March 9, 2013
1:15AM
Own ashes found inside her house.Isang buwan na lang sana ang hinihintay namin upang matupad na ang pangakong 'walang iwanan kahit kailan.' Ngunit ang pangakong iyon ay biglaang napako. At ako'y naririto, nag-iisa at nais na ring sumakabilang buhay. Ano pa ang saysay ng buhay kung ang babaeng nais mong makapiling sa natitira mong araw ay lumisan na? Ano pa't nabuhay ka kung siya ay wala na? Hindi kaya ng puso ko ang tanggapin ang pagkawala niya. 'Di ako makapaniwala.
Isang gabi, naglalaro ng chess sa may terrace namin ang mga kaibigan ko. Nag-iinuman dahil sa magandang balita.
"Naku John, 'di ko akalaing ikakasal ka na sa susunod na buwan." sabi sa akin ni Arvie na nakapokus sa laro na chess.
"Matagal na namin itong pinagplanuhan. Nag-ipon-ipon na rin kami para sa engrandeng selebrasyon." Sagot ko naman.
"Magpapakasal na kayo? Hindi ba't di ka pa niya naipapakilala sa mga magulang niya?!" Bigla naman akong natawa sa sinabi ni Eric.
"Sa susunod na linggo, darating na ang mga magulang niya. At nasabi niyang may plano na raw siya. "
"Ilang taon ba kayo naging magkasintahan?" tanong ni Bren na naglalaro ng 2Fuse.
"Mga apat na taon na rin kami kahapon." sagot ko naman habang ginugulo siya sa paglalaro.
"Hanep, 'di ko kaya ang apat na taon. Masyadong boring." sambit ni Bren.
Pabiro ko siyang binatukan sabay sabi'ng " Ang playboy mo talaga kahit kailan." at nagsitawanan kaming apat.
Alas-dose na ng hating-gabi nang biglang tumunog ang telepono. Sino bang baliw ang tatawag sa ganitong oras? Sabi ko sa sarili dahil medyo lasing na.
"Hello?" Tumindig ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang isang pag-hikbi sa kabilang linya.
"Sino to?" Tanong ko, hindi parin tumitigil sa pag-iyak ang isang babae sa kabilang linya. Parang narinig ko na ang pag-iyak na iyon noon.
----
Naglalakad ako sa hallway ng paaralan, pauwi na sana ako galing sa praktis ng Basketball Team nang may narinig akong isang paghikbi. Tumayo ang mga balahibo ko sapagkat alam kong wala nang tao sa campus sa mga oras na yun. Napadaan ako sa may field. May isang babae na umiiyak, naka-upo sa may damuhan, nakayuko kaya nama'y di makita ang mukha. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko siya, may kwento kasi na kumakalat sa campus; isang babae daw na naka-uniporme namin ang madalas umiiyak sa may field. Saktong-sakto pa naman din ang kwento sa nakikita ko ngayon. Napansin ata ng babae na may nakatingin sa kanya, lalong bumilis ang tibok ng puso ko para bang sasabog na. Lumingon-lingon sya sa paligid nya hanggang sa tumama ang paningin niya sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw. Tiningnan niya ako na para bang ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi naman ata siya multo, naisip ko. Nilapitan ko siya noong pagyuko niya ulit para umiyak. Naaawa ako sa kanya, sino bang walang hiya ang nagpaiyak sa babaeng to?
"Hi." Bati ko sa kanya at umupo sa tabi niya.
Itinaas niya ang kanyang ulo sa pagkabigla. "Ba't ka nandito?" Tanong niya.
Ang ganda niya, medyo magulo lang nga ang buhok dahil siguro sinabunutan nito ang sarili. Pero maamo ang kanyang mukha, tila isang anghel na nahulog mula sa langit. Sinundot-sundot niya ang aking kaliwang balikat dahil di pa ako nasagot.
"Ahh---May praktis kasi kami ng team kanina, ako na ang huling nakauwi. Ikaw? Ba't andito ka pa?" Ang galing, parang magkakilala na kami noon pa.
Ang inaasahan kong sagot ay nauwi sa paghagulhol. Hinimas-himas ko nalang ang likod niya upang patahanin. Nang matapos na siya sa pag-iyak, "Iniwan niya ako."
BINABASA MO ANG
Allie & Her
Mystery / ThrillerIsang babae ang nawala, si Allie. Isang babaeng maganda, mabait, maalalahanin--- lahat na nang nais ng isang lalaki sa isang babae. Naging misteryo ang pagkamatay ng babae sapagkat walang makitang dahilan ang kanyang mga kaibigan, ni ang kanyang map...