PN - Chapter 10

169 48 0
                                    

Chapter 10 - Matt's Secret

Phoebe's Point of View

Nakikita ko ngayon ang lungkot sa mata niya.

The other side of him.

Nanggigilid ang mga luha niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng awa.

"Pinagpapantasyahan mo ba ako?" Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Nakafocus lang siya sa pagmamaneho.

Ilang oras ang dumaan. Nakarating na kami sa dorm.

"Thanks" maikling sambit ko.

Nagmadali akong bumalik sa room ko naalala ko may klase nga pala. Kaagad akong gumayak dahil strikto ang prof namin ngayon.

Halos tumakbo na ako sa loob ng room ko. Hinablot ko nalang ang bag ko saka diretsong umalis ng room.

"Ohh? Bat hingal na hingal ka?" Bungad ni Liana.

"Oyy Phoebe balita ko nagovernight ka raw kila Desmond?" Kahit kailan talaga malakas ang bunganga ni Wendy.

Tinignan ko siya nang masama na nangangahulugang hinaan niya ang boses niya, hindi ko namang iniiwasang pag-usapan.

"He introduce me to his parents."

Their eyes widen.

"Paano? Bakit?" Lexie asked with her dumbfounded look.

"Hindi ko naman alam na ipapakilala niya ako. First of all, I don't know his purpose."

"Bakit naman kasi sumama ka? Ha?" Wendy with crossarm effect.

"We made a deal."

"Ano naman 'yang deal na 'yan?" Seryosong tanong ni Liana.

Ang dami namang tanong ng mga re.

"Hindi na niya ako tatawaging slave niya pag pumayag ako sa pabor niya." Pagpapaliwanag ko.

"Pabor?" They asked.

"Mmm, hindi niya naman sinabi 'yon bago kami umalis, even yung pagpunta sa bahay nila hindi ko alam."

"Bat kasi sama ka nang sama, malay mo papatayin kana hindi mo pa alam." Napailing nalang ako sa sinabi ni Wendy.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa tingin ko ay titigil na si Desmond.

Wala ng manggugulo sa akin.

I'm safe.

Well, I'm not totally safe. Hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan kong tuparin ang hiling niya kapalit ng kalayaan ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Hindi ko alam kung san nakakakuha ng lakas ng loob dumaldal ang tatlong 'to.

Natapos ang pagkain namin nang hindi sila tumitigil. Bumalik na ako sa room ko para magpahinga dahil nag cancel ng klase ang prof.

CS #1 - Peculiar Night (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon