1

1 0 0
                                    

Gwen Francine Mercado

Gwen Francine Mercado, isang kaibigang maasahan, mabait, matalino? Oo! Running for cum laude nga siya! Kaibigang daig pa ang nanay kung mag alaga. Mapagbigay, maaalalahanin, dalagang pilipina? Hindi naman sa ganun pero "Studies before Boys" motto niya. Youngest siya pero pasan niya ang daigdig, sa kanya nalang umaasa mga parents niya na kahit papa'no may makapagtapos sa mga anak na iniluwal ng asawa ng papa niya sa mundo. Isang consistent DL na nasa kursong BSED English at sobrang responsable sa lahat ng bagay.

Eh ako?

Ito, running for babagsakin huhuhu
Isang nilalang sa mundong nagngangalang Lebron James. Tsk ang sakit isiping pinangalan ako sa isang napakagwapong basketbolista. Hays pero okay na rin 'to kaysa walang pangalan. Diba?

"Mikeeeee! Nasan na yung inutos ko sayo???"

"Po?"

"Yung magic sarap asan na? Gusto mong di makakain?"

Ay oo nga pala, inutusan ako ni aling Marta na bumili ng magic sarap. Hahaha nakalimotan ko. Balik sa pagpapakilala, asan banda na nga ba ako? Oo! Sa Lebron James!

Kilala niyo ba siya? Sabi kasi ni Aling Marta nawawalang tatay ko raw siya pero anlayo eh, kulay palang ng balat. Ilong din, masyadong mataas yung sa kanya, pina trim guru 'tong sa akin kung sino man ang nagtrim pwes humanda siya! Sumobra eh! Langya!

"Mira Keil Ramos! Nasaan ang sukli nito?"

Lagot buong pangalan ko na ang sinambit, matatakot naba ako?

"Akin nalang po, barya lang naman yun" pagrarason ko with matching puppy eyes.

"Anong barya? Sengkwenta ang binigay ko sayo ah! Barya mo mukha mo"

"Eh tinagpipiso ang isinukli ni Manong Jose, nag aalala lang ako baka mabigatan kayo kaya tinago ko nalang. Masama po bang maging concern?" sabi ko sabay pahid sa gilid ng mata

"Hindi mo na ako maloloko Mira! Naku talagang bata to! Hala sa iyo na 'yang sukli, jusmeo ito"

YES!

Ang galing talaga ng acting skills ko.

Palakpakan naman diyan! Hahaha

"Sigurado ka po? Wala ng bawian ha! Pramis 'yan"

"Sayong sayo na 'yan, basta kapag naging enhenyero ka na gawan mo ng bahay si Aiko"

"Abay syempre! Pero 5 years young pa si Aiko ah, ang aga naman ata"

"Mike matanda na ako, ako nalang ang nag-iisang kapamilya niya maaaring bukas ay wala na ako dito" seryosong sabi ni Aling Marta

"Bakit po? Lilipat po kayo sa Kapuso?"

"Itong batang to! Halika na ngat kakain na tayo, Aikoo! Kakain na tayo"

Sa bagay, ang kamatayan ay nasa likuran lang.

"Hi Aiko! Nandito ulit ako" sabay kindat

"Makikikain kayo po ulit?" Ang cute niyang bata! Sobra sarap tirisin

"Wow! Pano mo nalaman Bebe boy? Manghuhula ka ba?"

Every Saturday pumupunta ako dito kina Aling Marta para tumulong sa munti niyang karenderya. At syempre libre ang pagkain! Si Aiko ay 5 years old palang, namatay ang Ina niya noong isinilang siya, complicated kasi kaya ayon.

Matapos kong kumain, hinugasan ko ang mga pinggan at nag paalam na.

Mira Keil C. Ramos, isang BSCE student sa isang kolehiyo na iba sa pinapasukan ni Gwen. Pero bakit kami magkaibigan? Kasi roommate kami, pareho ng boarding house.

Para na kaming magkapatid, mas matanda nga lang siya ng 2 months and ten days. Pero sa height talo siya, sa ganda? Panalo siya, sa kaseksihan? Talo ako. Sa utak? Talo na naman ako. Eh dean's lister si manang ey.

No common hobbies, kahit favorite walang wala. Pero ito stay strong ang friendship naming naka sail sa dagat at kahit among oras ay pwedeng malunod. Lahat naman ng friendship eh, nakabyahe sa dagat, nakalipad sa langit at kahit anong oras ay pwedeng masira.

"Hoy Mira Keil! San ka naman ba nanggaling at ginabi ka? Don't tell me nakikain ka na naman?"
Salubong sakin ni Gwen.

"OMG! Nahulaan mo rin? Dumadami na yatang manghuhula ngayon. Hmmm"

"Anong manghuhula? Eh halos taon na nung simulang makikain ka kina Aling Marta"

"Wow alam mo rin na kina aling Marta ako? This is surprising!"

"There's nothing surprising about it Mira."

"Gosh! I forgot you're a BSED English student, nako ang English ko baka Mali!"

"Ewan ko sayo. Mag aaral na nga lang ako"

Yan si Gwen! Kung gaano siya kasipag mag-aral ganun din ako kasipag mangopya. Kung siya always present sa klase ako? Present din kaso sometimes absent. Kung siya walang mistake or hindi hihigit sa lima ang Mali, ako rin! Hindi hihigit sa Lima ang tama. Bat ang hirap ng kolehiyo? Plus engineering pa kinuha ko.
Kung siya kulang pa ang markang 88 or 87. Sa akin? Tres lang sapat na!

Alam niyo sobrang opposite talaga ng personality naming, pero magkaibigan parin kami.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon