Chapter Two
"COPY." Itinago ni Sahara ang maliit na headpiece sa likod ng kanyang buhok na maraming extensions. She's working as an undercover detective and she's currently working as a club's waitress. It wasn't a cheap club, it was more on an expensive and exclusive one. Kaya lahat ng mga customers doon ay desenteng tingnan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang club na iyon ay isang drug den. Ang mga desenteng taong nakaupo sa mga couch, iilan sa kanila ay drug lords. Pero hindi siya nandoon para manghuli ng mga drug lords, iba ang assignment na nakaatang sa kanya.
Napadaan siya sa isang malaking salamin at nakita ang kanyang repleksyon. Gusto niyang mapangiwi ng makita ang hitsura niya, hindi dahil pangit siya. Her mother would freak out if she heard her mentioning that word. Her mother would always tell them, wala sa genes nila ang pagiging pangit at naniniwala siya doon. Unfortunately, kung ang suot mo naman ay pulang sequenced tube na umabot lang sa ibabaw ng kanyang pusod ang ikli at ang leather shorts niya ay umabot sa ilalim ng kanyang pang-upo, mas sigurado siyang magwawala ang nanay niya kapag Nakita siya sa ganoong hitsura.
Labag na labag sa mommy nila ang propesyong napili nila. Ilang beses nang nanganib ang buhay ng kanilang ama dahil sa mga kalaban nito at sa mga taong napakulong nito. Noong nag-aral ng abogasya ang kapatid niya ay nagsleep strike at hunger strike ito ng isang araw hindi naman napigilan ang kapatid niya. At noong nalaman nitong naging isang detective siya sa isang detective agency ay umiyak ito. Pinayuhan pa nga siya nitong tumulong nalang sa publishing company ng tito Gleian niya at tulungan ang pinsan niyang si Zhandra sa pag-aasikaso. Kaya lang wala talaga sa hilig niya ang maupo sa opisina at paulit-ulit ang ginagawa. Sumuko rin ang ina sa pangungulit sa kanya lalo pa at alam nitong hindi na mababago ang kanyang isip. Pero hindi ganoon kadaling makalagpas sa galamay ng nanay niya dahil pinangako siya nitong kapag may masamang nangyari sa kanya kahit isang beses lang ay titigil na siya sa kanyang trabaho. And to make her mother at ease, she promised. Her mother is the reason why she's always careful with her works. She doesn't want her to worry that much.
"Agent." That woke her up and reminded her that she's in the middle of a very important mission. She's working in a special elite detective force, konektado ang kompanya sa mga pulis at sa mga police work kaya well protected sila. "Senator Baldobia is out with his mistress."
Dali-daling ibinaba niya ang tray na may lamang drinks. This is her work. She's assigned to identify the mystery woman behind the notorious senator's back. Their client, who still, remain a mystery to them, wants to know who was it. Hindi sa kanya ang assignment na iyon she'd rather do something more bloody than this kaya lang may sakit ang isang agent na dapat ay gumagawa nito kaya napilitan siya.
Pumanhik siya sa VIP floor. Doon nagaganap ang mga bagay na hindi pwedeng makita ng ibang mga elitista na customer ng club. Hindi rin lahat ng nasa club ay katulad ng iba, ang iba ay nandoon dahil gusto lang mag-unwind. Agad siyang napagtago ng bumukas ang isang pintuan at tumaas ang gilid ng kanyang labi nang makilala niya kung sino ang lumabas. Napangiwi siya ng makita ito, nakatapis ng tuwalya ang pang-ibabang katawan nito habang kitang-kita ang may kalakihan din nitong tiyan.
Si Senator Baldobia ang isa sa pinakaiilagang senator sa senate house, palagi itong nakakahanap ng away o kaya naman ay naghahanap ng away. Marami ang galit dito lalo pa at maliban sa masamang ugali nito ay walang makitang anumang butas na pwedeng ikapahamak dito. Ang assets and liabilities nito ay malinis din, walang mahanap na hidden wealth. Ang mga negosyo nito ay legal, ang mga bahay nito ay nasa pangalan nito at nakasulat din. Kahit ang asawa nito na gumagawa ng mga charity works ay hindi rin mahanapan ng butas. Walang kakayahang magkaanak ang mag-asawa kaya nakapag-ampon ito ng dalawang anak na babae, ang isang anak nito ay nasa ibang bansa at nag-aaral at ang bunso naman nito ay nasa Pilipinas at tumutulong sa mga negosyo ng pamilya.
BINABASA MO ANG
Dare to beat the beast (COMPLETED)
KurzgeschichtenTEASER: Numbered Child Series # 2 "To be my woman is both an honor and responsibility, Miss. If you were to be my woman, you will use your body to please me and you would always make sure that I am satisfied because I am very hard to please. I want...