#59

2K 39 5
                                    

"WAG MAG-ASSUME!”

Gustong-gusto kita nakikita kahit pinapakabog mo yung dibdib ko ng sobra. Gustong gusto kita kausap kahit pinaparamdam mo sakin na ayaw mo ko kausap. Gustong gusto kita makasama kaso wala tayong chance na magkasama na tayo lang dalawa. Alam mo ba, naiiyak ako kapag "seen" at puro "Haha" lang yung reply mo sa mga chat ko. Yung kapag nakikita kitang online sa facebook sobra na yung kabog ng dibdib ko at di mo lang alam kung gaano ko pinipigilan yung sarili ko na i-chat ka.

Wala naman akong balak na magparamdam sayo eh. Wala akong balak na lumapit sayo kasi dati kuntento na ko na makita ka lang. Kaso lang sabi nila may gusto ka din sakin, kaya ako eto ang unang nag first move para makausap ka. Napagkamalan mo pa nga akong stalker at natatakot ka pa dati sakin kasi dummy account yung ginamit kong pang chat sayo. Di mo lang alam kung gaano ako kasaya nung nagreply ka sa chat ko, yung ngiti ko di ko mapigilan kasi sobrang saya ko. Sobrang saya ko kasi sabi ko sa sarili ko “Finally! Yung taong gusto ko napansin na din ako!”

Kaso lang yung saya ko napalitan na ng lungkot ngayon. Sana pala nakuntento nalang ako. Sana pala di na ako nagpakilala sayo. Sana pala nakuntento nalang ako na nakatingin lang sa malayo at di ko na ipinilit yung sarili ko sayo na mapalapit. Kasi mas tanggap ko pa na di mo ko nirereplyan dahil sa hindi mo ko kilala kesa yung alam mong ako mismo yung nag chat sayo pero inboxed zone parin. Sabi mo nga sakin dati na “Baka di ko lang na-meet yung expectation mo sakin.” Oo nga tama ka kasi ako naman yung may kasalanan eh, ako lang yung nag expect. Naniwala ako sa sinabi nila na kahit di ko naman narinig mismo sayo. Nag assume ako na baka “meron” nga, na baka may pag asa nga. Kaso hindi eh.

Pasensya na ha? Pasensya kana sa mga pangungulit ko. Sorry sa mga pagpapapansin ko. Dito naman ako magaling diba? Sa pag hingi ng sorry.

Siguro nga hanggang dito nalang. Ang sakit mo kasi gustuhin bruh!
Sana maging successful ka. After graduation sana magkita tayo ulit. Mag aaral akong mabuti kahit di ako kasing talino mo, sisikapin ko na maging successful para kapag nagkita tayo ulit di na ko mahihiyang lumapit sayo. Maraming salamat sa inspirasyon! 

P.S Pasensya na sa mga vandal ko sa upuan at sa black board. Kasi dun ako nagsusulat nung mga panahon na hanggang tingin lang ako sayo at wala pa kong lakas ng loob. Good luck sa pag aaral mo! Fighting! Aja! 

-Assumerang iyakin

Pinoy Jokes, Quotes & BanatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon