5

3.3K 90 20
                                    

General's POV

"Ano ba baby boy wag ka ngang magulo"malanding sabi ni Vice.

"Huh? Di naman kita inaano huh?"naguguluhan namang sagot ng kausap.

"Ay wala wala"biglang pagbago naman ng tune ng boses ni Vice.

"Ang weird mo talaga, kaya mahal kita"nakangiting sagot ni John.

Habang naglalandian ang dalawa sa table ni Vice ay rinding rindi naman si Karylle sa kanyang naririnig.

"Ene be bebe bey weg keng mekelet" mahinang pangagaya ni Karylle sa dating asawa.

"May sinasabi ka po Ms. Karylle?" Nagtatakang tanong ni Karen

Napaigtad naman si Karylle ng bigla nalang sumulpot sa kanyang likuran ang dating sekretarya ng kanyang dating malanding asawa.

"Hilig mo talagang gulatin ako 'no Karen?" Giit ng huli

"Ay, sorry po. May ibibigay lang po sana akong mga papeles kay Madame bago ako lumipat sa kabilang department. Sige una na ako"

"Sige"

Sa kanilang opisina ay si Karen lang ang nakakaalam na dating MAG-ASAWA sina Vice at Karylle. Dahil nga siya ang dating sekretarya ni Vice ay siya ang nauutusan nito ng ano man na tungkol sa dati nitong asawa. At kung iniisip niyo kung bakit nasa opisina ni Vice si Karylle ay dahil siya na ang bago nitong sekretarya. Ito kasi ang napag usapan nila ni Vice no'ng isang gabi silang nag kasamang mag hapunan.

Flashback

"Bruha, alam na nila Mommy at Daddy na sakin kana nagtatrabaho"pag uumpisa ni Vice ng kanilang usapan.

"O, tapos?"

"Sabi nila wag kana daw mag trabaho dito ka nalang daw sa bahay" Pero ang sabi lang naman ng mga magulang nila ay bigyan lang ito ng magaan na trabaho.

"Vice naman ano namang gagawin ko palagi dito?!" Naiinis na tugon ni Karylle sa kanyang kausap.

"Ok sige ganito nalang ikaw nalang ang bagong sekretarya ko at yung dati ko namang sekretarya ililipat ko nalang sa ibang department. Ok ba yun?" Pero sa isip-isip ni Vice ayaw niyang pagtrabahuhin si Karylle kasi ayaw niya itong mapagod.

"So you mean palagi nakitang makikita araw-araw? Ayoko nga!"

"Satingin mo ba gusto kitang palagi makita?! Sa ayaw at sa ayaw mo ikaw na ang bago kong sekretarya! And that's final!"

"May magagawa pa ba ako?!" Naiinis paring sagot ni Karylle.

"Bukas na bukas doon kana papasok sa opisina ko" seryosong pagkakasabi ni Vice pero deep inside medyo kinikilig siya kasi oras oras na silang magkakatrabaho ni Karylle .

"Fine. Whatever" at nagtungo na si Karylle sa lababo para mag hugas.

Kasalukuyang Panahon

Kaya ngayon ay mag kasama na sila ni Vice sa isang opisina. At dahil nga walang magawa at naririndi narin siya sa boses ng kanyang dating asawa ay napagpasyahan nalang niyang ayusin ang mga magulong papeles sa kanyang table.Dumating ang tanghali at oras na para kumain. Nauna namang lumabas si Vice at ang kanyang kasintahan, hindi nagtagal ay sumunod na rin naman si Karylle. Hindi naman masyadong magkalayo ang dating mag kasintahan kaya naririnig nila ang sinasabi ng isa't isa. Maya maya pa ay sumabay si Vhong kay Karylle habang naglalakad.

"Karylle pwede ba kitang imbitahang mag tanghalian?" Nakangiting pagaanyaya ni Vhong.

"Sige, ok lang, tutal ako lang naman mag-isang kakain sa labas tsaka para narin makabawi ako sa pagtanggi ko sayo nung mga nakaraang araw" nakangiti ding sagot ni Karylle.

MY ex-HUSBAND IS MY NEW BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon