka." Nakangiting sabi niya sa akin.
Ahh. Eurecka, Ericka. Sa bagay, magkapatid nga naman.
Tsaka ko naalala si hailly. Teka, nasaan na ba yung bruha na iyon? Di ko makita.
Hayaan mo na. Nagkibit-balikat ako at tumuloy sa pagkain at pakikipagkwentuhan kay Ericka.
-
Hakhakhak sornaa😂
BINABASA MO ANG
Long Distance
Teen Fiction(TAGALOG LOVE STORY). Siya si Angela Reyes, ang isang inosente at mabait ma dalaga. Paano kung isang araw ay ma-inlove siya sa isang lalaking may pagka- bad boy? Let's say na naging sila, at kakailanganin niyang mag-aral sa Korea dahil yun ang pan...