6

2.6K 61 13
                                    

General's POV

Nagising si Karylle sa kanyang mahimbing na tulog ng maramdaman niyang may naka dantay sa kanya. Minulat niya ang kanyang mga mata, at halos maitulak naman niya ang kanyang katabi sa pagkagulat ng makita niyang si Vice ito. At himbing na himbing itong naka unan sa kanhang mga braso.

"VICEEE!"- sigaw ni Karylle para magising ang kanyang katabi.

"Hmm, ano ba? Matulog kana muna"- at lalong hinigpitan ang pagyakap kay Karylle. Sinabunutan naman siya ni Karylle dahil dito.

"Bruha ano ba pinagod mo kaya ako kagabi, matulog na muna TAYO"-maslalo namang diniinan ni Karylle ang pagsabunot sa kanyang katabi.

"Anong pinagod?! Anong kagabi?!"-sinilip nga niya ang ilalim ng kanilang kumot at nakitang nakadamit pa din siya. Pero hindi na ito ang naaalala niyang suot niya kahapon. Sinabunutan ulit niya si Vice "BAKIT IBA NA ANG DAMIT KO??"

"Aray ko naman girl, sakit na ng anit ko! Maawa ka naman sa buhok ko!" Habang pinipigilan ang bakal na kamay ni Karylle dahil sasabunutan nanaman sana siya ulit nito.

"AT BAKIT NGA IBA NA ANG DAMIT KO?!" Sabi ulit ng dalaga sa katabi.

"Pinalitan ko? Dapat nga ikaw magpasalamat sakin kasi pinagod mo ako kagabi" nakalokong ngiti at pataas taas pa ng kilay na sabi ni Vice.

"At bakit naman ako mag papasalamat? Ano ba kasing nang yari kagabi" naguguluhang tanong ng dalaga habbang inaalala ang nangyari kagabi

"Basta!"natatawang sagot ni Vice ag tumayo na ito to do his morning ritual.

"Masarap ka pala" kinindatan nito ang dalaga bago tumakbo papuntang CR. Napantig naman ang tenga ni Karylle sa narinig at agad kinuha ang unan para ibato sa kausap.

"MANYAKIS KA TALAGANG BAKLA KA!!" Saad ni Karylle bago mag tungo sa kanyang kwarto para makapag prepare narin para sa kanyang trabaho.

Punta naman tayo kay Vice na pangiti ngiti habbang nag shoshower at kumakanta at sumasayaw sayaw din ito, para din itong baliw dahil minsan ay tumatawa pa ito.

Vice's POV

Natatawa parin talaga akong tuwing naaalala ko yung reaksiyon ni bruha kanina hahaha. Ang cute niya parin talaga. Haha Hayst lalo na kagabe ang cute nung mga hilik niya. Kahit hindi ako masyadong nakatulog. Wala talaga siyang pinag bago kahit noon pa man. Namiss ko talga yung babaeng kulot na yun, kahit madalas niya akong sinusungitan.

Karylle's POV

Nakakainis talaga siya kahit kelan! Malaman ko lang talaga kung anon ginawa niya kagabe kakalbuhin ko talaga yung baklang manyakis nayun! Kahit kelan talaga manyak yung baklang yun. Partida bakla pa yun paano kaya kung naging lalaki yung palakang yun? Aist goodluck nalang. Pero kahit papaano namiss mo siya Karylle aminin? Oo na! Oo na! namiss kuna yung baklang yun pero still nakaka inis parin talaga siya!

General's POV
Halos mag kasabay namang lumabas ang dalawa sakanilang mga silid. Napa roll eyes naman si Karylle nung nakita niyang lumabas din ng kwarto si Vice "pag minamalas ka nga naman" sa isip ng dalaga. Pareho naman silang dumeretso sa kusina para mag handa ng agahan. Hindi pa rin nag iimikan ang dalawa. Hanggang basagin ni Vice ang katahimikan.

"Bruha sumabay kana sakin papuntang office"

"Ayoko nga mamaya may makakita pang bumababa ako sa sasakyan mo"

"Ano naman? ASAWA naman kita" bagamat kinilig si Karylle di pa rin niya ito pinahalata.

"Ex! Ayoko mag cocommute nalang ako"

"Ikaw rin! Haggard ka na nga mahahaggard ka pa papuntan office hahahaha"

"Anong sabi mong bakla ka?" Naliliit matang sabi ni Karylle habbang naka harap sa dating asawa at nakatutok dito ang bread knife na hawak hawak niya.

MY ex-HUSBAND IS MY NEW BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon