PN - Chapter 4

269 59 1
                                    


Chapter 4 - Bloody Night

Phoebe's Point of View

Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ang mukha niya.

"Ohh? Bakit?" Nakangiting sabi nito.

"Miss lang kita kuya."

Nagtataka man ako kung bakit siya nandito. Kinalimutan ko nalang 'yon sa kadahilanang mas lamang ang pagkamiss ko.

"Let's go to your room."

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Pinangunahan ko ang daan papunta sa room ko at sumunod naman siya kaagad. Nakarating na kami sa harap ng room.

"Heyy!" Sigaw ng asungot. Kilalang-kilala ko na ang boses niya. Pinagmasdan ko lang ang paglapit niya sa 'min.

"Who is he?" Nagtatakang tanong ni Kuya.

"K-ku---"

"Im her boyfriend." Napatingin nalang ako sa kanya.

Shit

I'm done

Blangko ang emosyon ngayon ni Kuya. Tinignan ko nang masama si Desmond. Nakuha pang ngumisi ng mokong.

"Phoebe? Ano 'to? Boyfriend?" Di ako nakasagot sa tanong ni Kuya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na slave niya ako.

Ngumisi ako kay Desmond bago ko nilingon si Kuya. "It's nothing." Kumunot ang noo ni Kuya. "He's just my admirer na laging sunod nang sunod sa 'kin."

"What!?" Malakas ang tinig nito.

"Shhhh! Mr. Admirer." Natatawa nalang ako sa itsura niya. Gusto na ata akong bugbugin ng mokong. "You also claimed that you're my boyfriend? Obsessed kana ba?"

Salubong na ang kilay ni Desmond. Hindi ko mapigilang matawa sa pagmumukha niya.

"Pumasok ka na muna, iwan mo muna kami." Usal ni Kuya. Tumango nalang ako at pumasok ng room ko.

Matt's Point of View

Nandito kami ngayon ni Desmond sa labas ng dorm ni Phoebe. Matagal ko nang kilala si Desmond but this isn't the right time para malaman 'yon ni Phoebe.

Nagkakilala kami sa Underground nung nagkaroon ng laban ang gang namin sa gang nila. Hindi ako nakasali sa laban na 'yon sapagkat 3 lang ang kinuha nila. Napahanga niya 'ko sa galing niyang makipaglaban.

Nagulat nalang ako ng biglang lumapit siya sa akin at iniinvite ako na sumali sa gang nila. Wala na 'kong rason na tumanggi dahil huling laban na ng gang namin.

Sa Underground ay meron ding Codename. Chaos ang codename ko. Chaos means complete confusion. I chose Chaos as my codename sa kadahilanang di ko ako sigurado sa ginagawa ko. Ginawa ko lang naman 'yon dahil gusto kong tulungan si Dad.

Hindi ko sinasabi kay Phoebe na pumapasok ako sa Underground dahil siguradong magagalit siya. Tanging ang grupo ko lang ang nakakaalam nito.

"Phoebe is your sister?" Tumango nalang ako sa sinabi niya. "What's your plan?"

"Plan?" Nag-isip ako kung ano ang makakabuting gawin. "Di dapat malaman ni Phoebe na magakakilala tayo lalong lalo na ang rason kung saan tayo nagkakilala."

"Lumalabas na hawak ko ang sikreto mo, Mr. Sandoval." Naghahamong sabi niya.

Di ko alam kung paano ko sasabihin kay Phoebe ang lahat ayokong dumating sa punto na malalaman niya 'to sa ibang tao o mahuhuli niya ako.

CS #1 - Peculiar Night (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon