Chapter Five
SHE'S wearing her sunglasses while laying on the lounge of a private beach resort where Ulysses brought her. She's sleeping because her kidnapper wasn't here. Pasimpleng sinulyapan niya si Ulysses na kasalukuyang nasa isang beach bar at may kausap na babaeng nakasuot ng asul na two-piece bikini. Ang sabi kasi nito sa kanya kung hindi siya magpapalit into swimsuit ay hindi ito lalapit sa kanya. Ayaw nitong mapagkamalang tatay niya, what's wrong with her outfit? She's wearing a decent rash guard and a pair of white shorts. Mas daring na nga iyon keysa sa mga suot ng ibang babae sa beach.
"Bahala siya." Bulong niya. Magkasama 'kuno' sila doon dahil nabili siya nito which was wrong. Naalala pa niya ang huling usapan nila bago sila lumipad sa resort.
"You don't have to spend that much Ulysses, you are crazy." Hindi magkamayaw ang puso niya habang nakasunod sa binata pagkatapos ng bidding niya.
"Don't worry it's not much." Tila wala lang dito ang halagang iyon. Oo nga at galing siya sa isang may kayang pamilya pero tinuruan siya ng kanyang mga magulang na hindi umasa at masilaw sa pera. May kinikita siya at may kalakihan iyon dahil hindi naman ganoon kasafe ang kanyang trabaho pero ang mag-aksaya ng milyones kahit sabihin na charity iyon ay hindi pa rin makatarungan.
"Anong--."
"You bought yourself." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"What do you mean?"
"The red card." Naalala niya ang red card na ibinigay niya dito noong minsan ay na-encounter niya ito sa mga misyon niya at nakalimutan niyang kunin iyon.
"Akin na iyon."
"Ibabalik ko iyon seven days after."
"Anong seven days after? I bought myself I should be free."
Nagkibit-balikat lamang ito. "If that's what you want." Kung hindi lang siguro niya kilala si Ulysses malamang ay iisipin niyang naiinis ito sa kanya. "Bumalik ka na sa loob baka hinahanap ka na ng mga magulang mo."
"At saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako." Naglakad ito palayo sa kanya. "Inaantok na ako I need to sleep babe." Palagi naman itong tulog kaya anong bago? Napabuntong-hininga nalang siya habang tinatanaw itong naglalakad palayo sa kanya.
"Pwede kang matulog sa isa sa mga suite dito kung inaantok ka." Bumaling ito sa kanya, may kakaibang ekspresyon ang mukha nito.
"Is that an invite for -."
She rolled her eyes. "It's an invite for you to have a decent sleep." Tiningnan niya ito. "You look tired."
"I am handsome." Linapitan niya ito at hinawakan sa braso.
"I know." Hindi naman iyon pwedeng ikwestyon dahil iyon ang totoo. "Pero hindi mo ako maloloko. Kung anuman iyang ginagawa mo ay pwedeng magpahinga ka muna ng maayos? Baka isang araw ay bumagsak ka nalang bigla."
"I am handsome and healthy." Insist pa nito.
"And tired, come on have a little sleep." at nang balingan niya ang mukha nito ay nakakunot lang ang noo nitong nakatitig sa kanya pero may kakaibang tingin ang mga mata nito at hindi iyon nakaligtas sa pobreng puso niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang kahit papaano ay mawala ang kakaibang nararamdaman niya para dito.
BINABASA MO ANG
Dare to beat the beast (COMPLETED)
Storie breviTEASER: Numbered Child Series # 2 "To be my woman is both an honor and responsibility, Miss. If you were to be my woman, you will use your body to please me and you would always make sure that I am satisfied because I am very hard to please. I want...