12- Beaten the Beast

51.2K 1.2K 54
                                    

Pre-A/N: This chapter may contain scenes that are not suitable for underage. Kaya read at your own risk.

Chapter Twelve


"SALAMAT po ulit Tito Eddie and Tita Kyla for the dinner." Pasalamat ni Sahara sa mag-asawang kaibigan nang kanyang ina. Kahapon ng ihatid siya nang ina ay ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Pagkatapos ay agad din itong umalis, hindi pa siya nakakapunta sa bayan upang mamili nang kanyang mga kailangan. Sinabihan lang siya nang mommy niya na may magdadala sa kanyang mga pangangailangan sa cottage.

In fairness sa cottage, agad siyang nabighani at napamahal sa lugar. Sino ba ang hindi? Maliit lamang ang cottage at napapaligiran ng maraming mga halaman at bulaklak. Hindi na nga niya kailangan pang mag-aircon dahil malamig na at may fireplace din, ang problema lang niya ay wala pa siyang nahahanap na panggatong o kaya naman ay uling.

Nakilala din niya ang anak ng mag-asawang nagpakain sa kanya, si Dafoddil at si Petunia. Pangalan ng mga bulaklak. Mas matanda siya ng limang taon sa panganay at sa pagkakaalam niya ay ang dalawa ang tumutulong sa flower farm na negosyo ng pamilya.

"Dito ka na sa amin kumain, Sahara." Sabi ni tita Kyla.

"Nakakahiya naman ho, mamimili ako mamaya. Aayusin ko muna ang mga gamit ko sa cottage." Pagkaalis nang ina ay agad siyang nagpahinga at natulog. Pagkagising niya kanina ay nakatunganga lang siya at hindi niya namalayan na gumagabi na pala.

"Mukhang mamaya darating ang inutusan ng mommy mo na magdala ng mga kailangan mo Sahara." Ani ni tito Eddie. "Pati na rin ng mga panggatong sa fireplace."

"Talaga po? Akala ko kailangan kong pumunta sa bayan. Babalik po muna ako sa cottage kailangan kong mag-ayos ng mga gamit."

"Pasasamahan kita kay Dafoddil."

"Ay, huwag na po hindi naman po malayo ang cottage." Tanggi niya sa offer nito. "Alis na po ako." Nagmamadali siyang umalis sa bahay ng mga ito. Gusto din niyang mapag-isa muna at makapag-isip ng matino. Puro tulog na lang ang kanyang ginawa, kapag nakatanga naman siya ay literal na nakatanga lang siya at walang pumapasok sa isip niya.

Sumasagi pa rin sa isip niya ang narinig niyang balita kahapon. Ang bagong lider ng Generation Syndicate na hindi pa kilala hanggang ngayon ay binubuong muli ang grupo. Alam niyang apektado si Ulysses sa balita, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. At hindi lang iyon, puwersahan ang pagpapasapi nang mga dating miyembro. Kinikidnap ang pamilya at binablackmail upang bumalik ang nakawalang members. Kapag tumanggi naman ay papatayin ito kasama ang pamilya. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagleak ang balita.

May isang dating numbered child na nagrecord ng nangyari. Sinabi nito sa recording na nakidnap ang asawa at anak nito. Gusto ng bagong lider na sumapi uli ito sa grupo at noong tumanggi ay pinatay ang asawa at anak sa mismong harapan nito at pinatay din ito. Sigurado siyang gumagawa na ng paraan si Ulysses at ang mga kapatid nito para alamin ang totoo.

Maging siya ay nalulungkot sa nangyari. Alam kasi niya kung ano ang ginawa ng lahat para lang makamtan ang kalayaan na tinatamasa ng lahat. Ang gobyerno ay agad din na umaksyon sa krimen at sana ay tuluyan ng makalaya ang lahat ng walang inaalala. Maganda na ang takbo ng buhay ni Ulysses ngayon, ayaw niyang masira pa iyon. He deserves to be happy with or without her.

Hindi rin niya ito nakita sa university ng samahan siya nang ina na magwithdraw sa kanyang kinukuhang kurso. Magaan ang kanyang pakiramdam ng sabihin ng mga magulang na okay lang na hindi niya tapusin ang kanyang pag-aabogasya at hanapin kung saan siya masaya at komportable. Hindi na rin siya pwedeng bumalik sa pagiging agent, lalong hindi na siya babalik pa sa dating agency niya dahil nalaman niyang may shares si Ulysses doon kaya pala ang dali nilang paalisin siya sa trabaho. At saka ayaw na niyang magkaroon ng alalahanin ang kanyang parents kapag bumalik pa siya.

Dare to beat the beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon